INTERVIEW with ARNEL PINEDA

Q: Arnel, anong klaseng buhay ang nakagisnan mo?
A: Ah, kalye, tapos yung trabaho ng mga nanay at tatay ko, yung pagiging sastre nila. Masaya naman yung maagang pagkabata ko pero yung magmula, nung magsimula ng magkasakit yung nanay ko, du’n na nagsimula yung kalbaryo ng buhay namin.
Q: Ilan taon ka nung nagkasakit yung nanay mo?
A: Siguro, mga ano ako, mga 10 years old ako, and then finally, na-confine siya nung mga 11 ako. Tapos, sinuko niya yung laban sa hospital, she was there for 1 and 1/2 year eh. So, mag 13-13 ako.
Q: So, nung mula nung pangarap mo nung mula nung magkamalay ka hanggang 10, mahirap kayo?
A: Oo, kasi remember nasa ano muna kami, naalala ko na, I was only 5 years old, naalala ko nu’n, talagang una kong naaalala, sumasayaw ng Beatles yung nanay ko, sa tugtog ng Beatles yung, (sings Beatles song) yun, nakaupo ako sa taas ng kubo namin sa may Arayat, Pampanga. So, yun, parang nakalimutan ko na ulit, biglang naalala ko na lang, nahulog ako sa ano, nung baha nung 1971, or ‘72 ata yun, di ko maalala. Kung ano ru’n. Nagbaha sa Arayat, Pampanga. So, lubog yung fist floor ng bahay kubo. So, from the bubong, nahulog ako sa baha. Buti na lang, may nagligtas sa akin.
Q: Sino nagligtas sa iyo? Naalala mo?
A: Hindi ko–hinahanap ko nga siya. Lalaki siya, ah, kapitbahay amin. Nakita lang niya talaga na lulubog-lutang na lang ako tapos, tinalon niya ako. Sinave niya ako.
Q: Pero sa lahat ng magkakapatid, pati sa magulang mo, walang naging problema, ikaw lang yung napunta doon sa baha?
A: Oo, wala naman. Kasabay nu’n ano, ah, tinamaan ng polio virus yung ano ko, yung younger brother ko, si Eric. Siyempre, wala kaming pera, so nagtuloy-tuloy yung sakit niya hanggang ano, talagang na-polyo na siya.
Q: Nung sinabi mong mahirap, gaano kahirap kayo?
A: Ah, nakakaraos naman kami, hindi yung talagang gumagapang kami nu’n sa hirap. Kasi masipag yung tatay ko tsaka nanay ko eh. Dahil nga nung time na yun, wala naman silang kalaban na RTW. So, (PW: Sila lang?) maraming nagpapa-repair sa kanila, nagpapagawa ng barong ng polo, ng pants, mga pang-disente, so, maganda-ganda naman yung kita nila, to the point na ano, ah, na-nung bago talaga sila, dumiretso sa, yung dumiretso, pumunta sa hospital yung for, ma-confine for 1 and 1/2 years, nag-aaral ako sa semi-private na school. Sa Quiapo Parochial School. Pero, the second year ko, yun na yun, naubos na, wala na, wala na talaga. Naubos na yung resources namin.
Q: So, yung ipon, naubos sa pagpapagamot sa nanay mo?
A: Actually, wala kaming ipon. Ano kami, hand-to-mouth existence. Kung ano yung kinita, yun din yung ginagastos. Labas din. Ah, I remember yung bata pa kami, siguro mga 8 or 9 years old ang ano ko, nakaipon ng kaunti yung mother ko, so nakapagpatayo siya ng ano, ng sari-sari store sa harapan ng bahay namin, apartment namin sa may Sampaloc. Yun, so, hindi naman naalagaan so, 6 months lang yata niyang na-ano, nabantayan ta’s na-hospital na siya.
Q: Ano sa palagay mo ang pinakamalaking hamon sa buhay mo?
A: Yun, nung pagkamatay ng mother namin, kasi yun yung ano eh, nag, sumabog na kami eh, nagkahiwahiwalay po kami, ah, nag-hold on kami for at least 8-10 months na magkakasama. Ang ginawa ng father ko, pinapaupahan niya sa mga nagtratrabaho sa, sa beerhouse nu’n, yung ilang rooms namin sa taas, so, du’n na lang kami sa baba natutulog, doon sa taas yung ano, yung mga nagtratrabaho sa beerhouse. Ah, pinapaupahan niya siguro, mga alam ko, mga P100 pa yata nu’n. (PW: Sa isang buwan?) So, ah, pero, hindi na rin kami nakakabayad ng upa kasi mataas yung upa, kahit binbayaran kami ng umuupa sa amin, hindi na rin talaga kaya. Dumating nga sa point, nabutas na yung pader namin, ginagawa kasi gusto ng gawin nung may-ari na gawin siyang dormitory. For mga, sa mga college students na malapit sa mga universities around Manila. Tapos, naputulan siya ng tubig nu’n, so, ang ginawa ko, umiigib na lang ako ng tubig, siguro nakaka-sampung balik ako. Yung dalawang malaking lata ng biscuits, so, dalawang kanto yun, balikan. Pinupuno ko yung mga drums namin. Ganun na. Tapos yung kuryente namin, ah, pag sa gabi dahil nakiki-tap lang kami sa umaga, ‘pag sa gabi, di na kami puwede maki-tap kasi kailangan na nila, so, ano na kami de-gas na. Ganun.
Q: Ganun ang nangyari?
A: That’s what happened.
Q: So, nagkahiwahiwalay kayo magkakapatid?
A: Oo, nagkahiwalay kami siguro, after 10 months. So, dinecide ng father ko maki-tira muna du’n sa Mandaluyong kasama si Eric tsaka si Jolly, yung younger brothers ko. Tapos, yung mas bata sa akin, ah, humiwalay na rin siya.
Q: So, kanino ka naiwan?
A: Wala, nag-ano ako, sumama ako sa mga friends ko na pareho ko rin, na gala rin. Hinanap ko yung ano, yung buhay sa kalye. Una, pabote-bote dyaryo. Then, pag may nag-ano sa akin, nag-rekomenda na “Uy, may open na trabaho sa pier, maglilinis ng ganito, mag-aayos ng mga retaso ng bakal.” So, pupunta kami, so, kahit P10 a day. Mga ganun. (PW: Pinasukan mo talaga?) Any, any, any ano, any odd jobs talaga.
Q: So, kahit papaano, kumikita ka rin noon?
A: P10. Ano yun eh, twice a week. So, there are times, mga ano, may mga araw na minsan, sa tatlong araw di ako kumakain talaga. Walang kain. So, kung kumita lang ako, saka lang ako may kain. Tapos, yung kanin ko nu’n, miswa lang yun. Sa ano lang–
Q: Bakit ah, kinuwento ata ng kapatid mo, na there were times na bibisita ,ka sa kanila, tapos doon sa naiipon mong pera sa pitaka, may nabibigay ka pa daw sa kanila.
A: Nung ano na yun, nangyari yun, kumakanta na ako, professionally at the age of 15. So, dahil yun yung time na sinabi sa akin ng barkada ko, “Kaysa pakalat-kalat ka sa kalye, ganito kumanta ka na lang, tutal may boses ka naman. So, yun yung time na nag-audition ako, kahit papaano, tinanggap naman ako. Yun yung kinikita ko, iniipon ko, ah, P35 ano yun eh. P35 a night. Ano yun, we’ll start 8 o’clock in the evening hanggang 3 o’clock in the morning. Yung P35 na yun. Ipon. (PW: Anong taon yun?) 1983. Siguro, naging band ako noon mga, nakasama ako sa bandang Ijos, mga ano, April, by September nagkita kami ng father ko, nabalitaan niya na kumakanta na ako sa Shakey’s, sa Shakeys–
Q: So hindi niya alam?
A: Hindi nila alam. Kasi talagang we lost contact for at least ano na, mag-1-1 year na. As in, tumira ako literally sa kalye. (PW: Anong–)Nakikitulog ako sa bangko lang sa labas ng bahay. Tapos, ‘pag nanawa sila, siyempre, hindi ka naman puwede palagi sa labas ng bahay nila, pupunta akong Luneta. Doon ako matutulog, tapos, pa ano, patalbog-talbog.
Q: Anong pakiramdam ng isang tao, isang Arnel Pineda nung mga araw na yun? Did you feel abandoned o hindi mo lang talaga iniisip, iniisp mo lang, kailangan mo lang mabuhay?
A: Hindi, nung time na yun, dahil bata pa ko, excited pa ko, na nagkaroon ako ng freedom. Na nakakagala ako, may sariling oras ako, walang bumabawal sa akin kung kailan ako uuwi or kung kailan ako matutulog.
Q: So, hindi ka naawa sa sarili mo?
A: Nagtataka lang ako na parang, “Ang hirap pala mabuhay, parang ganun.” Sabi ko, “Kailan kaya ako makakahanap ng trabaho na regular? Para naman mapaaral ko yung sarili ko? ” Ganun lang lagi. So, parang ang ano, ang lagi kong nilalagay sa isip ko,”Sana, sana, makahanap ako ng trabaho para makaipon ako, para mapag-aral ko yung sarili ko.”
Q: And all those times, yung pananampalataya mo sa Diyos, matatag?
A: Actually, nawala siya noon. Hindi ako naging paladasal na noon. Naging paladasal lang ako nung hindi pa nagkakasakit yung nanay ko. Siya yung napaka-religous niya eh. Sinasama niya ako sa Baclaran, lumalakad kami nang paluhod. Mula doon sa door ng Baclaran Church, hanggang sa altar. Nilalakad namin. Nagtataka ako, “Bakit namin ito ginagawa?” Sabi ko, “Ang sakit-sakit sa tuhod.” Eh, napaka-strikta tapos matapang, kailangan sumunod lang ako sa kanya. Yun ang ano niya, yun ang ano niya sa akin, disiplina niya sa akin. Susunod lang ako, maski ano–
Q: Paborito ka ba ng nanay mo?
A: Hindi ko alam. Pero, she trained me very well, para sa mahirap na buhay. Kasi at the age of 6, tinuruan na niya ano magsaing, tinuruan niya ako maglaba, so, yung age ko, 6,7 8, ako na naglalaba sa mga damit ng mga kapatid ko, ako na rin ang nagsasaing, binabantayan ko yung sinaing niya, habang nanahi silang dalawa.
Q: Kasi ikaw ang panganay?
A: Ako kasi yung panganay, so she really taught me how to be responsable para sa family namin.
Q: Maliban diyan, sinabi nila na yung nanay mo daw, naturuan ka na makisama sa iba’t-ibang klaseng tao?
A: Na ayaw rin niya na umuuwi kami ng bahay na umiiyak, kailangan matapang kami. Pero, ayaw rin niya na gumagawa kami ng gulo. So, pag inaway kami at umiyak kami, kami pa ang papaluin. Kailangan matapang kami. Hindi kami umuuwing–
Q: What is the one thing you miss about your mother?
A: Pag kumakanta kami. Kasi, lalo na sa hapon, inaantok sila pero kailangan pa nila magtrabaho kasi meron silang quota na kitain for this. For like, today. Kailangan may kitain sila para yung ulam namin, ayos, yung baon namin for bukas, settled lahat. So, yung pagkanta naming, dalawa, sabay. Pag tinatawag niya ako. Magpapa-gising siya, sasabayan namin kung ano yung tumutugtog sa radyo.

Q: Anong age nila na-realize na you had a talent for singing?
A: Siguro, mga ano ako, mga 5 years old ako kasi kinakanta ko na nu’n yung ano eh, nakakanta ko na ng buo yung “Happy” ni Michael Jackson, yung kinakanta ni Ralph Salazar ngayon. (PW: Ah!) Yun.
Q: Bakit, yun ang paborito mong kantahin?
A: Hindi ko nga alam eh, basta yun lang yung gustong-gusto ko noon. Kasi parang siya yung pinaka-hit na song noon.
Q: What would happen, like sa bahay ninyo, sabihin ng nanay mo, “Arnel, kanta ka naman?” Ganun ba yun? Bago ka matulog, o paggising mo? Tine-train ka ba niya?
A: Basta hinihila lang niya ako. Kanta kami kahit, kung ano yung ano, pero minsan hinihintay namin tumugtog yung kanta ni Barbara Streisand, yung kanta ni Karen Carpenter, yan ang sinasabayan namin.
Q: But, was anyone a good singer sa nanay o tatay mo?
A: Mother ko talaga. (PW: Ah, siya talaga?) Halos pareho sila ng boses ni Claire Dela Fuente. Kasi, favorite niya si Karen Carpenter.
Q: I see. So you must have gotten your talent from your Mom. Mukhang ganun?
A: Yes. Definitely, yung tatay ko medyo ano (laughs) mahilig lang, walang hilig yung kanta sa kanya.
Q: Yung mga kapatid mo, so mahirap din yun, nung naghiwalay kayo, apat kayo no? Naghiwa-hiwalay kayo, kailan kayo ulit talaga na, ‘di nakuwento mo kanina na, nalaman ng Daddy mo, nalaman ng tatay mo, na kumakanta ka sa Shakey’s–
A: Oo, nabalitaan niya through some common friend.
Q: So, kita mo noon P35? So, you started going back, binibisita mo sila ulit?
A: Actually, sila yung unang nagpunta sa may Frontier. Buti natiyempuhan niya ako, kasi papunta ako sa katabing department store. Yung Isetann ba yun? So, sabi ko, “Finally, du’n sa P500 na ipon ko, makakabili na rin ako ng polo.” Kasi lahat ng polong ginagamit ko, magmula nung nag-start ako kumanta, so, 6 months na ako kumakanta, puro bigay. Puro pagamit. Minsan nun, nakakatawa, ang laki-laki talaga, para, mukha akong chipmunks na yung, siningitan lang ng, na parang nawala sa stage. Pati sapatos, sobrnag laki. So, finally makakabili na ako nung tama-tamang size sa akin na shirt. Eh, pagbukas ko ng pinto ng New Frontier, siya agad ang nabungaran ko. O, nagulat pa akong ganun. “Anong ginagawa mo rito?” Tapos, haggard na haggard siya. Tapos, sabi nga niya, ah, hindi pa siya kumakain. Tatlong araw na eh, di siyempre, naaawa na ako. So, dinukot ko yung P500 na tig- P100. Hinati ko. Sabi ko, “Eto, hati tayo kasi kailangan ko rin ng pera.” Tapos, magmula noon, regular na ano, until I decided na ano, “Magsama na lang ulit kami.” Ah, pinaalam ko sa band leader namin kasi doon ako nakatira sa bahay nila, sa may Maryland. Cubao and ah, pumayag naman siya. So, tumira kami sa ilalalim ng hagdan nila.
Q: So, nagsama ulit yung pamilya?
A: Oo, except yung mas bata sa akin. Yung sumunod sa akin, so, nakasama ko yung mas bata, yung pangatlong bunso tsaka yung pang-apat.
Q: So, 1, 3, and 4 kasama mo, tsaka si Tatay?
A: Hmm.
Q: Alright, balik tayo sa pagkanta ano? Nag-umpisa ka sa Shakey’s Frontier, after that, ‘ di ba, pagkatapos noon, anong bandang sinalihan mo because I know eventually nag–
A: Sila rin ang nasa, sila pa rin yun eh. nag-evolve lang kami. Nag-umalis yung iba, pinangalanan namin yung ano, ng ibang pangalan. So, from Ijos, naging Amo, from AMO, na-disband naging New Age. From New Age, naging ibang banda na siya nakalimutan ko na, hindi ko na maalala kasi nag haba niya. Mahaba yung name niya. Most Wanted–, tapos, binalik namin sa New Age until maging 9MM na kami, tapos, after 9MM, eto na, Zoo na.
Q: Ah.
A: Until ma-discover kami ni ano–
Q: Okay. Bago yung na-discover ka ng ano, kailan yung nagpunta ka ng—‘di ba nangibambansa ka pa?
A: Yes. We started ano, going abroad. Siguro, mga 1991. Sa Hong Kong, before that nagpunta muna kami ng Singapore. Ah, three times. Tig- 3 months yun. And that was in the ’80’s. Pero siyempre, ah, hand-to-mouth existence ulit. Kung may tugtog lang may pera. So, naghanap talaga kami ng mas stable na trabaho. And we finally got our break. Yung meron nag-offer sa amin. Nakita kami sa bar ni Sir Edu Manzano. Yes. Kasabwat, ay, ang kasosyo pa niya, sino ba yun? Si Mr. Eddie Rocha. Yan. Magkasosyo sila ro’n, du’n kami tumugtog.
Q: Yun yung masasabi mo na talagang nadiscover ka na?
A: Du’n kami nadiscover ng Chinese na, so happen, common friend nila.
Q: Tapos, du’n na yung napunta kayo ng Hongkong?
A: Yes.
Q: Gaano katagal yung Hong Kong stint mo?
A: Siguro, inabot ng mga ano, inabot 1995. Pinauwi ako because of drug problem. And then nakapag-withdraw ako from drugs, ah, after mga 3 months. So, balik ulit ako sa gig. And then nabalitaan nung may-ari ng bar na okay na ulit ako, binalikan ako, inofferan ako na magtrabaho ulit sa Hongkong. So, bumalik naman ako, and then tuloy-tuloy ulit until, hanggang 1990, du’n na rin yung time na from 1996, until 199–, nag-asawa ako roon. Nagka-anak, and then, pinalad na magkahiwalay kami nung (laughs) (PW: Sa una?) Actually, second siya, pero siya yung pinakasalan ko. Meron pa akong first, sa Olongapo. (PW: Na may anak ka?) Yes, yes.
Q: Itong second, nag-asawa na kayo–
A: Tapos kinasal kami. (PW: Tapos, oo, hiwalay?) Yes.

Q: So, Cherry is your–
A: My third na. Siya na yung third and final episode.
Q: (laughs) Ayaw natin ng saga, continuous.
A: Wag na, wag na. When it comes to relationship, yun na yun the saga. That’s where the saga stops. (laughs)
Q: Asan na ba tayo, nawala tuloy ako. Sa’n tayo?
A: May narinig ka kasi. (PW: Hindi, ikaw kasi. Bakit kasi may ganun pa?)
Q: Pakuwento nung pinapasali ka sa contest
A: Ah, siguro mga 6,7,8, ako. Pag fiesta sa amin, eto na, yung tatay ko, tatawagin ako, lolokohin ako. Kunyari, may sample ng mga ano, sample daw ano,eh, ako raw yung model niya. Ayun pala, ano na, gagawan na niya ako ng barong tsaka yung pantalon para isasali na niya ako sa contest. Nung una, nung pangalawa, ano, okay lang, hindi ko pa nahahalata, nung pangatlo, tinatakbuhan ko na. Kasi ayaw ko sumasali sa contests.
Q: Bakit?
A: Sobrang mahiyain ako. As in, nanginginig talaga ako pati baba ko, pag kumakanta ako, tapos minsan, sa stage umiiyak ako, habnag kumakanta ako, galit na galit ako sa kanya. Kinakanta ko yung, (sings) umiiyak akong ganun, akala nila emote na emote ako. Hindi nila alam, galit na galit ako sa tatay ko. Kasi ayoko talaga sumali. Talagang ang gusto ko lang, kumakanta ako sa taas ng lamesa na pinagtratrabahuhan nila. Pag bibigyan nila ako ng malaking piso. Kasi gustong-gusto ko yung malaking piso noon, pinapaikot ko lagi sa, pag nagpapalipas ako ng oras.
Q: Eh, bakit, hindi ka ba niya sinasabihan na kapag sumali ka sa contest na ito, bibigyan kita ng maraming piso?
A: Nung una nga, nabobola niya ako, pero dahil nga sa sobrang mahiyain ko, ayaw ko talaga. (PW: So, ayaw mo magperfrom sa harap ng tao?) Ayaw ko talaga.
Q: Pero sa pamilya mo–
A: Okay lang. Kami. Tapos, ang irony pa nu’n, mas makapal ang mukha ko, pag nasa kalye lang ako. Lakas-lakas ng boses ko, minsan, ahm, around 10 years old ako, naki-tambay ako sa mga nag-iinuman, ang ingay-ingay. Nakikikanta ako doon, naggigitara sila ro’n. Inabot sila ng alas-dos ng madaling-araw, yung minumura na ng kapitbahay. “Magpatulog kayo!!! Sawa na kami sa boses mo!” Dahil sa sobrang lakas nga.
Q: Pero, noon, alam mo yung mga araw na yun, alam mo na maganda yung boses mo?
A: Hindi. (PW and AP overlapping) Hilig ko lang. Hilig kong gayahin. Kailangan, may project akong boses, halimbawa, ito Barry Manilow, ito naman ng gagayahin ko. Air Supply. Ito naman. (PW: Ah, nagagaya mo?) Oo, kailangan ma-perfect ko sila. Pag na-perfect ko sila, iba naman ang gagawin ko.
Q: Pero yung parents mo, sinasabi ba sa iyo na magaling ka?
A: Hmm, hindi rin. pero gustong-gusto nila ako napapakinggan na kumanta.
Q: So, hindi nila iniisip na posibleng magka-career ka dito?
A: Hindi. Kasi, ever since, ang mother ko, gusto niya makatapos ako. Gusto niya sa ano–parang, she was trying to brought us up na, to bring us up na, kailangan tapos ka sa pag-aaral. Kasi yun ang magagaling sandalan namin, yung edukasyon.
Q: Did you finish school?
A: Hindi eh. Ah, 2nd year high school lang ako, 3rd year. Hindi ko pa ata natapos yung 3rd year. Kasi nga ibinagsak ako ng teacher ko. Kasi nag-end up ako sa National University. Pinilit pa rin ng father ko na pag-aralin ako. So, pinasok niya ako roon. Eh, nung matatapos na yung school year. may pinapapasa sa aming project. Wala naman akong pera, pari pamasahe ko, di ko na ma-aafford. Nilalakad ko nga siya, ang layo-layo papunta-pabalik ng school. Ah, hindi ko napasa, so, binagsak ako.
Q: Di ka na bumalik?
A: Hindi na, wala na eh. Hindi na kaya. Nahihiya na rin ako. Du’n pa lang sa parochial school, du’n sa semi-private na pinapasukan ko, dahil na-co-confine na nga sa ospital yung mother ko, wala na akong pamasahe. Sumasabit na lang ako sa jeep. Papunta tapos pauwi. (PW: And all this time–) Kaya yung dito ko, yung kuwelyo ng polo shirt ko (PW: Maitim?) sobrang itim dahil sa libag nung usuok tsaka, yung ano, ang hirap tanggalin. Kaya uuwi ako sa hapon, talagang yan ang una kong aasikasuhin kasi kailangan matuyo siya tomorrow morning. Kasi yun ang susuutin mo.
Q: Arnel, this whole time, hindi mo inisip na, posible kang, puwede mong pagkakitaan yung boses mo?
A: Na-relaize ko na lang siya nung nag-ano, kumanta na ako, professional. Nung 15. Sabi ko, “Puwede pa la eh.” So, nagtuloy-tuloy na ako. I never, hindi na ako nag-look back. Talaganga diretso na, I moved on.
Q: Balikan ko pa si Zoo? Paano nabuo? (ZT: Nanalo ka ba sa contest?)
A: Nanalo ako, ah, as Best Vocalist with Amo, nung sumali kami, Band Explosion. Ano yan, yun din yung time na ano, madalas kami magkita ni Sir, (PW: Ang hirap naman nito interviewihin. Okay lang, go.) You, are you familiar with, Mr. Leo Arnaiz? (PW: Oo, kapatid ni Francis?) Magbabarkada kasi kami. So, kami yung nagkikita-kita. Yun yung time na yun. Sinamahan pa nga kami ni Leo Arnaiz sa Hong Kong kasi nanalo kami dito. (PW: Nanalo kayo?) Naging representative sa Asia. Para makalaban niya sa World Band Explosion.
Q: Balikan ko yung medyo amateur singing ka pa lang.
A: Nung amateur–
Q: Nung sinasali ka ng tatay mo–
A: 2nd prize, 3rd prize.
Q: Pero hindi number 1?
A: Hindi, hindi. Never. Kasi nga, ayaw ko. As in, iiyak ako. Ayaw ko talaga. Super duper talaga, yung hiya ko.
Q: Buti hindi ka na-trauma ano?
A: Hindi naman. Kaya lang, hindi ko kinakausap yung tatay ko, for 1 week. Di ko siya kakausapin talagang galit na galit ako.
Q: Yung mga major wins mo o awards, okay sabi mo nanalo ka dito–
A: Pinaka-memorable ko yung sa World Band Explosion. Kasi ano, na-realize ko na marunong talaga ako.
Q: Ano yung kinanta mo noon?
A: Nag-ano kami, actually, nag-cover kami. Ang song, “Bohemian Rhapsody” ng Queen. Kung tumugtog sana kami ng original, kami nanalo. So, may regrets din sa ano na yun, sa yung, moment namin na yun.
Q: And then you said you went to Hong Kong, (AP: Yes) because of that ano–
A: Because of that ano, competition. It happened back in ’80s. Mga 1988 siya. Q:
Q: So, you competed in Hong Kong, nanalo kayo?
A: Ah, hindi. Ako lang yung nanalo sa band namin. I was voted Best Vocalist so, ano, yun yung talagang parang proudest moment of my life yun. Imagine, nanalo ako? Of all these contestants. Ang daming magagaling.
Q: International pa?
A: Nandyan pa nga yung trophy. Talagang, pinakatago-tago ko siya. Actually, nabaha siya sa Olongapo as in talagang pinahanap ko talaga siya, nalubog siya sa water. (PW: But you had it with you?) Oo, twice ako nanalo. Yung isang trophy ko, nawala na talaga. Nasira na, dito naman din.
Q: Okay, balikan natin si Zoo. This is your last band before–
A: Yeah, yeah, before Neal discovered me.
Q: Gaano katagal ito, sabi mo papalit-palit yung pangalan nung mga banda mo?
A: Actually, it started yung Zoo, sa ano yan, sa Hongkong siya. So, wala pa siyang, wala pa kaming pangalan nu’n. Nagkaroon kami ng pangalan nung na-meet namin si Direk Bert De Leon. Through Gladys Guevarra. Ah, ano eh, minsan, dumating sila, isang gabi lang, eh bago sial dumating no’n, nag-uusap na kami ni Monet. Sabi ko, may mga demo na kami, “Kanino kaya natin ibibigay itong mga demo na ito. Sino kayang makaktulong sa a–” Tapos, bigla kong nakita si Gladys tsaka si Allan K. Parating. Sabi, “Uy, dito pala kayo tumutugtog?” Tapos sabing ganun, “Uy,” sabi kong ganun. “Iniisip ko pa lang kung sino nag pagbibigyan namin ng demo, tulungan mo naman kami oh.” Tapos, sabi ni Gladys, “Tulungan? Ito si Direk Bert.” Yun na yun. Yun ang simula. Tapos, nag-deal na kami ni Direk Bert, nagpakilala kami, tapos pinakinggan muna kami, sabi niya, “Pakinggan ko muna kayo, paano kayo tumugtog.” So, nagustuhan niya. Na-typan niya yung tugtog namin. Nagustuhan niya yung boses ko, kung ano yung texture niya, rock talaga siya. So, “Sige, puwede siya.” So, yun, binigyan na namin siya ng demo. Pinakinggan niya tapos pag-uwi niya sa Pilipinas, from Hongkong, pinakinig niya sa friend niya, si Mr. Ricky. So, yun na yung start. Tapos, pinangalanan na niya kami.
Q: Zoo?
A: Yes.

Q: Okay, anong nangyari sa Zoo after?
A: Ah, nag-ano, nag-regroup sila. nagpalit ng members. So, actually, nangyari, yung Zoo, ibnag miyembro na siya. Yung talagang dating miyembro ngayon ng zoo, Amo, Amo na siya. (PW: Okay) Yes. Nung umalis ako, ganun ang nangyari sa kanila.
Q: So, nung nando’n ka, Zoo, pag-alis mo, naging Amo?
A: No. Zoo pa rin sila. Pero yung mga miyembro talaga ng Zoo, wala na. Ibang miyembro na, Amo na.
Q: I see. Let’s get to the time na na-discover ka.
A: Eto na yung during tumutugtog kami. Magkakasama sa Zoo so, we met this guy, si Noel Gomez. Sa Olongapo, ah, hindi ko alam, matagal na pala niya ako sinusundan. Magmula noong nadiscover niya ako kumanta, nag-front ako sa concert ng South Border one time sa Remifield sa Subic Bay, du’n niya ako unang napanood. Ah, hindi na niya ako tinigilan. Hinahanap na niya talaga kung saan mga gigs ko. So, unfortunately, hindi niya mahanap. Then after, after a few years nga, nakita, nakita niya ko bigla sa, siguro, after 5 years. Nakita niya ako sa Olongapo ulit. Sa Brad’s bar. Du’n na. Nagsimula, nagkakilala kami. Tapos, ah, nung mga after 3 months knowing each other, naging talagang good friends na kami, nagpaalam siya sa akin, if he can record yung gig namin. So, nung na-record niya yung gig namin, nagpaalam naman siya sa akin kung puwede niya i-upload yun sa ano, sa Internet.
Q: And that started it all?
A: Ayaw ko muna.
Q: Bakit?
A: Sabi ko, “Wag!!!” Like I told you, masyado ako mahiyain. Nakakahiya. Sabi niya, “Ang galing-galing mo. Sayang naman kung dito lang ang nakakarinig sa ano, wala naman pumapansin sa iyo dito sa Pilipinas. Eh, kung i-upload ko sa internet, buong makakanood sa iyo. Subukan lang natin.” Tapos, siguro, mga 1 week niya ako kinukulit bago ko pumayag. Sabi ko, “Sige na nga, basta huwag masyado exposed ha? Nakakahiya. “Yung mga ganun. Marami pa akong sinasabi sa kanya. Yun, after, ma-upload niya, it took him 2 weeks yata. Every day, nag-spend siya at least 6 hours para–kasi 64 tracks siya.
Q: Ang dami pala nu’n?
A: 64? 24? 24 ba, anyway, yun, ang dami niyang songs, ina-upload niya sa Youtube, pinagtiyagaan niya for the whole week.
Q: Tapos?
A: Yun. (PW: Pero, ikaw mismo, napanood mo?) Hindi ko nga pinapanood kasi nga nahihiya ako. Hindi ko matagalang makita yung sarili ko, parang “Yeee. Ang pangit.” Sabi kong ganun. Laging ganun ang reaction ko. Pero after, after 3 weeks, ine-mail na siya ni ano, nakatanggap siya ng ano, you can call it na parang weird email from someone very known. Sabi niya sa akin, tinext niya ako, “Nel, kilala mo ba si Neal Schon?” “Oo. Yung sa Journey, gitarista.” “In-email ka.” “Ows?” Sabi ko pang gnaun. “Wag ka maniwala syan, peperahan ka lang niyan, baka hindi si Neal Schon yan.” “Sige nga ipadala mo nga sa akin.” So, finorward niya sa akin yung mail, binasa ko.
Q: Ano yung nakasulat du’n sa e-mail?
A: Naku, nasa, kineep ko pa eh. Nandyan eh. Basta, kine-claim niya na siya si Neal Schon. Legit itong mail na ito. Sinasabi niya na, despite na ah, underground na sila ngayon, they haven’t stop touring for the past nine years with a new singer. And they been doing very, very good as a ano, yung ganun. As Journey with a new singer so, in ano, kung puwede raw, If I’ll be interested to ano, to fly to San Francisco para mag-audition sa, as the next singer. Sabi ko, “Naku, manghihingi lang–” (laughs) (PW: Peperahan ka lang?) Na-iscam na ako ng ganyan, sa Hong Kong, I think I spent a couple of Hongkong dollars na ganyan, naperahan ako. So, kakapilit niya, sabi niya, (PW: Anong sinasabi mo, “I don’t believe you!”) Oo, hindi! Sinabi ko kay Noel. Yun nga, kakakulit niya sa akin, you know, he’s been trying to persuade me na, “Sige na, sagutin mo na! Malay mo, totoo siya. he’s for real.” “Hindi nga yan. Hindi mag-gaganyan yung mga rockstar na yan.” Sabi kong ganun, “Mga spoiled yan, hindi nila gagawin yan, imposible. Siya nag-iinternet?” Sabi kong ganun. “Yung mga sekretarya niya yan, ang naggagawa. Tapos, eventually, na-convince niya rin ako. Hinamon ko siya na, sabi ko, “Kung puwede, mag-ano ka, i-add mo ako sa Yahoo Messenger tapos, mag-cam-to-cam tayo na conversation. Kasi kilala ko yung boses ni Neal Schon.” Sabi kong ganun. “Tapos, eto yung number ko, tawagan mo ako pag-na-add mo na ako.” Binigay ko yung mobile number ko. Ang ginawa niya, after 10 minutes, pagkatanggap niya ng mail, tinawagan na niya ako. Nakausap ko na siya.
Q: Eh, malay mo ba sa boses niya?
A: I’m still trying to convince him, sabi ko, “Why didn’t you go to In–Yahoo Messenger? Open up a file, mag-open ka ng ano mo, ng yahoo mo, tapos, mag-usap tayo kasi kilala ko yung mukha ni Neal Schon.” Tapos, tawa siya nang tawa, he was laughing very hard kasi sabi niya,”Eto na ako, si Neal Schon na ito. I’m not trying to fool you. I really want you to come up here, to San Francisco, you should try, mag-auditioning, you should try ah, our band. It’s a good band. You must have–” “Of course, I know! I have at least 6 albums of you, guys.” “Oh, really?” sabi ko. “So, you know a lot of our songs?” “Of course.” “So, you can come?” “Ah, Of course.” Yun. “Can you come next week?” “Oh, that’s impossible!” Sabi kong ganun. “For your information, we, Filipinos are having a hard time getting US Visa. It’s really hard for us.” Sabi kong ganun. “We have to have a lot of supporting papers from you, guys.” Sabi kong ganun. “Then, we’re going to fix it. You need to come here in two weeks.” “Oh, that’s really, really, impossible.” Sinasabi ko sa kanya. “It’s going to be at least, three months, six months.” “What? I don’t have six months!” Sabi niyang ganyan. “We need to tour.” Sabi niyang ganun. “What tour?” “Like 3 months tour” “Three months tour?” “Yeah. Ah, in Europe and in America.” “What?” “Okay, okay, okay.” Sabi niyang ganun. “So, we need, I need you here.” Sabi niyang ganun. “So, wait. Ah, I have to warn you, I just released an album with my band and we just, this is a legitimate label called MCA Universal. They released an album of ours and I, we have a manager and you have to talk to our manager.” Sabi kong ganyan. “Okay, I’m going to talk to your manager, give me his number. I’m gonna give you my, ganyan.”
Q: Ayaw ka na pakawalan talaga (A: Oo)
A: Talaga siya persistent talaga so yun na parang don edeal na yung ano namin yung unang usapan namin parang he has no patient for another ano conversation na mangayri, na mag-unfold so.
Q: So mula nung nag-usap kayo, kailan–
A: overlaps. Yun na nagdi-deal na kami, we’re exchanging na information about me and my family kasi nga they need to know kung sino gusto kong isama eventually pag magtu-tour na kami. Sabi ko magtu-tour e ma-o-audition palang ako ha, yung mga ganun na kasi he’s so sure na ako na yung singer (Q: pasok ka talaga) I’m really the one for the band.
Q: So mula nun, ga’no katagal bago ka nakapuntang States?
A: Siguro it took at least ano e parang magtu-two mnths. (Q: Ah matagal din) Oo kasi, May namin inayos e, June, July, auguts ako nakaalis e. June, July, o Auguts .
Q: Pero siguro naman lahat nung mga linggong yun at buwan na yun alam mo na na legit talaga sila?
A: Hindi pa. Half lang tapos lagi akong nakatingala sa ano sabi kong ganun, totoo kaya ‘to sabi kong ganun. As in, nag-usap kami ng wife ko sabi ko ano kayang mangyayari sa ‘tin, totoo ba kaya ‘to, ano ‘to. Kasi siyempre lagi kaming nangangarap ng asawa ko, sabi ko sana um-okay na yung buhay namin, hindi na yung ganito kasi before ako na-discover ni Neal Schon before ako naging miyembro talaga ng Journey as in ano araw-araw tumataya kami sa lotto (Q: laughs) tapos pag may mga extra kaming pera nagbi-business kami like, nagluluto kami n g kare-kare. Ako yung nagluluto ng kare-kare. Nilalako niya run saBalintawak yung kare-kare. Dinadala niya, nagba-bus siya (Q: totoo) oo tapos nung nakaipon kami ng konti rin bumili kami ng ano parang kariton pero yung talagang fashionable siya ng kariton pang bola-bola yung mga ganun (Q: food cart) kikiam, oo. Nagtitinda kami dun sa harapan ng bahay namin para ma-augment namin yung ano namin kita namin tsaka yung kabuhayan namin.
Q: Okay so pagdating sa dun.
ZT: Di ba nung nagpunta ka sa embassy (A: saan?) Sa embassy
A: Oo. Sa embassy. Yan ito interview na so sabi (Q: natatawa ko sa mga kwento mo) Sabi nung lalaki sa akin. sabi nung lalaki. What are you going to do in America? I’m going to audition for Journey. Journey, what Journey? The band Journey. Are you sure Journey band? Yah. Sure. I have got the papers here. Journey. Tapos nag-chuckle siya parang sabi niya just wait for a second kinausap niya yung katabi niya sabi niya this guy here who claims that he’s going to narinig ko, he’s going to audition for Journey sabi niyang ganun. Sabi niya tapos medyo parang tumatawang ganun tapos parang naka-smirk na siya. Okay I’m gonna pass you over to the next counter sabi niya okay. Tapos nakayuko lang, suplado e. Yun yung si Ben na yun suplado siya sabi niya so hindi siya tumitingin sa kin sabi niya so you’re going to audition for Journey ha. Yah. I got the papers you need. All of my papers will show you that this one is legitimate. Oh yah let me see it tapos tumingin siya sa ‘king ganun.Pag tingin niya sa ‘kin. I know you, I’ve been watching you in Bagaberde you sing there sabi niya, you sing sting, you sing Dipper Pol, you sing Journey too. Oh okay. Tapos tiningnan lang niya yung papers, oh you’re for real sabi niya okay. So you know, do you know the song Wheel in the Sky because that’s my favorite song. Of course I know that song, Wheel in the Sky, kumanta lang ako bigla roon. Kita ko nagulat yung mga tao roon, nagganyanan e siyempre nag-i-interview ganun gumanyan silang lahat sabay-sabay nakaganyan, sinilip-silip kasi ang ingay ko e. Talagang kumanta ko ng pagkalakas-lakas. Sabi niya okay, okay, okay. Go to the, ano yung parang isang pag babayaran mo na, delcro ba yun, basta, you pay your fee and then good luck. My name is Ben, don’t forget my name sabi niyang ganun sabi niya, I’m one of your fan, I like your voice (Q: wow) so good luck sabi niyang ganun.
Q: Siguro ang takot mo nung nag-usap yung dalawang Amerikano?
A: Hindi naano ko, medyo nainsulto ko ng konti kasi (Q: kaya nga parang nag-smirk sila) sabi ko loko ‘to ah. Ito dala-dala ko yung papel o pero kinabahan din ako ng konti naku mukhang uuwi akong luhaan ah sabi kong ganun. (Q: deny the visa) If second time yun mato-trauma na talaga ko kasi nung first na nag-apply ako 1996 I, talagang ano sabi ko sinumpa ko sabi ko I will never, never again step on your embassy sabi kong ganun para mag-apply (Q: Cause were once rejected) oo kasi gustong-gusto ko lang naman makapunta sa Disneyland. What’s wrong with that sabi kong ganun. I’m going to spend my money there sabi ko kumpleto naman ako sa papers.
Q: Balikan lang natin yung time na na nalulong ka sa droga. What was that like? What year? Ano nangyari bakit? Why drugs?
A: Ang first nung ano e, nung bata ako siguro mga nung patay na yung mother ko pasali-sali yan s. Siguro nun nung mga tini-take ko pa nun ano e, marijuana tapos cough syrup grabe yan habang gumagala ako ng kalye na pag nasa katinuan ako naghahanap akong trabaho so salit-salit yan for almost a year. Nag-smoke ng cigarette, naglalasing so. So kung babalikan ko ngayon hindi ako nagtataka kung bakit ganun yun naging buhay ko kasi napasama nga ko dun sa ano e sa mga group of mga youth na ganun ang ginagawa so hindi seryoso talaga sa buhay naghahanap lang ng trabaho kasi kailangan lang kumain so nilampasan ko yan so naging banda ko. Nung banda naman ako na-upgrade naman yung paggamit ko ng drugs napunta naman ako run sa shabu, napunta naman ako sa mga sleeping pills tapos mas tumapang yung mga iniinom ko naging brandy, naging whisky halo-halo. Tapos nahinto because na-involve ako sa first serious relationship ko tapos pinanganak yung panganay ko si Matthew but eventually dahil because bata ayoko rin naman gamitin na dahil bata ako or gawing reason na bata ‘ko para makapag-drugs ako pero I think that was parang yun ang pinaka-best alibi na masasabi ko kaya ko ano e. I was stupid, I was bored, same old thing yung ginagawa ko everyday, banda, uwi sa bahay, relationship tapos bata kayo parang na-stock ako rito so nag-experiment ka so yun. And then natapos, natapos siya, konti then pagbalik namin, pagpunta namin ng Hong Kong ng 1991 bumalik uli ako after 3 years dun nasira na yung relationship ko dun sa first serious relationship ko. Dun tuloy-tuloy na yun. It was like for a year and a half na ganun hanggang mapatalsik, pinauwi kami dahil because of that kasi hindi na ko pumapasok e. Minsan papasok siguro ako sa gig namin siguro mga twice a week nalang e suppose to be pumapasok ako every night tapos minsan makukumpleto ko yung week na yun pero wala kong boses kasi minsan hindi ako natutulog for 3 days because of (Q: overlaps: so wala ka na sa sarili mo nun?) Wala na. Pag gising ko palang drugs na tuloy-tuloy na and then dahil yung effect nung drugs yung pinapabilis yung tibok ng puso mo e tsaka yung andar ng utak mo so masyado yung, sobra yung takot ko humarap sa tao. So kailangan pupunta ko sa pinakamalapit na pharmacy mag-a-under the table ako ng mga pampakalma, iinom ako ng Mogadon, Valium Pen para lang mahimasmasan ako dun sa nararamdaman ko shower pero wala. Tapos pag nahimasmasan na naman ako after first set palang namin hahanapin ko na naman yung drugs uuwi ako sa bahay magda-drugs na naman ako.
Q: How did you get out of that?
A: Nung pinatalsik nga ako rito. Nahimasmasan ako. Nakita ko yung, nag-end up ako sa isang rented na apartment kasi halos wala pa ko sa sarili ko e nung umuwi ako. Umuwi ako I only have like parang $200 inuwi ko tapos tatlong box ng balikbayan ang uwi ko na as in binayaran ko pa. Talagang naubos yung pera ko. Wala kong naipon for five years. So parang na nagising ako parang na-realize ko na ang asma nung nangyari sa ‘ken after 3 days kasi nagtututulog ako pag uwi ko. Sabi kong ganun ano nangyari sa buhay ko tapos gaganun-ganun ako sa bulsa ko yun lang ang hawak ko $200 pa’no ko mabubuhay nito. Tapos yun na nag-rewind na lahat ng ginawa ko, na-realize ko kung gano kamali kung gano kasama yung gravity nung ano, yung magnitude nung–
Q: So parang hindi mo rin ano, hindi mo rin nilagyan ng, you didn’t give much importance (A: Yes) Yung success mo din dun kahit papano.
A: Yes, totally. I took it for granted talaga. Everything. All the opportunities, all the chances na binigay sa ‘ken ng GOd tapos yung talent ko pinabayaan ko siya as in I went home na wala kong boses halos.
Q: What about Cherry. Can we talk about Cherry, kelan mo siya nakilala?
A: Na-meet ko siya yun din yung time na grabe rin ako sa drugs, grabe rin ako sa inom (Q: dito na) yes (Q: pagbalik mo na dito) Nandun ako sa Scout Limbaga nun, dun sa napundar kong bahay as in every night lasing ako so nakita ko ng brother ko. Talagang ano para nalang akong sinehan sa kanila. They, they’re really watching me destroying my life everyday as in talaga nagsu-succumb ako deeper and deeper dun sa ano ko sa darkness talaga. So hindi siya nakatiis sabi niya, Hoy Nel, kinulit niya ko minsan lasing parin siya, kuya Nel meron akong nakilala run o ang ganda-gandang chicks sabi niya. Sabi ko anong magandang chicks sabi ko, e hindi ako interesado sabi kong ganun, dito lang ako, inom lang ako, gagawa nalang ako ng kanta, ganun nalang ang ginawa ko kasi nun e. As in nandun lang ako sa kwarto ko kaharap ko puro bote ng beer saka drugs tapos gawa lang ako ng gawa ng kanta. Tapos meron lang akong maliit na recorder mini disc recorder na napundar ko kaisa-isa. Record lang ako ng record. Kung ano-ano naiisip ko. Kung ano yung maging trip ko yun ang gagawin kong tono. So eventually after, after three months kinukulit-kulit niya ko sabi finally sino nga yung ano sabi kong ganyan, sino nga yung babaeng gusto mong ipakilala sa ‘ken tara parang nagsawa ko sa naging routine ko for next three months kasi nga ano e I was trying to nurse my broken heart kasi yun e nung nagkahiwalay nga kami nung yung first yung pinakasalan ko na wife ko. Sinamahan niya ko, sinamahan niya ko dun sa bar dun nga sa may Morato, nung, the bar’s name is Option yun, na-meet ko siya first time.
Q: What was it like?
A: Tapos nagpakilala kami, ah ano muna (Q: Pero alam ni Cherry?) j-um-am muna ko (Q: Alam na niya na ipapakilala ka?) Hindi yata. I have no idea basta’t, hindi ko na medyo ma-recall yung part na yun pero j-um-am kami tapos napakinggan niya tapos sabi niya sa ‘kin, sabi niya nung nagkakilala kami takot daw siya sa ‘kin kasi nga ang haba ng buhok ko e, chubby-chubby pa ko nun na may bigoteng ganun tapos nakatali basta as in really dirty talaga na itsura. Tapos so finally pinakilala kami pagkatapos kumanta tapos sabi niya Hi Cherry sabi ko ay ang ganda-ganda mo pala sabi ko, ang ganda mo pala talaga. May boyfriend na ‘ko sabi niya sa ‘king ganun binara na niya agad ako. Ay sabi ko ganun ba. So siyempre sa loob ko sabi ko may boyfriend na pala. I’m wasting my time sabi kong ganun. So binalikan ko siguro siya mga ano na e after a month ulit pero in between pa-text-text dahil nakuha ko naman yung number pabola-bola (Q: Sabi niya may boyfriend siya pero nag-exchange kayo ng number?) Oo. Tini-text ko nun, pabola-bola ayun. So siguro medyo type din niya ko kaya lang hindi siya makaano kasi may boyfriend na nga siya e.
Q: Kahit na ganun yung itsura mo nun?
A: Oo, sobra (Q: Okay.) Naka-magic parin ako (Q: oo di ba?) Pero ang parang ang breaking point namin nun yung talagang nagkaroon kami ng chance na makilala namin yung isa’t-isa minsan siguro hindi sila okay ng boyfriend niya e parang nag-give in siya na pumayag siya na okay just one date ganun. Nagkausap kami. I told her about my story. Sinabi ko sa kanya kung gano kasaya yung buhay ko magmula nung bata ako tsaka so yun I think parang na-impress ko siya dun sa eventhough ganun ang nangyari sa ‘ken I kept on ano moving, moving on. Pinipili kong magsikap, pinipilit kong magbago, pinipilit kong tumayo sa sarili kong paa, pinipilit kong baguhin yung kapalaran ko kahit nadadapa ako. So from there nag-start kami then we start living together (Q: So b-in-reak na niya yung boyfriend niya?) Oo. Nag-break na sila nun tapos (Q: Ano itsura ng boyfriend niya?) Hehe. Mamaya pa-describe mo sa kanya. Mahirap mag-describe e. (Q: Okay. Oo biased ka e) Baka lahat sabihin ko lahat ng superlative about him e. (Q: Baka mamaya malagot pa tayo) Oo. Mademanda tayo ng ano e libel. Q: Okay ga’no katagal bago kayo nagsama?
A: Siguro mga ano, nag-date-date muna kami for three months tapos saka yung ano (Q: Tapos nag-live in na kayo) Oo, ang-live in (Q: Ang bilis ah) Ayan tapos (Q: Yun ba sikreto?) After ano e parang naramdaman ko lang click kami, okay kami, hindi naman. Yung nagko-complement yung ugali namin hindi siya ano, hindi siya talbog, wala kaming clash (Q: wow) So try, try tapos magamay namin yung isa’t-isa and then siguro mga after two years yun yung paunta-punta na rin ako n g Hong Kong nun, naiiwan siya sa bahay tapos minsan pupunta siya sa Hong Kong papamasahihan ko siya tapos hanggang sa mabuo na si “Querob”, made in Hong Kong yan e pinanganak na siya tapos yan na, nagbuo na kami ng buhay namin together. So mahirap yung ano namin, mahirap yung punagdaanan namin kasi nga like I told a while ago yun yng pag wala kaming pera talaga kailangan i-augment namin through paglalako ng pagkain kasi mahilig akong magluto.
Q: So she was really with you kahit nung hindi ka–?
A: Yah, yah all the way, all the way. So kilala niya talaga ko at my worst ano e.
Q: And is it true that siya yung nagpabago ng buhay mo?
A: Oo. Kasi merong time paano-ano parin ako nun sa drugs ko e tapos inom ang lakas kong uminom e. So minsan nagagalit yan, pinabayaan pa nga ako niyan as in talagang ka-foreplay ko yung inodoro sa kasusuka. Talagang pinabayaan niya ko sa galit niya sa akin dahil naglalasing ako as in yun foreplay kami ng inidoro, suka-suka ganun. Tapos one time birthday ko yun na yung talagang nagpabago sa ‘kin kasi pag-akyat ko sa taas siyempre naka-drugs ako, lasing ako sabi ko tara magsaya tayo dinatnan ko siya naka-empake na siya (Q: Ah iiwan ka na niya) oo yun tapos gusto na niyang umalis. So the next, nung time na yun sobra, out na talaga ko ganun (Q: complete turn around) 180 degrees.
Q: I can talk about this yung your past and Cherry’s past? (A: Yah sure, sure) So yung past ni Cherry tsaka yung past mo okay lang yun natanggap niyo yung isa’t-isa, you know you have kids from another woman, she has kids from another man (A: another relationship) Hindi kayo nahirapan to reconcile that?
A: Alam mo you can say na ano e mas may pagka-Western kasi yung ano ko yung thinking ko kasi nga magmula nung 80s naggi-gig kami sa Olongapo ang nakakausap ko na mga puti na, mga Amerikano so parang na-adapt ko na yung ano nila yung pananaw nila sa buhay na yung isa nga yun yung pag mahal mo yung tao mamahalin mo pati yung past niya pati yung kamalian niya at pati yung best niya, so ganun ko siya minahal (Q: at ganun ka din niya minahal) yung pagtanggap so kaya kami nagki-click hanggang ngayon e and then we can really tell each other yung kung ano yung mali ko tsaka yung mali niya yung walang takot ba yun hindi namin kailangang yung umilag ba basta yung importante sa ‘men matatama namin yung mali namin and magmu-mov eon kami as partner. Hindi yung dahil nagsabihan kami ng mali namin and then yun na yun. (Q: you fix it separately) that’s the point na maghiwalay na kami. Pero kami we move on together, we fight the demon together tapos we prevail (Q: galing ah) Yun yung ano namin. Hindi namin pinag-usapan yun e. Naramdaman lang namin na ganun kami pero ewan ko kasi alam mo naman ang love e ano yan e it’s a never ending process e you go through stages n amerong, darating kayo sa glory na part and then darating na naman kayo sa trial na part susubukan na naman kayo ng Diyos kung ga’no katatag yung relationship niyo so itong dinadaanan namin is ano kami we’re still strong.
Q: But you and Cherry are in a good place right now?
A: You can say that but ako naman, as a person because of my ano, experiences in life yung mga pains and yung mga joys na na-experience ko from my past life naging balance na ‘ko e. I expect much pain as much as joy that will come talaga hindi ako yung masyadong positive hindi rin ako masyadong negative.
Q: At hindi ka spoiled?
A: I see to it na ano balance ako lagi kaya pag may dumadating na misfortune sa buhay namin parang okay lang kasi alam ko we have had those ano those glorious moments so I guess it’s time to taste a little bit of bitterness para naman ano.
Q: Why did you cry when we were talking about your experience with Cherry?
A: Kasi great, I’m so grateful na ano I found someone na yung tatanggapin ako kung ano, kung sino ko kasi I had a very bad experience talaga dun sa ano ko e dun sa first wife ko pero infairness to “him” I did some bad things din talaga na which somehow I thought maa-accept niya e kasi nga pinakasalan niya ako e. Parang ayun na yung pinanghawakan ko na ito na ‘to for better, for worst we’ll going to be together, we’ll going to pull through yung sa relationship namin but yun nga unfortunately hindi siya yung klaseng tao na ganun magmahal sa partner niya so siyempre braek up and then I met her siya yung tumanggap talaga sa ‘ken. Talagang yung buong pagkatao ko.
Q: And you don’t have to pretend.
A: And you don’t have to pretend. (Q: She accepts you for who and what you are) Yah. Whenever morning breaths and di ba you know (Q: muta) Muta, awkward moments you know like labas ang puwet minsan pag ano you know it’s everything, everything, no holds barred.
Q: Okay. Let me jump to sorry you missed this yung audition mo sa Journey. So umalis ka na noh, Sorry let’s fast forward, di pinapunta ka na, pinayagan ka na ni Ben sabi niya okay you pay your visa sabi niya sayo tapos pumunta ka ng States. Can you tell me the experience nung pagdating mo. Were you with Cherry pag punta mo ng?
A: Hindi, hindi pa e, hindi pa. Pero ano yun on-going na yung process yung pag-ayos ng papers nila. So actually (Q: Gusto ko yung airport palang) May mga daunting thoughts sabi ko ano kaya gagawin ko run, sabi kong ganun, ano kayang nakaabang sa ‘ken dun so yun yung mga thoughts na yun, I slept with it so nag-ano talaga tulog ako pero hindi ako totally talaga makatulog kasi it’s my first time talaga to ano e to undergo ng 14-hour flight so talagang gising-tulog, gising-tulog tapos yun yung worries nandun tapos pakinig ako ng pakinig ng music n g Journey. I have to make sure na alam ko lahat so pag nag-o-audition ako so finally nag-landing ayan inaba– sinundo na ko ng ano ng limousine tapos another I don’t know, it’s like two or three hours drive kasi ano siya from San Francisco airport to mas malayo pa e, my gosh nakalimutan ko na basta sa Hilton Hotel ako, hindi it’s not Hillsberg, but it’s near Hillsberg so yun dun ako drive ako tapos ang weird ng lahat ng tingin ko sabi ko ito pala yung Amerika tingin ako ng tingin tapos dun ko na-meet si “John Tumiyan” siya yung nagga-guide sa ‘ken. He was telling me everything about America and he was telling me about Journey tapos hinatid ako sa hotel pinatulog muna ko pero I can’t sleep kasi baligtad na yung oras e so it was 8 o’clock in the evening there so anong oras dito four o’clock in the afternoon (Q: mga ganun, 4am ganun) oo. The next day oo 4am, 4am. Sabi ko naku pa’no ko matutulog gising na ko nito so ang hirap tapos hindi ko pa alam yung sleeping pills e so as in ano so hindi ako nakatulog the next day pinuntahan na ko ni Neal Schon, yun nakipag-meet na yun sa ‘ken ang dala-dala pa niya yung Rays Hover (Q: overlaps: so nung nakita mo palang siya) tapos bilib na bilib ako sa Rays Hover niya ganyan pa ko pinapansin ko tapos yun na-meet ko siya finally tapos angpunta na kami dun sa warehouse sa Hillsberg na (Q: Audition na?) Na-meet ko sila tapos audition na kami.
Q: And what do you think there first impression was the moment you sang?
A: Ay nako puro piyok ako (Q: talaga) as in talagnag ano as in pumipiyok kasi nga no sleep e pero si Neal Schon super duper positive siya sabi niya you gonna make it, you’re going to be the singer. Siya na yung nakatingin sa ‘ken na talagang nakangiti, todo yung ngiti niay pero the other members parang talagang they’re not sure, parang they’re not sure of what they’re hearing from me. So 3 days na ganun (Q: Pumipiyok ka tatlong araw?) Oo pero nagiging stronger siya, nababawas-bawasan, the first day was the worst. They audition me each day for 3 hours na kumakanta as in talagang tinitingnan nila kung gano ko katibay para kong nasa initiation pina-paddle ako everyday as in ang hirap masakit na yung lalamunan ko (Q: Tsaka siguro nandun din yung nerbiyos noh?) You know ang nangyari hindi ako ninerbiyos nung time na yun (Q: Talaga) it’s more pressure talaga. Kasi alam kong kaya ko pero ang nangyayari hindi sumasabay yung katawan ko. I know I can do it e sabi ko kaya ko ‘to ah kasi natatantiya ko na e na everyday lumalakas ako sabi kong ganun kaya ko pala siya. So yung face ni Jonathan Cain yung manager ng Journey tsaka ng ibang group parang alam mo yun ano uncertain sila parang fazed yung mukha nila parang naku parang hindi uubra (Q: Disappointed) Oo. Pero pagdating nung thursday and Friday kasi nag-recording kami e t-in-ry nila okay let’s do now the studio ano, studio recording. Yun dun nila narinig na (Q: That you were perfect for them) Oo. I’m the perfect fit for Journey nung na-record m-in-ix nila lumabas yung sound ng Journey with my voice.
Q: Nagulat ka?
A: Hindi nagulat ako boses ko ba yan sabi kong ganun kasi hindi ko siya naririnig during the audition e dun sa waarehouse kasi nga ang pangit ng sound tapos V-drums lang ang gamit so tapos dry yung microphone kaya nung na-mix doon sabi ko sabi niya okay, sabi ko nung una paki-play mo nga yung ano yung kay Steve Perry. Tapos ano pini-play nila tapos hindi sila kumibo di p-in-lay nila muna tapos p-in-lay nila yung sa akin tapos ah yung kay Steve Perry uli, hindi sayo na yan, ay hindi yung sa akin naman nung ano (Q: Pati ikaw nalito) Nalito na ‘ko na nag-aano (Q: overlaps: talaga ha) oo. So dun ko na nalaman na ay pumasok na yung ano so tapos Friday morning he broke with a news na ano sabi Hey Boy you get the game (Q: You’re in) Yah. Oo so that was it August 12 (Q: What year?) 2007. Yun an yun. Tapos officially they declared me as yung official member ng Journey December 5. (Q: About 5 months after) Yah. The number that I chose dun sa Deal or No Deal yung pinanalunan ko ng 1 million (Q: ganun ba?) Yun, yes. That’s why I chose that number.
Q: Okay. Did you think at the age of 40 magkakaroon ka pa ng break na ganito?
A: Never (Q: overlaps: parang it’s hard noh) wala na. Actually ano na ko e dishearten na ko. We’ve been planning actually, me and my wife sabi ko Hon pakasal nalang tayo tapos punta tayo ng Hong Kong, i ano kita sa permanent residence ko para dun ka na rin magtrabaho nalang tayo pareho dun. We can stay ther for 15 years yung ganun . Bayaran natin yung government para magkaroon tayo ng tinatawag nilang pension every year so ganun nalang inisip namin.
Q: Andun ka na papunta na kayo dun talaga sa ganun?
A: We were on the planning stage na tapos I was planning na kung ano yung script with Direk Berdel kung pa’no ko sasabihin sa kanya na Sir parang this going nowhere so me and my wife are just deciding to ano parang to move back to Hong Kong ganun. Yun na yun nandun na ko and then I’m slowly approaching little by little approaching my band members na going to convince them na punta nalang kami sa ano (Q: until all these happen)
Q: Okay. Pag-usapan nati n yung fame, popularidad na, that you have right now. How is that changed your life? I mean from almost giving up your singing career in the Philippines, moving with Cherry to Hong Kong tapos biglang all these, not just in the Philippines but internationally?
A: It feels very, very weird at first talaga as in weird yung kahit sino kilala ka, tinatawag ka, idol ano, Arnel, Journey tapos yung iba kakantahin pa yung melody ng Open Arms, yung Faithfully so overwhelming siya at first tapos in a weird way tapos nasanay na rin ako tapos pero there are lot of instances na ano yung talagang minsan medyo uncomfortable ka kasi yung privacy mo nabawasan na as in 90% open na sa public, 10% nalang yung naiiwan for your family and yourself tapos siyempre I have to brief my wife, my kids na ganito na ang nangyayari sa buhay natin and talagang ang super affected yung wife ko kasi nga she’s a very private person gusto niay nae-enjoy pa rin niya yung moments namin na nagwo-walk around lang sa mall as a family. na namamalengke pa rin kami sa wet market yung mga ganun na hindi na namin magawa ngayon.
Q: But is it all worth it?
A: I think so yes, I think so it’s all worth it for now, pero siyempre there will come a time na siguro we need to parang to back down a bit para talaga mawala pero siguro eto I’m just going saturate whatever kind of luck I have (Q: Ubusin mo na ngayon) kasi I’m not that young anymore so for now parang I feel so bless, and I feel so grateful na hindi niya ko napabayaan despite the fact na magmula nung namatay yung mother nawalan talaga ko ng touch sa kanya e (Q: Are you back?) In a lot of ways yes, yung faith but I don’t go to church pero I talk to him a lot.
Q: One last question. Palagay mo ba yumabang ka?
A: Hindi (Q: Kahit konti?) Hindi talaga. I’m more ano lang, I’m more of confident with ano, to what I can do and what I can do more.
ZT: Yung mga nabago sayo, yung parang sa pamumuhay niyo simula nung Journey ka na, yung mag na-acquire niyo.
A: I can say it’s really funny noh kasi yang part na yan yung lahat nung pinapangarap namin ni Cherry na naglalakad-lakad kami kasi around Scout e, Scout Area minsan pag wala kaming magawa pagod kami sa trabaho, pagod kami sa pagluluto tapos pagtitinda ng bola-bola sabi ko sa kanya, Hon lakad tayo tingnan natin yung mga magagandang bahay dun sa Scout area lalo na run dun sa may mga dulo ang gaganda run tapso yun papangarap sasabihin ko sa kanya tandaan mo yan Hon sabi kong ganun sa kanya (Q: mabibili natin yan) pag tama ko sa lotto yan ang ipapatayo ko sa’yong bahay. Sabi niya ang laki naman, yung mas maliit lang hirap linisin yung ganun, naggaganun kami so nangangarap talaga kami ng gising, nakadilat (Q: pero very positive ha. Alam mo yung kasi di ba may ibang tao pag nakakita ng bahay na ay Hon hindi natin makukuha yun) sabi ko ibibili kita ng farm para dun tayo itatanim natin yung mga vegetable na gusto nating kainin. So alam mo God is really kind talaga. He’s very generous when he knows that you are working very, very hard. Pag alam niya yung heart mo talaga ano true talaga parang all for good talaga so binigay niya, binigay niya what we have ano parang what we have paid for.
Q: Is there anything else that you want or you desire, your heart desires kahit ano ha material na bagay.
A: Material hindi na masyado. Health nalang talaga ang pinipray namin so we could ano, we could enjoy yung what God has given to us longer talaga kasi nga what’s the use of having all of these material na mga world glee things kung hindi mo naman siya mae-enjoy because you’re sick, you’re not healthy, you’re just there in the bed, bed-ridden so mas gusto ko talaga ngayon ang pinaka pini-pray kong gift sa lahat sa mga mahal ko sa buhay lalo na sa ‘ken talaga the best of health talaga.
ZT: Yung ano daw, yung concert mo daw na 80,000 (A: Ah sa Download Festival, yes) Pwede daw pakwento nun.
A: Oh yah kasi yun ang first time ko e talagang flood oaf people parang ano siya parang nagmukha siyang EDSA revolution talaga (Q: Ga’no karaming tao?) Almost hundred thousand, yah as in never ending yung sa abot ng tanaw mo yung tao. Grabe as in (Q: overlaps: and that was the first time for you to perform) overwhelming talaga siya you were performing tapos nandun sa gilid mo yung guitar player ng queen si Brian May so hindi naman masyadong mataas yung pressure (Q: laughs) mababa lang. Lahat ng mga iconic na rock band na you can think of nandiyan nanunuod, Whitesnake, Def Leppard, Queen so lahat nandiyan sila, Dream Theater tsaka yung mga local nila na talagang super duper galing.
Q: Where was this?
A: Sa England so it was ano.
Q: It must have been amazing for you.
A: Hmm. Tapos siyempre na-experience ko talaga dun yung ano talaga eto na ‘to rockstar life talaga ‘to kasi andaming flashings which you guys sa Pilipinas don’t do di ba dun talaga it’s talagang over the board talagang ano pero one funny thing na nangyari sa ‘ken I never saw them sa video ko nalang nakita sabi nial hindi mo nakita yun andami nun sabi ko kasi I was so into my performance talaga kasi nakita ko yng mga nanunuod as in talagang sila ano yun nga sila Brian May (Q: You were odd) oo tapos sa Youtube ko nalang nakita ay sayang hindi ko man lang nakitang live (Q: anlapit pa naman sana sayo) imagine hindi ko man lang sila napansin.
Thank you.
—END—
March 3rd, 2010 at 9:18 pm
Hi! I posted the entire transcript on AP’s official website, http://www.arnelpinedarocks.com. There are some questions and answers which were not included in the final cut of the show but were very interesting although the interview was in Tagalog so some of our non-Tagalog speaking site members couldn’t understand. Still, thank you for posting the whole interview and thank you for featuring Arnel Pineda on Probe Profiles. More power to you.
July 4th, 2010 at 2:03 am
As Probe Profiles prepare to air their last episode, I came to view one more time this episode featuring Arnel Pineda. The trascription on the interview is very informative giving a more detailed account on the story of Arnel Pineda, who was so candid and very open in the interview. Credit goes to Pinky Webb who did an excellent job in probing deeply into the life and music of the one and only Pinoy international rock superstar Arnel Pineda. I totally enjoyed the episode and have posted this at our fan site, Plokkers Global Forum at arnelpineda.ning.
Thank you Ms. Che-che Lazaro and the entire Probe Profiles staff & crew for giving your viewers 24 years of quality documentaries. Although the program is ending, your probing and uncovering of truths in our society will forever be part of the consciousness of your audience and viewers.