Archive for the ‘Transcripts’ Category

Interview: Gilbert “GIBO” Teodoro

Tuesday, November 3rd, 2009

Gilbert Teodoro and Cheche Lazaro

Q: Sa’n ho kayo pinanganak?

A: Pinanganak ako sa Manila Doctors Hospital. Naalala ko pa yung isang madre dun na naging very familiar sa aming lahat ng magpipinsan, si Sister Tekla ang pangalan. (CLL: Bakit?) masarap hong magluto ano, pag nako-confine kami nung araw siya ang nag-aalaga. Then naalala ko nakikita ko na may sakit sa Bagiuo na after. Manila Doctors Hospital ho kami ipinanganak, Dr. Constante Manahan ho ang nag-deliver sa aming halos lahat (CLL: sosyal na doctor ano).

Q: So masasabi natin dun sa inyong, nung binasa namin yung biography niyo, kayo ho ay pinanganak sa isang respetado, mayaman at tini-tingalang pamilya. Ito ho ba ay tumatak sa inyong kaisipan at sa inyong paglaki?

A: Siyempre po maraming pribilehiyo ho ang nabuksan sa akin, lalong-lalo na hindi po ako kailangang mag-aalala kung san ako kukuha ng pangmatrikula or baon araw-araw. Ngunit ako po’y may isang ama na hindi naman lumaki ng ganun, siya po’y hindi kasing palad ng aking ina. Dumaan po ng giyera at malaking pamilya na hindi naman may kakayahan so alam din ng tatay ko ho yung only child syndrome, so naging istrikto, nakikita niya yung nangyayari minsan so naging istriktong-istrikto ho yung tatay ko sa akin.

(more…)

Interview: Francis “Chiz” Escudero

Friday, October 30th, 2009

Cheche Lazaro and Chiz Escudero1

Q: Chiz, pakikwento sa amin mula sa umpisa. Saan ka ba pinanganak?

A: Pinanganak ako sa Maynila. Ang nanay at tatay ko, ang pangalan Evelina at saka Sonny Escudero. Evelina Guevara ang pangalan ng nanay ko bago sila kinasal. Pangalawa ako sa tatlong magkakapatid.

Q Tatlo lang kayo? Ikaw lang ang lalaki?

A: Middle child without the syndrome.

(more…)

Enjoy using ProbeTV.com by having access to all videos, comment and by sharing your own creations. Join ProbeTV today or login to begin.
Do you need video for a documentary, film, commercial or project you are making? Or want a copy of your favorite Probe Production show or documentary? ProbeTV may have what you need. Browse and buy from Probe’s 14,000 hours of video.