INTERVIEW with POKWANG
Thursday, March 11th, 2010
Q: Pokwang, mag-umpisa tayo from the very beginning, saan ka ipinanganak, kailan at ano yung kwento sa panganganak mo?
A: Pinanganak ako sa Bagong Ilog, sa Pasig, sa Immaculate Concepcion Hospital, sa bandang Ugong yun. Nakatayo pa ‘ata yung ospital du’n. August 27, 1972. Kaya, mali po yung nasa Wikipedia na 1960. 1972 po ako. August 27. (CLL: Pinatanda ka ng Wikipedia?) Correct. Pinatanda nila ako nang bonggang-bongga.
Q: Ano yung pamilya mo, marami kayo di ba? 12?
A: Dose lang po.
Q: Dose lang. Isang dosena lang.
A: Opo. Pang-siyam lang po ako sa magkakapatid.
Q: Okay, yung pamilya mo ba nung pinanganak ka, mayaman ba kayo? Ano yung circumstances ng birth mo?
A: Alam ko nung pinanganak ako, ito yung time na walang-wala na po. Kasi, ito na yung time na nag-resign yung tatay ko sa trabaho. Ah, hindi siya nag-resign. Tama, nag-resign because mag-a-abroad daw siya. Mag-si-seaman. Eh, nagkataon naman po na peke yung na-applayan na agency, hindi na po siya makahanap ng bagong trabaho kasi may edad na po siya. So, nahirapan na po. Hanggang nung pinanganak ako, wala na talaga so, nanay ko na lang. (CLL: Anong ibig sabihin na wala na talaga? Ano yung level ng kahirapan na naranasan mo?) Wala. Wala po talaga kaming ano nu’n, kasi ano eh, medyo, sa dami naming magkakapatid, walang naipon ang mga magulang. Yan, lesson po yan. Tapos, kung saan-saan kaming kamag-anak nagdi-dilihensya, makakain lang hanggang sa, pangsiyam ako nadagdagan pa ng tatlo, ayun, kanya-kanya kaming diskarte. Nagkaroon ako ng, lumalaki ako, nagkakaroon ako ng isip, ang alam ko dapat nagtratrabaho na kami nang ganung edad.
Q: Anong edad?
A: At the age of 7, nagtratrabaho ka na.
Q: Wow!!! Lahat ng nauna sa iyo nagtratrabaho na? (P: Yes po.) Ano yung mga trabaho nila?
A: May, nakahiwalay kami sa mga kamag-anak namin, yung iba namasukang bilang katulong, makapag-aral lang. (CLL: So, hindi kayo magkakasama sa isang bahay?) Hindi po. Hiwalay kami Like yung may mga mas may edad sa amain, hanggang panganay hanggang sa panglima siguro, mga nakatira sa tiyahin, lola, ganun para lang may–
Q: Natatandaan mo ba yung mga naiisip mo nung panahon na yun, nakikita mo yung kuya at ate mo na hindi kayo magkakasama, nasa iba’t-ibang bahay.
A: Natatandaan ko nu’n, ‘pag dumartaing sila, ang ngiti ko hanggang tainga. “Ay, may bigas na dala ito.” Yun po ‘yun. Tapos, pag dumarating sila na walang bitbit, “Ay, wala kaming pagkain.”
Q: Ano, naranasan mo ba yung hindi kumakain?
A: Yes, naranasan ko po talaga na matutulog na lang kami. Minsan, naririnig namin yung mga kapitbahay namin, naghahanda na ng let’s say, plato, tanghalian o hapunan, kami, nakahiga lang kasi wala talaga. Tapos, minsan, kung ilang gatang natitirang bigas, ilulugaw na lang ng tatay ko yun. Kasi madalas, tatay ko ang naiiwan sa amin dahil nanay ko namamasukan. (CLL: Bilang?) Bilang kasambahay.
Q: So, nung panahon na yun, ilan kayong nasa piling ng tatay at nanay mo?
A: Pito. (CLL: Pito?) Pito ho kaming pinapakain.
Q: Wala siyang trabaho.
A: Wala ng trabaho si tatay. (CLL: So, umaasa lang kayo sa bigay-bigay ng mga kapatid mo?) Opo, tapos kami, nagtitinda kami sa palengke sa simbahan, kung anong mailalako mo.
Q: Ikaw mismo, nagtrabaho ka ba nung pitong taon ka?
A: 7 years old ako, ang trabaho ko nu’n, ang trabaho ko, naglilinis ako, nagtatapon ako ng bausra ng kapitbahay. Tapos, pag-iigib ko sila, mga ganun, tapos, pagdating ko ng Grade 3, Grade 4, ‘eto na yung naglalako na ako ng ticket sa Araneta Coliseum. Dyan sa may simbahan ng Antipolo. (CLL: Mag-isa ka lang?) Kasama ko yung mga kapatid ko. Tapos, hiwa-hiwalay kami. Every Wednesday, absent kami sa school kasi dadayo kami sa Baclaran para magtinda ng ticket ng sweepstakes. Tapos, ‘yang Araneta Coliseum, magandang-maganda istorya ko dyan. (CLL: O ano, kwento?) Kasi nagtitinda ako ng ticket ng sweepsatkes dyan, ‘pag ka merong circus-circus, mga elepante, pinanonood ko yung mga elepante sa kulungan. Hanggang sa nanakawan na ako ng paninda ko. (CLL: Oh my God!) Kaya nung first time ko po mag-perform sa Araneta, yung birthday ni Sahron Cuneta, ni mega, Sharon Cuneta, umiiyak talaga ako sa dressing room kasi sabi ko, (cries) “Nagpeperform ako ngayon dati, dati, nag–”
Q: Naalala mo? Mapait ba yung alaalang yun? Naiisip mo?
A: Siguro, nung bata pa ako, lahat dinadaan mo na lang sa laro so, hindi mo masaydong nararamdaman pero ngayon kaya ako naiiyak, naisip ko na, nalampasan ko yun di ba? Naka-survive ako ng mga ganun. Kaya nung nag-perform ako s abirthday ni Megastar, umiiyak ako talaga sa dressing room. “Dati, nagtitinda lang ako ng ticket ng sweepstake, paikot dito sa Araneta.”
Q: Tandang-tanda mo pa yung lugar?
A: May isang puno na doon kami nagmi-meet ng mga kapatid ko. “O, pag oras na ng uwian, dito tayo ha?” Ganyan-ganyan.
Q: Ikaw ba yung pinakamatanda?
A: Kasama namin yung nanay ko. “O, eto ang meeting place natin ha? Pag ganitong oras, dito na tayo uuwi na. Kasi umaarkila kami ng isnag jeep dahil marami kaming mag-ti ticket. From Antipolo, umaarkila kami ng isang jeep, tapos susunduin kami. Ganun din po sa Baclaran kapag dumadayo kami, sa Grotto, ganyan. Hati-hati kami sa bayad.
Q: Magkano naman yung kinikita ninyong magkakapatid pagkatapos ng isang araw o ng isang paglalako doon sa Araneta.
A: Tama lang po yung makakakain kami ng mga 2 days na pagkain. Tapos, ratsada na naman. Kasi ang nangyayari, papasok kami s aschool sa umaga, sa hapon, magtitinda naman kami ng ticket o nung kung ano.
Q: So, pagod kayo? Wala kayong time maglaro?
A: Siguro po yung pagtitinda, sinasamahan namin ng laro. Ganyan. Or maglilinis kami ng mga jeep. “Lilinisin na lang namin ito. Babantayan naming ganyan, sa parkingan.”
Q: Meron ba kayong naging masamang karanasan> Meron bang nag-take advantage sa inyo? May nag–
A: Diyan sa Cubao. Nagtitinda ako ng ticket ng sweepstakes, kita ko yung mama sa loob ng kotse, nakaupo. “Ay, Mama, bili ka na sa akin. Sunday na po ang bola nito.” “O, sige, bibilin ko lahat yan pero–” Nakita ko nakalabas yung ari niya.
Q: Ilan taon ka nu’n?
A: Ahm, Grade 4 ako nu’n. Nakita ko nakalabas ari niya. Sabi niya, “Bibilin ko lahat ng paninda mo. Anuhin mo lang ito.” Nagtatakbo talaga ako. I-ano ko daw. Yun, kaya na-pobya na ako. Di na ako masayadong lumalayo. Sobrang takot ko. Nagka-pobya ako sa mamang yun. ‘Hoy, kung sino ka man!”
Q: Tapos, nag-aaral pa kayo nu’n? Lahat kayo pumapasok?
A: May pahinto-hinto. Halimbawa, ang nakakatawa nga, halimbawa, this year ako, next year, yung isa naman. (CLL: Turn by turn) Umabot pa nga sa punto na nag-abot-abot kami. Pare-pareho kmaing garde 6, tatlo kami. Sabay-sabay kaming Grade 6. Eh, graduation na ng elementary. Isa lang po yung pang-graduation outfit ko eh, dalawa kaming babae. “Ay, ako na muna.” Sabi ng kapatid ko, “Bilisan mo, ako ng tatawagin.” Tapos, huhubarin ko, siya naman magsusuot. (CLL: Talaga?) Na hiniram namin sa pinsan namin.
Q: Ano yung mga damdamin mo noon Pokwang? Hindi ka ba naiinggit du’n sa ibang bata na kanila yung uniporme nila o ,may libro sila.
A: Nararamdaman ko yung awa sa sarili ko tsaka sa mga kapatid ko, ewan ko, tuwing Pasko. Naaawa ako sa amin ‘pag magpa-Pasko na. Parang, “Bakit sila may mga bagong damit? May mga pagkain sila, may mga ano, bakit tayo wala?” Tuwing Pasko ako nalulungkot nang bonggang-bongga. Pero kasi ‘pag ordinaryong, hindi ko na naiisip. Ang kailangan naming kumayod. Yan ang nasa utak. “Kailangan nating kumayod. Wala tayong kakainin. Kailangan ganito, kasi, ganito-ganyan.”
Q: Talagang pagkain ang inaatupag ninyo?
A: Yun po ang ano namin talaga. Lalo na may mga mas bata pa akin na kapatid ko. ‘Pag umiiyak na sila, humihingi na ng pagkain parang, “Teka, sandali lang. Didiskarte ako.” Ako yung madiskarte ako sa magkakapatid eh. Ako yung hindi nahihiya. Pupunta ako sa kapitbahay, kuwento-kuwento ko lang, blah, blah, kiyeme, kiyeme, kiyeme, mamaya, may dala na akong pagkain. (CLL: Talaga?) Ma-kiyeme.
Q: Pero, yung iyong pagiging komedyante, lumilitaw na ba nung mga panahon na yun na magaling ka makipag-usap, na yung, yung marunong ka makisama sa tao?
A: Inborn na talaga akong ganito. Na pala, tawa-tawa (CLL: Talagang loka-loka?), nililibang ko sila. Hanggang sa mamayang konti, ” Aling Naty, pahingi namang, may kaning lamig kayo dyan.” Si Aling Naty. “Kasi po, nagugutom yung kapatid ko.” Kukuwentuhan ko muna sila ng mga anik-anik na loka-lokahang kuwento. Mamayang konti. “Ay, masarap ito ha?” Mga nilagang kamote. Dadalhin ko na sa bahay.
Papakainin ko na yung mga mas bata sa akin
Q: Ikaw, hindi ka nakakakain?
A: Okay na ako nu’n. Ang sakit kasi sa tainga nung iyak nila. “Tumigil kayo. Kainin niyo na yan. Matigil lang sa kangangalngal.”
Q: Oo, oo. Okay, nung lumalaki ka, ano yung mga ambisyon mo sa buhay?
A: Nung nakita mo yung bahay namin na nakatira kami sa tabi ng ilog n atuwing umuulan at bumabaha, nag-iiyakan kami kasi pumapasok sa isip namin, “Baka tangayin tayo.” Di kami natutulog. (CLL: Talagang posible yun ano?) Sobra. (CLL: Nangyari ba yun?) Nangyari yun, nung tumataas na yung tubig, buti na lang may kapitbahay kami si Aling Puring, “Dito muna.” Doon kami pinatulog kasi may bagyo. Tinangay yung mga gamit namin, pero awa ng Diyos, yung bahay nnadoon. Pero yung mga alaga kong bibe nawala. Yung mga alaga akong bibe. (CLL: Natangay.) Buti na lang, yung bahay namin, may pabigat na makina kasi yung nanay ko nagtatahi. Kung wala yun, tinali ng tatay ko s apuno ng Samapalok yung bahay namin. Iyak kami nang iyak nu’n. Kaya sabi ko, “Gusto ko magkaroon kami ng disenteng bahay talaga.” Pangarap ko pa nga noon, mgaing flight stewardess.
Q: Bakit flight stewardess ang napili mo?
A: Ewan ko. ‘Pag nakakakita ako ng eroplano nung bata ako, “Siguro, ang sarap-sarap ‘pag lumilipad. Ang sarap-sarap siguro pumunta sa ibang bansa. Ay naku, pag sumakay ako sa eroplano, kailangang tabing bintana ako para nakikita ko yung view.” At nangyari. Dahil nung unang biyahe ko sa Japan, 1990, tabing bintana ako nu’n. “Aaaay! Ito pala. Ay, ang ganda! Ay, nakakalula!” Kaya yun, ‘pag nagkaroon ako ng magandang trabaho, gusto ko talaga bahay.
Q: Pero ano yung trabaho na inaasam, ano yung gusto mo sanang trabaho?
A: Flight stewardess nga. (CLL: Okay. Nangyari ba yun?) Hindi. Kasi po kulang kami sa pera, sa pagpapaaral. Hanggang sa nag-Japan na lang ako, (CLL: Anong ginawa mo?) At age of 17, nag-Japan ako. Nag-OFW ako doon. Bilang entertainer kami doon, grupo.
Q: Paano ka napasok doon?
A: Yung kaklase kong si Cynthia. “Hoy, Cynthia, nasa’n ka na?” Yun, sabi ko, “Bakla, bakit ka lagi absent?” “Hindi kasi may pinupuntahan ako,” ganyan-ganyan. Sinama niya ako sa promotion, sa Pasig. “Ay, anong ginagawa nila?” Dance, dance, dance. “Ay, parang nagugustuhan ko yan!” Eh bilang sa bara-baranggay, talagang–
Q: Nanalo ka ba?
A: Ay, madalas. Kaya may kinakain kami. Nakakaloka yung dance contest, nang minsan bata ako. Mananalo dapat ako ng P300, malaki na yun. Nag-brown-out. Nawala yung pera. (CLL: Nawalala yung pera?) Nawala daw, nawala daw. Sabi nung nag-organize nung pa-contest. “Ay, sorry, nawala yung pera kasi nag-brown-out.” Binigyan ako ng isang kilong bigas tsaka tatlong malalaking lata ng sardinas. O, happy na ako doon. (CLL: Meron ka ng ipapakain?) Meron na kaming pagkain.
Q: Parang ikaw ba ang naging bread winner? Ikaw ba yung talagang nakakakita ng pera?
A: Hindi naman po. Meron din po akong mga kapatid na tumutulong sa amin. Kaya lang, ako lang yung pursige. Laboy kasi ako. Kung
saan-saan nakakarating.
Q: so, nag-audition ka.
A: Ayun, audi-audition ako. Hindi alam ng mga magulang ko. Alam nila, nag-aaral ako. Sabi ko, “Kasi wala naman kaming pera.” Nagpapaaral lang sa akin yung kapatid kong panganay, and dami rin niyang iniintindi. Tsaka nagmamadali akong makatulong agad. Yun ang naano ko, nagmamadali ako na iahon sila. So, hindi ko na naisip yung sarili ko, kung anong magiging kinabukasan ko, ni hindi ko naisip na menor de edad ako pero nagpunta ako ng Japan
Q: Pumasa ka naman?
A: Pumasa ako. Ayan, ang ganda ko. Pumasa ako doon. (CLL: Dancer?) Grupo kami, ganyan. Hanggang sa dumating yung vis ako. Ayaw pa nga ako payagan ng tatay ko kasi menor de edad ako.
Q: Paano niya nadiskubre na natanggap ka?
A: Sinabi ko sa kanya kasi paalis na ako, 2 days from now. “Alis na po ako?” “Kailan?” “Saan ka pupunta?” “Magja-Japan po ako.” “Menor de edad ka! Chuchuchu. Pinagagalitan ako. Sabi ko, “Kaysa naman ho, sama-sama tayo dito. Wala namang nangyayaring pag-usad sa buhay. Eh, alam naman natin, may edad na kayo, wala na kayong makukuhang trabaho di ba? Eh may mga kapatid pa akong dapat tulungan.” Ayun, nag-Japan ako.
Q: Pero hindi ka ba natakot na pumasok sa ibang bansa, menor de edad ka, wala kang kilala?
A: Yung paalis ko rito hanggang sa eroplano, di pa ko natatakot. Yung pagdating ko doon. Parang may culture shock akong naramdaman ng bonggang-bongga. Hindi ako marunong mag-Nihonggo. “Paano ba ako makikipag-communicate sa kanila?” Ganyan. Oo lang ako nang oo. “Hai. Hai. Hai.” ‘Di ko alam, minumura na pala ako. Sabi ko, “Mag-aaral talaga ako.” Everyday, nagpursige ako. Nag-aral ako ng Nihonggo. Nagbabasa ako.” (CLL: Natuto ka naman?) Natuto ako. Kasi yung pagkanta-kanta. Kasi madali kang matuto sa kanta nila, tandaan mo lang anong meanign nito. Hanggang sa ang dali ko matuto na. Mayro’n akong karanasan na, ano siya, mafia, yakusa siya. (CLL: Paano mo nalamang yakusa siya?) Eh kasi, puro tattoo siya dito tsaka may putol siyang daliri dito. Tsaka, sinasabi sa akin ng mga beterana doon na, “Ingat ka, ano yan.” Eh, oo lang ako nang oo sa sinasabi niya. Ngiti lang ako nang ngiti. Yun pala, gusto niya pala ako ilabas. Nung agbing iyon. Gusto niya ako ilabas. Tapos, eto na, hindi ko naman alam na ganun pala yung ibig niyang sabihin, eh di nagliligpit na ako ng mga lamesa. Kasi sarado na yung club. Nagliligpit na kami. Hindi pa siya umaalis. (CLL: Iniitay ka?) “Bakit kaya nandito pa ito?” Tapos, sabi niya, nagsasalita na naman siya. Sabi ko, “Ano daw?” Sabi nung isang kasama ko, “Um-oo ka ba sa kanya?” “um-oo na ano?” “Sinabi mo daw na sasama ka sa kanya?” “Wala akong sinasabi!” Nagwawala na siya. Nagwawala na. Kasi daw um-oo ako na pumayag daw ako, ganyan-ganyan. “Hindi ko nga alam ang sinasabi niyan.” Hanggang sa nag-iiyak na akong ganun. Tapos, sabi niya, wag akong lalabas mag-isa. Papatayin raw niya ako. (CLL: Oh my gosh.) Hanggang sa pinakiusapan ng floor manager namin na, “Pasensya ka na kasi dumating lang siya last week, di pa siya mag-Nihonggo, di ka pa niya maintindihan. Pero kung naiintindihan ka niyan, di naman siya siguro papayag sa gusto mo.” Ayun, napakiusapan hanggang sa (CLL: Umalis) at naging friend ko siya after 1 month. Naging friend ko na siya, sobrang naawa siya sa akin, dahil nakita niya ang iyak ko. (CLL: Naawa sa iyo?) Naawa siya. “Alam mo, parang nakikita ko lang naman sa iyo, yung anak ko eh.” “Ay, salamat!” Naging friend ko na siya, nagbibigay na siya sa akin ng mga regalo, pagkain, kung anong kailangan namin sa bahay namin, sa apartment, nagdadala siya sa mga groceries.
Q: Kamusta naman yung buhay mo sa Japan? Ilan taon ka doon?
A: 6 months, tapos, uuwi ka na naman dito. Hanggang sa napaibig ako ng isang–
Q: At napaibig ka?
A: Napaibig ako, nagkaanak ako ng lalaki. 1992. Nanganak ako sa isang batang lalaki. (CLL: Sa Japan?) Dito ko po siya pinanganak. (CLL: Tapos, umalis ka ulit?) Nung hindi nag-success yung aming relationship, nung una kong–(CLL: Inuwi mo ba siya dito?) yung bata? Actually, dito kami nagkakilala. (CLL: Ah, dito. Hindi sa Japan?) Hindi sa Japan. Kasi dito siya naka-base, may mga negosyo siya dito. So, napaibig ako sa ganoong edad ko. Nang bonggang-bongga. (CLL: Ilang taon ka nu’n?) Nung nagkakilala kami 18 ako noon. (CLL: Wow! Bata pa rin) Tapos, nagkaanak kami, lalaki. Nagsama kami ng 5 years. Tapos nu’n, hindi naging successful ang aming relasyon. Bumiyahe na naman ako nung naghiwalay kami. Nakilala ko yung tatay ng anak kong babae. (CLL: Doon sa Abu Dhabi?) Sa Japan na. (CLL: Sa Japan ulit?) Sa Japan ko na nakilala, tapos, nagka-anak kami ng babae. Kasi dalawang anak ko, magkaiba sila ng ama pero parehong Japanese. (CLL: Parehong Japanese.)
Q: Okay, tapos ilan taon ka naman sa Japan nung second time.
A: Puro 6 months lang nang 6 months. Bali, naka-apat na biyahe pa ako. Pabalik-balik sa Japan.
Q: May regrets ka ba sa pagpunta sa Japan?
A: Siguro, yung ano lang, yung hindi ko lang nagawa yung tungkulin ko bilang, I mean, yung pangarap ko na mabigyan sila ng bahay. Hindi ko natupad yun. Pero yung nagkaroon ako ng dalawang anak. Sobrang ang suwerte ko doon. Mga kayamanan ko silang dalawa.
Q: Pero umalis ka ulit. Pumunta ka sa Abu Dhabi?
A: Abu Dhabi, 1998.
Q: Bakit ka pumunta sa Abu Dhabi?
A: Eto yung wala na, kahigpitan na ng Japan. Ang dami ng, pahirapan ng umalis. So, kailangan kong umalis kasi dalawang anak ang bubuhayin ko. So, yung Abu Dhabi, may nag-invite sa aking mag-work na para ka ring nasa Japan. Ang kaibahan lang, di ka nakakalabas. So, hanggang du’n lang ako sa hotel talaga. ‘Pag gusto naming lumabas o mag-grocery o bibili ng personal gamit o ano, iuutos pa namin.
Kasi mahigpit sila sa entertainer. (CLL: Sa babae?) Kaya inuutos na lang namin.
—1998 yun. Nung pumunta ako ng Abu Dhabi, June 1998. And then, August, birthday ko yun. Huling-huli ko siya nakausap. (cries)
Q: 6 years old siya di ba? Ano yung naging sakit niya?
A: Ano, nagkaroon siya ng tumor sa utak. Kasi, eto yung ano, ‘yung time na pinagbubuntis ko siya, madalas kasi kaming nag-aaway ng tatay niya, umaabot n sa sobrang sama ng loob ko, ‘di ako kumakain, di ako umiinom ng vitamins, eh, ang laki pala ne epekto sa bata nu’n. Parang, ‘di ko alam kung sinong sisihin ko. Sarili ko ba? Siguro,kung dinedma ko lang yung pangdadaot sa akin ng tatay niya, siguro, helathy yung anak ko, hindi ganun. Pero hindi sya para sa akin.
Q: Pero nabuhay siya ng anim na taon?
A: Anim na taon, nagbigay siya ng grasya sa akin. Tuwa, saya, ‘di ba? Kaya lang, dapat may binatilyo na ako ngayon.
Q: Madalas mo ba siyang maalala?
A: Madalas. Hanggang ngayon, nasasaktan pa rin ako. Iniisip ko na lang na ano, siya yung nag-pre-pray sa akin sa taas. Kaya kung anong meron ako ngayon siya yung dahilan. (CLL: Siya yung dahilan.) Kasi siya yung, nakikita naman niya kung ano yung nangyari. Naniniwala ako na binabantayan niya kami. Kaya siguro ganito ako ngayon. Maaga akong natuto sa buhay, yung mga kinikita ko, alam ko kung saan dapat ilagay. Kasi,sobrang dinanas namin noon na dati wala naman kami halos kamag-anak, (CLL: Wala kayong kamag-anak?) pero nung naging Pokwang ako, parang andyan sila bigla.
Q: When you’re up, dami mong kilala, when you’re down, walang nakakakilala sa ‘yo.
A: Pero never akong nagtatanim ng galit sa kanila. (CLL: Why?) Kasi naiintindihan ko rin naman then. Hindi naman sila ganung kayayamang kamag-anak.
Q: Pero ang gnada ng attitude na ‘yun, ‘di ka nagtatanim. Tinatanaw mo silang isang blessing din. So, nung namatay yung anak mo, wala ka dito?
A: Wala. Nasa Abu Dhabi ako nu’n, nung nagkausap kami, kasi tinatago pa nga sa akin ng nanay ko na, may tumor yung bata. Ang sabi nila, ao daw, hydrocephalus, so, tatanggalin lang yung tubig. Pero kritikal na pala yung bata nu’n. Ayaw nila na mag-alala ako nu’n dahil nasa malayo ako. Tapos, hindi ako pinauwi. Kasi sabi sa akin,”Kung gusto mo umuwi, bibili ka ng tcket mo. Ngayon ko lang saabihin ito. Talagang muntik na akong tumalon doon sa 12th floor ng building na yun. Para sa akin, katapusan na talaga ng lahat kasi sobrang mahal na mahal ko yung mga anak ko.
Q: Anong pumigil sa iyo?
A: Naisip ko na lang, may isa pa akong anak na babae na mas bata, na mas ano, dapat ko pa pagtuunan ng panahon ko. Yun na lang siguro. Tsaka, siguro, inano rin ng anak ko na “Mama, huwag. Kasi may tungkulin ka pa sa kapatid ko.”
Q: Natatandaan mo nung kinausap mo siya?
A: Oo, nung birthday ko. Sabi niya, “Mama, may masakit.” Sabi ko, “Ano yun?” Sabi niya, “Ang sakit-sakit, Mama.” Tapos, hindi niya masabi sa akin nang diretso kasi naapektuhan na yung pagsasalita niya. Nung time na yun. Ang hirap kasi, nsa telepono ako. Hindi mo siya mayakap. Hindi mo masabi na, “Ano yung masakit, Anak? Saan yung masakit?” Basta nagsasalita rin siya na “Masakit.” Siguro, pag inaatake siya. Ayaw naman nila sabihin kung ano talaga yung nararamdaman nung bata. Tapos, September 23, siguro, 1 month ako tawag nang tawag. Laki ng inabot ng bill ko sa telepono. Halos wala na akong sinusuweldo, kasi kinakaltas pa nung may-ari ng hotel, kinakaltas agad nila yung bill ko sa telepono kaya wala akong halos maipadala. Buti na lang yung mga Pilipina du’n s aAbu Dhabi, mabait talaga sila. Nag-ambag-ambag sila ng pera hanggang s aumabot ng P50,000 plus. Pinadala ko dito sa Pilipinas. Akala ko nga pampagamot ng anak ko, yun pala, pampalibing na niya yun. September 23, tumawag yung kapatid kong babae. Sabi niya, iuuwi na raw nila. Sabi ko, “Bakit niyo iuuwi? Magaling na ba?” Tapos, di na sila, nagsasalita. Wala na. Hanggang sa narinig ko yung nanay ko, sa background, sa telepono, nagsisigaw na. Wala na pala yung anak ko. Pakiramdam ko para akong binuhusan ako ng isnag baldeng yelo na di ako agad nakapagsalita noon. Hanggang sa nagising na lang ako na pinapaypayan ako. Nahimatay na pala ako nung oras na yun. Naghalo-halo yung sama ng loob ko, “Di niyo man lang ako pinauwi. Hindi man lang kayo naawa.” Yun yung naramdaman ko, pinagkasumpa-sumpa ko sa galit ko. Kasi hindi ko man lang nasamahan yung anak ko dahil tuwing may dadalaw sa ospital, ang tinatanong niya, “Mama? Mama? Mama?” (CLL: Hinahanap ka?) Kaya ngayon, kaya ngayon, napaka-protective ko naman du’n sa bunso ko. Sobra talaga. Lagnat lang na-pa-paranoid ako. Paranoid ako. Lagnat lang parang, “Uy, itakbo niyo na yun du’n. I -ano niyo na.” Hangga’t maaari, ayaw ko may masakit sa katawan niya. Ayoko na eh. (CLL: Protective ka bilang nanay?) Sobra. Sobra.
Q: Pero doon sa dinanas mong hirap na yun, ang dami mong dinanas na hirap. Bakit nangingibabaw yung pagka-komedyante mo? Totoo ba, sa isang buhay ng komedyante na para ikaw ay maging isang ganap na komedyante, kailangan maranasan mo yung kahirapan?
A: Siguro, dahil marami akong mga kapatid na nakapalibot sa akin. Nanay ko, gusto ko lagi silang masaya. Although, kulang kami sa material na bagay, ganyan. So, du’n ko na lang dinadaan. Yun mapasaya ko sila. So, tinatago ko kung ano yung nararamdaman ko. Kaya, yun na lang ang papel ko sa buhay. Kaya binigyan ao ni Lord ng ganitong talent. Ultimo mga pamilya ko, mapasaya ko. Para maitago kung anong kulang sa amin.
Q: Pero di na kulang ngayon?
A: Ay, yun na lang. Ngayon, (CLL: Umaapaw naman?) Siksik-liglig. Sabi nila, i-ano ko raw yun, para suwertihin. Pero ang akin, ngayon, umaapaw naman ang pasasalamat. Unang-una kay God, dahil ano, ah, siguro kung ano yung mga pagsubok na binigay niya sa akin, siguro sabi niya, “Dahil nakita ko kung gaano ka katatag, bibigyan naman kita ng ginhawa ngayon.”
Q: Duman ka ba du’n sa time na, nawalan ka ng tiwala sa Diyos, nagtanong ka?
A: Talaga! Yung nawala yung anak ko, talagang sinisisi ko siya. “Bakit ka ganyan? Yung iba, nilalaglag yung mga bata? Ako, minahal ko itong batang ito.” Kinuwestiyon ko talaga siya. Galit na galit ako. “Nakita mo naman, kahit wala akong kainin. Kahit anong trabaho, pinasok ko, buhayin ko lang yung anak ko. Tapos, kukunin mo lang siya sa akin?” Ganyan-ganyan. “Yung iba, nagpapa-abort.” Ganyan. Sobrang umabot na ako sa ganung punto. Tapos, na-realize ko na, hindi siya talaga para sa akin. Sobra-sobra naman yung paghingi ko ng kapatawaran talaga. Halos talaga, “Nagsisisi ako, bakit kita na-question. Bakit kita na-ano, patawarin mo ako.”
Q: Kailan nagbago yung buhay? Kailan kumbaga, kung nasadsad ka dito, kailan umaakyat yung kapalaran mo sa buhay?
A: Ano, nag-start ito ng 2004. Nung nanalo ako sa Clown in a Million. Ayaw ko talaga sumali. Kasi nung time, before ako pumasok ng ABS, nasa Music Box ako, sa comedy bar (CLL: Nag-stand up comic ka?) Nandu’n ako. Ngayon, may kasama ako doon si Eric Nicolas. Sabi niya, “Pokwang, naghahanap yung contestant yung sa Channel 2. Yung Yes, Yes Show. Babae naman daw. Kasi puro bakla na yung nakakapasok.” Gusto naman nila may babae. Sabi ko, “Ayaw ko. Ayaw ko sumali sa mga ganyan-ganyan. ‘Pag natalo ako, pagtatawanan ako ng mga friendship.” Try mo lang, walang mawawala.” “O, sige, sige. Sasali ako dyan. Pero ‘di ko pagsasabi na sasali ako para walang makapanood.” Natutulog ako sa bahay, umaga yun. Dahil puyat galing sa set. May tumatawag sa akin, sa telepono ko, eh di sinagot ko naman. Sabi niya, “Hi! I’m Christian Torio of Star Magic of Chuchu…” “Bakit po?” “Gusto mo bang sumali sa contest?” “Yan ba yung Clown in a Million? Ano ba yan, mag-co-costume ba ako ng parang boyoyong?” Kala ko naka-clown na costume. “Hindi, para ka ring nag-sta-stand up act.” “O, sige, sige, sige.” Tapos, pinapunta niya ako ng ABS. Sabi niya,”O, bukas, magkita tayo ng ganitong oras sa audience entrance. Pagpunta ko doon, (CLL: Excited ka?) kinakabahan ako. Parang aatras, wag na lang kaya. Ganun-ganun ako. Dumating na siya. “Pokwang?” “Ako nga.” “Halika na.” Tapos, dinala niya ako sa taas, sa talent center. V-ni-TR ako doon. “O, sabihin mo, anong pangalan mo, sa’n ka nagwo-work, ganun-ganun.” Ayun na. Kinabukasan, sinalang agad ako. (CLL: Talaga?) “Ay, agad-agad?” “Oo, bukas na yan.” Sinalang ako agad-agad sa Yes, Yes Show sa Clown in a Million.
Q: Ninerbyos ka?
A: Ang inisip ko na lang, nasa Music Box lang ako.
Q: Anong ginawa mo?
A: Binigyan nila ako ng script. Katulong ako pero yung amo ang mag-a-apply sa akin. Nakabatuhan ko pa noon si Ms. Candy Pangilinan. (CLL: Ah, siya yung mag-hi-hire sa iyo? Siya yung nag-aapply) Siya yung amo pero siya yung nag-aapply. Hanggang sa nagbatuhan na kami nang impromptuhan na yun. Ayun.
Q: Gusto mo maging stand up comic.
A: Hindi. Wala, kasi ano yan, floor manager muna ako sa isang karaoke club. Nag-ano muna ako soon na isa akong floor manager. Kasi magaling nga ako mag-Nihonggo. And then nung one time, wala kaming magawa, kami ng mga magkakaibigan, nagkayayaan kaming gumimik. “Ay, meron isang comedy bar sa Pasay!” So, pinuntahan namin. Pag punta ko roon. Di ba, aakyat ka, mag-rerequest ka, kakanta ka, so, ‘pag kumanta ka, ino-okray ka ng mga (CLL: Tao?) baklang hosts du’n. Mga stand-up comedian doon. Eh, lumaban ako. Nakipagbatuhan din ako ng okrayan. Hanggang sa nagtatawanan yung mga tao, nagpapalakpakan. Hanggang sa yung floor manager sa bar na yun, kinuha number ko. Nagtrabaho ako doon. Hanggang sa napunta ako sa Music Box. Ganyan.
Q: So, kumikita ka na sa Music Box? Kumikita ka na ng regular?
A: Dati, once a week lang ang sampa ko. Magkano lang yun? Parang di makakabuhay ito. Hanggang sa nakita nila na marami akong followers, parang Twitter.
Q: Sinusuportahan mo na yung anak mo, tsaka yung mga kapatid mo?
A: Yung anak ko. Yan, nanay ko. Tatay ko, buhay pa ang tatay ko nu’n na may emphysema na kailangan lagi ng oxygen. Ayun na, hanggang sa ginawa ng may-ari ng Music Box, ginawa na akong 5 times a week. (CLL: Wow! Full-time) Bongga na ‘to.
Q: Tsaka ka napunta sa Clown in a Million na?
A: Yun na, sa Clown in a Million.
Q: Okay, inakala mo ba na mapipili ka, na mananalo ka?
A: Hindi po talaga. (CLL: Bakit?) Kasi, sabi ko, “Contest lang ito. Bahala na. Manalo, basta ma-experience ko lang na mag-perform in front of the camera. Parang ganun. Hindi ko naman akalain, na mag-dire-diretso.
Q: Bakit ka natawag na Pokwang?
A: Nag-start ang Pokwang, 1988 nila ako tinawag na Pokwang. Sa promotion pa lang, bago ako mag-Japan, tinawag na nila akong Pokwang. Kasi nga daw kaugali ko. Malikot, kangkarot, sa’n-sa’n nagpupunta.
Q: Pokwang. And it stucked.
A: Hangga’t sa yu’n na. Sa’n na ko nakarating. Sa mga trabaho ko, Pokwang. Lalo na sa Music Box, mas nagamit doon ang Pokwang.
Q: Pero nung sumikat ka nang husto, sa Wowowee?
A: Sa Wowowee talaga ang nagbigay sa akin ng malaking break talaga. Even yung mga endorsement ko, because of Wowowee.
Q: Nung nag-umpisa ka doon, ano dapat ang role mo?
A: Sa Wowowee, nung una, pa-guest-guest lang ako. Guest co-host, hanggang sa natuwa na sa akin si Kuya Wil hanggang sa ni-regular na nila ako.
Q: Napapanood ko ang Wowowee, tsaka yung sa Internet nga, pinapanood kita, nakakatawa ka. Pero yung mga banat mo, based on real life ba yun? Ikaw ba nagsusulat ng–
A: Impromptu po ako.
Q: Lagi?
A: Opo.
Q: Paano ka naghahanda? Paano mo iniisip na ito ang pag-uusapan ngayon, dito ako pupunta.
A: Tinitignan ko muna yung audience, yung crowd. Titignan ko yung crowd. Pag may medyo may bata, “Ops, iwas tayo sa mga ka-berdehan.” Pag nakita ko naman, “Okay, join sila–” Ginagawa ko kasi kung ano yung mga totoong nangyari sa buhay natin, mas maraming nakaka-relate. So, mas natatawa sila. Tsaka yung bilis lang.
Q: Sa’n mo nakuha yun? I mean, rare na talent na yan ha? ‘Di lahat binibigyan ng ganyan.
A: Bigla na lang lumalabas kasi. Kusa na lang–
Q: Di ka ba natatakot? Matatakot ako. Kung isalang mo ako sa harap ng tao na wala kang script, wala kang–
A: Malaking naitulong sa akin ng comedy bar, yung Music Box. Ang laki, sobrang naitulong nu’n. (CLL: Kasi impromptu.) Impromptu kasi yun.
Q: Ikuwento mo naman sa akin, pa’no mo na-meet si Aling Dionisia?
A: (laughs) (Imitates Aling Dionisia) Kasi, ganito yan, talagang paborito ko si Pokwang.
Q: Sige, sige, paborito mo si Pokwang? Bakit mo paborito si Pokwang?
A: Kasi si Pokwang, ginagaya niya ako. Sabi ko nga, “Sige, Pokwang, gayahin kita, gayahin mo ako, maggagayahan tayo.”
Q: ‘Pag meron kang character na ginagaya–
A: Pero sa Yes, Yes Show, ang winning piece ko du’n, Annabelle Rama.
Q: Sige nga, pakilala mo sa amin si Anabelle.
A: Si Tita Annabelle talaga ang nagpayaman sa akin. Gayang-gaya ko kasi yung boses niya, sabi ni Mr. M noon sa Yes, Yes Show, “pumikit ka lang, huwag mo na tignan ito, si Annabelle Rama ito.”
Q: Paano mo inaaral yung ginagaya mo?
A: Pinakikinggan ko muna. Actually, biglaan na lang ito. Noong nasa Music Box kami, nagkakaroon kami ng mga skit-skit na ganyan, nagulat na lang sila, nakukuha ko yung boses ni tita Annabelle.
Q: Ano, pinakikinggan mo lang?
A: Pinakikinggan ko siya, pinanonood ko siya, sa TV, mga interbyu niya, ganyan.
Q: So, du’n ka yumaman. Pinayaman ka ni Tita Annabelle?
A: Sobra. Yun yung winning piece ko sa Yes, Yes Show. Ginaya ko. Nag-Annabelle Rama ako.
Q: Tsaka si Aling Dionisia?
A: Si Aling Dionisia, ngayon na lang yan, itong 2008.
Q: Narinig ko nga yung ginawa mo sa Chicago ba yun? Yung mag-uuwi daw siya ng ibon?
A: Kinausap kasi ako ni Chokoleit, ano yung mga regalo sa ‘yo ni Manny. (Imitates Aling Dionisia) Ay, maganda ang regalo sa akin ni Manny. Binigyan niya ako ng bag. Anong bag po yan? Yung LV. Ay. Louis Vuitton. Hindi, yung lumang vag. Sa lahat ng regalo, anong pinakanagustuhan mo? Ay, yung binigay sa akin ni Jinkee, yung ibon. Ibon? Ay, kailangan ng katawan ko ng ibon. Mommy Dionisia, tanda-tanda mo na, ibon pa ang gusto mo. Ibon ba? Yung mga make-up, yung lipstick, yung–
Q: nung kinausap namin si Chokoleit, sabi niya naiiba ka raw talaga. Kasi napakalaki ng uso mo tsaka, napaka-sensible mo. Hindi ka kinakain ng buhay ng celebrity status mo. Bakit?
A: Siguro kasi, mas kumportable ako kung ano yung dati kong buhay na–pero siyempre iba na yung ngayon na kumbaga, may kinakain na kami ngayon, pero mas gusto ko pa rin yung dati na mas ano ako sa mga taong maliliit eh. Mas nailalabas ko yung pagiging ako. Di ko naman sinasabi na lahat ng mga nasa paligid ko ngayon sa showbiz eh puro ka-plastikan, pero mas kumportable akong kausap yung mga ganung tao.
Q: Bakit?
A: I don’t know, parang mas nakikita ko sa kanila yung totoong buhay eh. Yung walang pretensyon, walang ano, masasabi yung gusto nilang sabihin. Hindi–(CLL overlaps)
Q: Itong pagka-celebrity status mo ngayon na kilalang-kilala ka, regular ang daloy ng pera, tinitingnan mo ba itong permanenteng estado sa buhay?
A: Hindi. Sa pagiging artista? Hindi ko inaano ‘to na habambuhay kang artista. Kaya ngayon ang ano ko, sabi ko nga, maraming mga dumarating na bago, marami pang isisilang, marami pang darating na mas magaling sayo. Kaya sabi ko, dapat talaga ipon. Ipon, ipon nang ipon, at gamitin ng tama yung kinikita kung saan. Mag-invest sa tama.
Q: Rare yun di ba, sa mga celebrities? Kasi nakikita natin sa mga celebrities, pag nakakakuha sila ng pera, hala, gastos dito
A: Ay hindi ako ganun. Yun ang talagang nagpapasalamat ako, kasi ako, kung ano man yung meron akong mga gamit na mamahalin, siguro regalo na lang. Meron ako yung mga binibili ko paisa-isa, paganun-ganun, kasi mas ano ako sa ano talaga, yung sa future nung anak ko eh. At saka, hindi ako masyadong maano sa sasakyan, yung porma? Hindi eh. Kasi paglabas ng casa niyan, wala na eh, bawas na presyo niyan eh (CLL laughs). Unlike lupa at saka bahay, di ba? Tumatagal, nagmamahal.
Q: So yun yung mga investments mo?
A: Investments ko. Lupa, bahay.
Q: Sabi nung kapatid mo concerned ka daw sa nanay mo–
A: Sobra.
Q: Bakit?
A: Sobra, kasi ano eh, nakita ko rin yung paghihirap niya naman sa amin bilang dose kaming magkakapatid. Nakita ko rin yung sakripisyo niya na ang laki-laki ng tiyan niya pero naglalako siya ng ulam sa init ng araw, di ba, para lang mapakain kami. Lahat ng trabaho, napasok na rin niya. Kaya siguro ganun. At saka, may mga promise ako sa kanya na talagang gusto kong tuparin. Bata pa ako eh.
Q: Anong promise?
A: Na–dati kasi, yung kawad ng kuryente na ano, kung putulin niya, gagawin niyang singsing yung tanso sa loob nun? Gagawin niyang singsing yan, nakita ko, sabi ko, “Wag kang mag-alala ma, pag yumaman ako, bibilhan kita ng magandang-magandang alahas.” Kaya nitong Christmas at saka yung birthday niya, niregaluhan ko siya ng alahas, talagang di niya akalain.
Q: Ah talaga?
A: Na bibigyan ko na siya ng ganun (CLL: Wow) kahalaga.
Q: Sarap.
A: Sabi ko nga eh, siyempre, parang any monument–kumbaga hindi natin habang buhay kasama si mother, di ba, parang kung ano yung promise ko sa kanya at kaya ko namang ibigay yun, ibibigay ko nang lahat.
Q: Sarap naman ng anak na ganyan!
A: Eh masarap din naman siyang maging nanay sa amin dahil iba yung sakripisyo niya talaga.
Q: Para sa anak mo, ano ang bisyon mo para sa kanya?
A: Sa kanya, gusto ko lang, makatapos siya ng pag-aaral na hindi ko nagawa sa sarili ko dahil sa kakulangan sa pinansyal. Makita ko lang talaga na naka-graduate siya, natupad kung ano man yung kursong gusto niya, sobrang happy’ng-happy na ako nun.
Sinabi ko sa kanya, “‘Nak, hindi ko kailangan yung mga medalya ka dyan o ano, kung saan lang talaga ang kaya mo, ang importante sa akin, makatapos ka.
Q: Yung anak mo ba may–nagmana ba sayo sa sense of humor mo?
A: Hindi eh, mahiyain siya.
Q: Ah, wala.
A: Sobrang mahiyain. Opposite ko talaga.
Q: Opposite mo.
A: Napaka-opposite kaming mag-ina.
Q: Okay.
A: Pero–sobrang ganda naman siya. (laughs)
Q: Ohhhh. So ano naman ang takbo ng buhay mo from here on?
A: From here on, siguro hangga’t may nagtitiwala sa akin, hindi ako pwedeng mapagod. So idedere-derecho ko ‘to hangga’t may mga dumarating pang mga trabaho, mas pagbubutihan ko and gusto ko sana, ten years from now, kung pwede lang, meron na ‘kong sarili kong negosyo na pwede na akong magpahinga, ibibigay ko (CLL overlaps)
Q: Ah, hindi ‘to panghabang buhay?
A: Ibibigay ko naman sa iba na may chance, na may talent din na, si-share ko din yung mga blessings na binigay sa akin ni God. Hindi ako pwedeng magdamot kasi hindi pwede yung “ako lang dapat ‘to, ako lang dapat ang nag-iisang ganito.” Hindi pwede yun eh.
Q: Sabi nga ni Chokoleit, at saka ni Mariel na nagse-share ka, hindi ka maramot, hindi ka madamot.
A: Oo, kasi parang, tawag dito, sa mga nakita ko nun sa pinagdaanan namin, parang hindi mo talaga dapat ipagdamot kung ano yung meron ka.
Q: Sabi mo kanina, ayaw mo na ikaw lang, parang lahat na nasa iyo. So, sabi mo rin na hindi ka natatakot na may duma–may darating na makakalaban mo–
A: Yes.
Q: Yung magiging kasing galing mo, kagaya ni Melai? What do you think of her?
A: Si Melai ano siya eh, natural din yung pagiging komedyante niya. Tawag dito, meron siyang chance, may puwang siya rito, bigyan lang natin ng pagkakataon yung tao.
Q: Okay. Pagkatapos nung Clown-in-a-Million, sumunod na ba yung Wowowee kaagad?
A: Clown-in-a-Million, and then Maid in Heaven, eto yung pag tanghali na dramedy, Maid in Heaven, then Kristala, Quizon Avenue, Crazy for You–
Q: Ang dami pala!
A: Ang dami eh! Tapos, yung mga MMK, tapos–
Q: Puro guestings? O (Pokwang overlaps) regular
A: Regular–tapos Kristala, Ysabella, and then yung, wait lang ha, Aalog-alog, That’s my Doc–with Aga Mulach, yung latest na sitcom.
Q: Ano yung mga, sabi mo, hindi ka maluho dahil sa gusto mo, lupa, bahay. Ano pa yung mga ibang luho mo?
A: Alahas.
Q: Ah, alahas.
A: (laughs) Ayan, maganda ring investment yun, di ba?
Q: Oo. Madadala mo.
A: Alahas, ayan.
Q: So, any particular stone?
A: Diamond.
Q: Ooooh.
A: (laughs)
Q: Yeah, you have beautiful earrings.
A: Thank you.
Q: O, bakit mo nagustuhan ang diamonds? Meron ka bang karanasan nung bata ka na nakita mo yung diamonds na–
A: Ano lang, natutuwa lang ako sa kinang niya ng bonggang-bongga, pero sabi ko, ayokong masilaw.
Q: Sa diamonds.
A: Yung tama lang (laughs)
Q: Oo, oo. Okay. Sabi mo, you had two relationships, ano? Papasok ka ba ulit sa relationship? Yun pala ang sabi ni Chokoleit.
A: Hay naku! Parang sa ngayon, wala pa akong nakikitang chance– So kung wala, wala muna?lalo sa sitwasyon ko ngayon, parang ang hirap. ]
Q: Bakit, bakit?
A: Parang wag na lang, baka mamaya, hindi naman ako yung totoong minahal (laughs), baka ibang–Hindi ko naman sinasabing lahat ng mga kalalakihan diyan ay ganun. Merong mangilan-ngilan pa sigurong natitira, pero–
Q: Meron namang mga disente diyan.
A: Wag na lang.
Q: Wag na lang?
A: Okay na ‘ko.
Q: Sa palagay mo, Pokwang, saan nanggaling yung talento mo, maliban sa Diyos, I mean. Sa’n nanggaling yung pagkadaldal mo, yung sense of humor mo, yung bilis ng takbo ng utak mo?
A: Sa lipas gutom (laughs) Ay siguro, yung mga kapatid ko rin kasi, may mga kapatid din akong ganito. May mga tiyahin ako na ganito rin. Siguro sa kanila ko rin namana. Mga lukaret din, mga–actually, nanay ko may pagka-komedyante din yan eh. (CLL overlaps) Siguro sa kanya ko rin nakuha yung 30 percent nun (CLL laughs)
Q: Meron ka bang mga tinitingala, meron ka bang iniidolo sa industriya o sa–
A: Ako talaga, hindi pa ako artista, nasa Music Box pa lang ako, si Miss Ai-ai talaga ang pinangarap ko talaga na one day, makakatrabaho ko siya.
Q: Nakatrabaho mo ba siya?
A: Ah, nag-guest lang siya sa amin sa–ay, naiiyak ako (cries)
Q: Bakit?
A: (pause) Sabi ko, “One day, makakatrabaho ko din si Miss Ai.”
Q: Bakit mo siya naging–o, ba’t mo siya idolo?
A: Nagsimula dun sa Tanging Ina eh. Three times kong pinilahan yun (laughs with CLL). Three times akong pumila sa Tanging Ina. Sobrang dun ko siya na-admire talaga.
Q: Bakit?
A: At saka yung pagiging natural din nung pagko-comedy niya.
Q: Do you see similarities between the two of you, na parang magkakapareho yung, parang magka-parallel yung inyong buhay
A: (overlaps) Meron–yun, pagdating sa lovelife siguro.
Q: Kaya mo siya idolo siguro, ‘no?
A: Sobra. At saka nakita ko rin yung pagmamahal niya sa mga anak niya talaga. Kaya ganun din ako sa anak ko ngayon.
Q: Ba’t napakaimportante para sayo yung pagmamahal, yung kalinga sa mga anak mo?
A: Eh kasi, siyempre, siya na lang makakasama ko talaga, wala nang ibang pwedeng magmahal sa akin sa darating na panahon. Mga kapatid ko, may kanya-kanyang pamilya, dalawa na lang kami. So, kaya dapat lang talaga, ibigay ko sa kanya kung ano yung para sa kanya, para pagdating nang panahon na ang tanda ko na, siguro mahihiya siyang hindi ako alagaan (laughs with CLL)
Q: Ah, katabi mo ba siya?
A: Ayaw nang humiwalay sa akin eh.
Q: Ha? Kahit na high school na?
A: 13 years old na. Baby ko yan.
Q: Oh, cute.
A: Sabi ko nga, yung susunod na bahay natin, kasi magpapatayo ako ng isang bahay, sabi niya, “Eh basta katabi–” “Heh! May sarili kang kuwarto dun, gusto ko nang mag-solo!”
Q: (Laughs) Hindi na siya pwedeng tumabi. Pwede siyang magkaroon ng sariling kuwarto pero tatabi siya sayo?
A: Ang kulit niya, ayaw niya talagang humiwalay sa akin. “Eh ayoko–” ganyan-ganyan.
Q: How cute.
A: “Eh, hanggang college, katabi kita?”
Q: (Laughs)
A: “Eh kung may boyfriend ka?” Ayan na, ayan na, konting-konti na lang. Medyo may ano, ano. Nakakatuwa ito.
Q: Bakit mo siya napili na i-impersonate?
A: Nung napanood ko siya sa TV Patrol, sabi ko, “Hawig ko ‘to pag walang make-up,” sabi kong ganun. And yung mga ano rin namin sa Banana Split, sinabi rin nila na “Pwede mong i-spoof si Marlene Aguilar, ganyan-ganyan.” Hanggang sa pinag-aralan ko yung pananalita niya na, (imitates Marlene) “My son, my son Jason, Jason and I were both, uhm, you know, I do believe that there’s a force out there–” (laughs) mga ganun. Si Irene Kho, nandito rin yun. Yung kay Irene Kho naman, nakuha ko yung ayos ng buhok niya, pati yung damit niya nung araw na yun na pipikit-pikit siya habang nagsasalita.
Q: Tungkol kay Hayden.
A: Lagi siyang nakapikit, (imitates Irene Kho) “Ayoko nang magsalita, alam niyo, maraming nag-ano sa amin na–pero, ayoko na lang magsalita.” Yun, hanggang sa nakatulog lang, ganun.
Q: (Laughs)
A: Nung nag-iinterview, nakalimutan. “Miss Irene, Irene, Miss Irene, (snores)” Sa Banana Split yun eh. Kaloka, hindi ako maka-connect.
Q: So, ang schedule mo ngayon eh hectic, araw-araw?
A: Monday to–
Q: Friday?
A: Saturday, Wowowee. Pero pag Thursday, after Wowowee, nag-aano ako, Banana Split. Yan, bukas, may Banana Split ako ng bonggang-bongga.
Q: So, naghahanda ka rin para dun, kung anong gagawin mo?
A: Sinasabi naman nila sa akin. “O, meron kang Annabelle Rama, ha, para sa–” imbes na SNN, NNNN. “O may Annabelle Rama ka ha?” O kaya, “May Nanay Dionisia kang spoof, meron kang Marlene Aguilar na ganito, ganyan.” Sabi ko, “Sige, bigay niyo na sa ‘kin yung script para pag ano, pag-aaralan ko na.”
Q: Ah, so scripted yun?
A: May script yun, tapos yung iba, dinadagdagan ko na lang na–like yung sabi sa ‘kin ni Jason as Tito Boy Abunda si Jason Gainza dun eh, “Marlene, nag-sorry na ba sayo si Jason sa mga, kung anong pinagdadaanan mo ngayon?” “Yes, uhm, he said, ‘Mom, I’m so sorry for all the pain that I’ve caused.’ But I said, ‘No, my son, you don’t have to say sorry, because it’s not your fault.’” “Who’s fault is it?” “It’s Marikina fault, Boy.”
Q: (laughs)
A: Yung mga ganun, yung mga adlib-adlib na lang. Mga dagdag na lang yun, wala na sa script yun. Marikina fault.
Q: Wala sa script yun?
A: Yung mga ganun. Pati yung, kasi sinabi rin ni Marlene Aguilar kay Tito Boy sa The Buzz na she’s been to many places. She’s been to 36 countries. Ginawa ko rin yun sa Banana Split. Pero ang pagkaka-deliver ko is ganito: “You know, Boy, I’ve been to 36 countries, I’ve been to Georgia, and California, and anywhere I could run. I’ve been to paradise, but I’ve never been to me.”
Q: (Laughs)
A: Yung kanta na yun, di ba? Ano, kanta na yun, di ba? Yung mga ganung dagdag na lang. Mga loka-lokahan lang–
Q: So, hindi mo pinaplano yun, basta lumalabas–
A: Bigla na lang ano yun.
Q: Ambilis mo namang mag-isip. Ambilis mo namang mag-isip!
A: Kanta na yun, ah.
Q: Kaya nga, ambilis mong maka-connect ng konti dito, konti diyan, meron ka nang pansit.
A: Yun kasi siguro isa pa sa mga kailangan na–bilang sa pagiging komedyante.
Q: Na marami kang karanasan.
A: Oo. Kaya nga hindi pwedeng–
Q: Marami kang kantang alam.
A: Kung meron kang ise-share na mas nakakatuwa, se-share mo yun.
Q: Pressure ba? Marami bang, malakas ba ang pressure sa isang komedyanteng kagaya mo na daily kailangan fresh.
A: Oo, kailangan lagi kang may bago eh.
Q: Eh araw-araw yun, ang hirap nun ah? Kami minsan sa isang linggo lang, nahihirapan na eh.
A: Kailangan lagi may mga bago–may papauso kang mga ano, like ano, “Alert, alert! Skimpertus eklavush!” Yung sa Hep Hep, Hooray di ba? Umingay yun, tumatak yun, di ba? So, kailangan meron ka na naman ulit bago.
Q: Saka yung mga hairdo mo!
A: Mga headdress ko–
Q: Diyos ko, ilang kilo ba yung dala mo nun?
A: Ah, magaang naman yung ginagamit ni Jackie, yung aking hairdresser ko na ano. Ano siya, kasi ginagamit din niya, human hair din. So, nilalagyan lang niya ng mga kung ano, kieme-kiemeng–
Q: Oo. So, nagche-change costume ka pa during the show?
A: Hindi na.
Q: Hindi na.
A: Kung ano yung costume ko that day–
Q: Yun na yun? Pero ikaw yung pinakabongga dun. Para kang naka-Mardi gras costume–
A: Lagi.
Q: Napapanood kita, talaga naman ‘tong si Pokwang, ang ano niya, ang sipag niyang magbihis.
A: Kanina. Papakitaan natin sila ng sample.
Q: O sige, patingin, patingin nga.
A: Eto, ang may gawa naman nito ay si Dennis Celestial.
Q: Wow. Ilang araw ginagawa yan?
A: Ah, ewan ko sa kanila, bilang talented din ‘tong mga taong ‘to. Eto yan, dito yan, ganyan. Gaganyan mo dito, ‘no? Yan siya. Pak!! Yan. Tapos, tali-tali ng ribbon, (inaudible) siya diyan. Parang ano ‘to eh, kay Alexander McQueen na nagpakamatay na designer ni Lady Gaga na nagpakamatay siya nung last- Ito yung sa ulo, headdress ‘to, yan, ganyan siya. Tama ba ako, Jackie? Tama ba? Ganyan siya.
Q: Ay, ang cute.
A: Ganyan siya.
Q: Ang ganda! Very stylish. So every day yan, iba-iba?
A: Every day, iba-iba.
Q: Hindi ka nagre-repeat?
A: Never pa ‘kong nag-repeat, kaya yun ang maraming naloloka. Parang wala pa ‘kong ni-repeat na ano.
Q: So, sinong gumagastos para sa costumes na ‘to?
A: Last year, ako talaga. Sarili kong gastos yung last year.
Q: (whistles)
A: And this year kasi–
Q: May sponsor ka na?
A: Para tulungan ko naman yung mga young designers natin na makilala sila–
Q: Oo–
A: So, nagdadala sila sa akin ng mga damit nila, like sila Alex Pigao, sila–yan sila Dennis Celestial, sila Jerome Salaya-Ang, sila–ang dami ‘no?
Q: So sinasabi mo kung sino?
A: Every day, sinasabi ko talaga sila. Every day, “Thank you, ganito-ganyan, kay ganito-ganyan.”
Q: Para ma-promote yung kanilang–And anong instruction mo sa kanila, pabonggahan, yun talaga–
A: Pabonggahan tayo.
Q: Outlandish.
A: Mga ganun, parang mga Lady Gaga’ng mga nakakaloka!
Q: Ayun.
A: Mga ganun.
Q: So, ngayon, meron ka nang bagong trademark ngayon, hindi lang para sa comedy act mo sila titingin sayo?
A: Yes, mga high fashion–
Q: Mga costume mo.
A: Mga ganun.
Q: High fashion model ka na ngayon?}
A: Yun naman, bilang pangarap ko din yun nung bata ako pala!
Q: Maging model!
A: Maging model!
Q: Natupad na?
A: Model employee pala kabagsak.
Q: (Laughs) So ngayon, successful ka na, nagawa mo na lahat.
A: Sobra, nagawa ko na–
Q: At saka yung pagsu-stewardess mo, nakakabiyahe ka–
A: Nakakabiyahe ako, around the world, ang taray!
Q: Ano yung favorite place mo dun sa mga biyahe mo?
A: Sa US ang pinakapaborito ko, New York, kasi ang daming shopping-an! Tapos–
Q: Shopping-era ka?
A: Pag ka–wala akong particular na brand. Basta ako, pag ka–
Q: Anong shina-shopping mo, damit?
A: Damit, sapatos, ganyan. Kasi magagamit ko din naman dito.
Q: Talo na ba si Imelda sayo?
A: Konti na lang (laughs with CLL).
Q: Konti na lang.
A: Mga dalawang buwan pa (laughs with CLL) echos. Tapos yung sa Europe naman, parang halos lahat.
Q: Lahat?
A: Sa London, ganyan, sa Greece, sa Rome, nagpunta kami sa Italy, yan.
Q: Iba-iba.
A: Iba-iba.
Q: Puro shows ito?
A: Puro shows lahat yan. Tapos meron ding pasyal-pasyal lang, like nung nagpunta kami sa Monacco. Punta kami dun. Masaya.
Q: French revierra.
A: Ang saya-saya doon! Tapos, san pa ba–halos sa Europe lahat na-appreciate ko talaga.
Q: Yung anak mo ba, so may lahi siyang Japanese, ano? Pinagpapatuloy mo ba yung kultura ng Hapon o–
A: Hindi, kasi dito ko siya pinanganak eh.
Q: Ah, okay.
A: At saka yung mga pinsan niya, para hindi siya mahirapang mag-adjust, ganyan.
Q: Yung Nihonggo mo, okay pa rin?
A: Hanggang ngayon, nakakapag-Nihonggo pa rin ako, nakakabasa pa rin ako.
Q: Wow. Nakakabasa ka ng Nihonggo?
A: Oo.
Q: Talagang matindi ang pag-aaral mo, ha?
A: Kasi sa sobrang nagka-phobia nga ako dun sa Mafia na yun, kaya nag-aral talaga ako (laughs), kasi sobrang natakot ako. Pero nakatulong siya sa akin. Kaya–
Q: Naging kaibigan mo?
A: Naging kaibigan ko siya.
Q: Nakakatakot bang Mafia, yang Yakuza pag naging kaibigan mo?
A: Siguro, depende kung pa’no mo siya pakikisamahan. Mababait din naman sila.
Q: Tao rin naman.
A: Correct.
Q: Meron ka bang nami-miss pag celebrity ka, nami-miss mo ba yung privacy mo?
A: Ay, hindi. Kasi ako, wala naman akong pakialam. ‘Pag gusto kong mamalengke, mamamalengke ako. ‘Pag gusto kong pumunta sa talipapa, pupunta ako.
Q: Maski dinudumog ka?
A: Oo. Kasi, ano naman, eh, kumbaga, di mo naman maiiwasan. At saka, pasasalamat mo sa kanila yun eh, di ba, kung wala naman sila, kung wala sila, nasa’n ako ngayon, di ba?
Q: That’s true.
A: Kasi, nasa sa’yo yan eh. di ba? Kung gusto mong talagang hanggang diyan ka na lang sa bahay mo, hanggang diyan ka na lang sa kotse mo, hindi mo ma-e-enjoy ang buhay mo as tao, di ba, lalo ako, ang hilig-hilig kong magluto, so mas gusto ko yung personal na ako yung bumibili ng ingredients na talagang hahawakan ko talaga. So, hindi ko pwedeng i-asa lang sa kanila dahil pagka mali, siyempre, magagalit ako, di ba, so ako na lang, para ako yung ano, ako–sisisihin ko yung sarili ko. So, na-e-enjoy ko pa rin yung pamamalengke, pagsisimba, pag-ano, wala akong care.
Q: Ang galing mo.
A: Gustong i-enjoy yan.
Q: Galing.
A: Dami-dami ko ngang pera, nakakulong naman ako, di ba?
Q: (Laughs)
A: Di ba, what’s the use–(CLL overlaps)
Q: Naiiba ka ba sa ibang celebrities, sa tingin mo?
A: Ay, siguro may mga katulad ko rin na ano, na ine-enjoy din nila kung ano yung dati nila, at saka ayun naman ang importante, di ba?
Q: Wag talikuran.
A: Wag. At saka hindi mo madadala sa kabilang buhay yan. I-enjoy mo kung ano ka, para malaya ka, malaya ka. Wag mong ilagay sa isip mo na, “Artista ako. Dapat ganito, ganyan,” di ba? Meron akong mga tinulungan na mga may cancer na bata, ganyan. Yung isa nga, wala na, kasi hanggang dun na lang talaga siya.
Q: Bakit mo na, bakit yun ang napili mo?
A: Kasi nga–
Q: Pay it forward?
A: Dahil dun sa anak kong lalaki, siguro. Mas ano ako sa mga bata.
Q: Ah, talaga.
A: Mga bata. Pagkatapos, yung, minsan may kumakatok dito sa bahay, pampalibing daw. Mayor? (laughs) Mayor? Office of the Mayor?
Q: O, ano ba? Mayor ba tayo o Congresswoman o Senadora o ano?
A: Pwede naman tayong tumulong nang hindi natin kailangan pang nasa pulitika ka eh. Pwede kang tumulong talaga, di ba? Kasi hindi ko sinasabing marumi ang pulitika, ‘no? Parang ano na lang–
Q: Marumi nga–
A: Iwas na lang. Iwas na lang ako. Tutulong na lang ako sa sarili kong paraan.
Q: Okay.
A: Nang hindi ako mababahiran ng kung anong imahe.
Q: Okay. Well-said. Anything else?
Q: …nung time na, nung bata po kayo na pumasok kayo na kasambahay?
A: Oo.
Q: Tapos muntik na kayong (Pokwang overlaps)
A: Yes. Second year high school ako–first year high school ako, kasi pagka-graduate ko ng elementary, meron akong isang teacher na sabi niya, nakita niya kasi kung anong hirap namin, parang, “Ang hirap niyong magkakapatid, ikaw, gusto mo dun ka na lang sa kapatid ko na teacher din dun sa isang school na alagaan mo lang naman yung mga anak niya.”
Q: Ilang taon ka nun?
A: First year high school na ‘ko nun. Aalagaan ko lang daw yung mga anak, pero wala akong sweldo. Parang kasambahay ako, wala akong sweldo, pero pag-aaralin nila ako hanggang sa makatapos ako ng high school. Eh paano ko matatapos ang high school kung inaswang ako nung ano, nung asawa? Sa edad kong trese anyos, nakaramdam na ‘ko ng parang, “Oy, meron ‘tong hindi magandang plano, ha?” Tumakas ako.
Q: Tumakas ka?
A: Tumakas ako.
Q: Wow.
A: Kasi ano eh, meron siyang binabalak na hindi kagandahan.
Q: Okay.
A: Tumakas ako nun. Dun ako nauwi sa ate ko, panganay, sa taga-San Andres pa siya.
Q: Pagkatapos ito nung mamang nakita mo sa kotse? Yung binebentahan mo ng ticket?
A: Yes, ano yan eh, grade 4 ako niyan.
Q: Grade 4. So, tumatak ito sa isip mo?
A: Oo, parang nagka–
Q: Buti hindi ka nagka-ano.
A: Kaya tumakas kaagad ako. Parang ano–nagtaka nga yung–mabait sa akin yung babae, yung teacher, yung babae kong amo. Mabait sa akin. Nagtaka siya ba’t bigla akong umalis.
Q: Hindi mo naman kinunwento?
A: Sinabi ko na rin sa kanya.
Q: Anong sabi niya?
A: “Kasi ganito si Kuya, ganito, ganyan eh, na bigla na lang niyang hinawakan yung aking pasibol pa lang na dibdib,” na hanggang ngayon parang pasibol pa rin (laughs with CLL). Hindi na nagbago, walang development.
Q: Mauubusan naman kami ng hininga dito sa pagpapatawa mo eh.
A: Di ba, nakakalurkei ng taon! Ayun lang, tapos, tumakas na lang ako nun. Yun na, pinag-aral na lang ako ng kapatid ko na hanggang second year high school lang natapos ko talaga. Kasi wala na–
Q: Hindi na kaya.
A: Hindi na kaya. Mas ginusto ko talagang magtrabaho na lang.
Q: Sa palagay mo, marami bang storyang kagaya mo?
A: Sa dami nang mahihirap na Pilipino, oo, marami. Marami, pero, ang masasabi ko lang, wag nating gawing hadlang yung kahirapan, para tayo umasenso. Kasi iba ang–nasanay na tayo, mahirap lang kami eh, so ganito na lang kami. Parang, “Eto lang kaya ‘ko, di ganito na lang kami.” No, hanap tayo ng ibang paraan. Ako, hindi ko alam na may talent ako na ganito eh, na magagamit ko pala ‘to balang araw eh. Lakasan lang ng loob. Kasi pag nagpadala ka sa takbo ng buhay na hanggang diyan ka, hanggang diyan ka na lang talaga. Ang pangit na mamana ng mga anak mo yan, magsasalin-salin na yung ganito eh, di ba? Kaya ako, kaya ako nagpursige na ganito kasi nakita ko sa nanay ko eh, parang, o siya eh kaya niya, eh kaya ko, di ba? Kaya yun ang inano ko, kung kaya ko, kaya mo–kaya nating lahat! (laughs)
Q: So, mommy mo ang kumbaga, role model mo?
A: Nanay ko talaga.
Q: Siya yung ehemplo.
A: Sobra.
Q: Galing.
A: Si mother.
Q: Just to bridge yung two failed relationships–sa tingin mo, sa’n ka nagkamali? Why did it not succeed?
A: Unang-una masyado pa akong bata, tapos, yun pa yung mga panahon na ano pa, easy-go-lucky. Tapos hindi ako tumatanggap ng katwiran, hindi ako tumatanggap ng sermon. Gusto ko pag ginusto ko, ginusto ko. Yun siguro yung pagkukulang ko. At, pagkukulang ko lang din na karupukan ko, na wala, hindi ako nag-iisip. Basta mahal ko siya, yun na yun. Hindi ko nakita kung ano yung mga kapintasan niya na maaari din pa lang sumira sa relasyon namin.
Q: Love is blind talaga?
A: Yun, yun na nga yun, mismo.
Q: Totoong-totoo sa iyo yun?
A: (laughs)
Q: Oo.
A: Iba, loka-loka rin kasi akong magmahal eh, lukaret din kaya. Yun ang iniiwasan ko.
Q: Natakot ka ba na magmahal ulit?
A: Kung bibigay sa kin ni God, pag galing sa Kanya, maganda yun, di ba? So, wala pa eh, wag na lang muna. Kung hindi rin lang sa kanya manggagaling, wag na muna.
Q: Bakit ano, bakit kayo naghiwalay dun sa una at sa pangalawa mo?
A: Yung una kong naging karelasyon, kaya kami naghiwalay kasi may ano talaga siya, may asawa siya.
Q: Na hindi mo alam?
A: Na hindi ko alam na medyo late na nung madiskubre ko. Yung pangalawa naman, yung nanay, medyo may pagka-racist. Ayaw sa Pinay. Masyado niyang minamata ang Pinay, yun. Kaya nung nalaman na buntis ako, pinaiwas siya sa akin.
Q: dito sa Pilipinas nangyari yun?
A: Yung una.
Q: Yung second?
A: Sa Japan.
Q: I see. Wala ka nang contact dito sa dalawang–
A: Yung pangalawa, wala na kaming contact since nung magbuntis ako dun sa bunso ko, wala na kaming contact hanggang ngayon. Pero yung dati, nagkaka-text-an lang kami para dadalaw siya dun sa sementeryo, dadalawin niya anak niya, hanggang ganun-ganun na lang kami.
Q: Okay.Thank you very much! Maraming thank you. Ang galing mo, Napakagaling.








