04 February 2010

INTERVIEW With MAYOR JEJOMAR BINAY

Binay still1

INTERVIEW With MAYOR JEJOMAR BINAY

Q: Mayor ano yung natatandaan niyo dun sa nung lumalaki, yung pinanganak kayo, nung lumalaki kayo, ano’ng natatandaan mo?

A: Ah, eh siyempre yung sa pagkabata ko, Cheche, hindi ko makakalimutan yung nanay ko na, maaga akong nawalan ng nanay eh. Nanay ko teacher na hindi ko sukat akalain na pagtanda ko, ako pala ay magtuturo rin. All the while, my impression was you should be a graduate of a teaching course, di ba, yung mga BSE, BSEE, pero college, hindi na naman yun eh. Basta’t may master’s degree ka eh.

Q: Sabi mo, nawala yung nanay early in life?
A: Yeah, at age nine.

Q: Nine.

A: Yeah.

Q: She died of natural causes?

A: No. Tumor ang ikinamatay.

Q: Okay. So, naulila kayo ng maaga pero yung father mo was?

A: Yung father ko, hindi naman nagtagal kasi napatigil kami sa kapatid ng tatay ko, so dun na ko lumaki sa tiyo ko, yung si Attorney Binay na kapatid ng tatay ko.

Q: So, at what age kayo naulila, yung magkakapatid?

A: Ah, ako, hindi ko na matatandaan yung kapatid ko eh. Actually, nasa gitna ako ng patay eh. Yung may panganay tsaka yung bunso.

Q: Ilan kayo sa pamilya?

A: Tatlo.

Q: Tatlo lang.

A: Tatlong magkakapatid. Oo, tatlo lang. Tapos–

Q: So you’re the only one.

A: Ako lang natira.

Q: Wow.

A: May pamahiin ba dyan, Cheche, na parang nasa gitna ka ng patay, yung mga natitinik, ‘pag nahihipo mo yun, nawawala yung tinik (laughs).

Q: Ayun. Ganun, ganun. Pero ano’ng naging epekto nung namatay yung dalawa mong kapatid tapos naulila ka ng maaga, ano’ng naging epekto nun sa buhay mo?
A: Ah, malaking pagbabago sa buhay ko, Cheche. Nung buhay ang nanay ko, hindi naman kami kayamanan, pero hindi naman kami kahirapan. Ang nanay ko, merong nakukuha sa lupa nila sa Isabela. Ang palayaw ng–ang apelyido ng nanay ko is Cabauatan. It’s a big family ba na nung buhay ang nanay ko, nakakaligo ako ng maligamgam na tubig, may alcohol pa, may katulong na nag-aalaga at ah–

Q: Spoiled ba kayo?
A: Hindi naman. Wala namang oras para maging spoiled dahil sa nagtuturo ang nanay ko, nag-aaral naman ako. If at all, masaya nung buhay yung nanay ko dahil sa nagagabayan ka. Araw-araw, may pasalubong sakin yun, mga babasahin, ba? So, tsaka iba talaga yung nanay eh. Iba talaga ang kalinga ng nanay.

Q: Ano yung pinakamalaking impluwensya niya sa’yo? Ano yung natatandaan mo tungkol sa kanya na hanggang ngayon ay nakakaimpluwensya pa sa iyong mga ginagawa, sa iyong attitude?

A: Ah, basically, ito ngayon ang dala-dala ko nga ‘no? Lagi kong sinasabi, education is the best social equalizer–

Q: Dahil sa teacher siya.

A: Dahil sa teacher ang nanay ko. At saka that time, Cheche, ngayon wala na yun eh. In the 50s up to the 60s siguro in the early 60s, bawat pamilya, merong teacher. Ngayon, wala ka nang makikitang ganun, ‘no, ha? At tandang-tanda ko dun sa lapida ng nanay ko, ang ipinalagay ng  tatay ko dun is “As a teacher, she tried to challenge the leadership of the land.” Gandang-ganda, kaya ba pagkaaraw ng patay, lagi kong binabasa yung lapida ng nanay ko. Masarap yung may nanay na teacher, nagkakalinga ba, ginagabayan ka sa pagbabasa. Iba, iba yung (CLL overlaps) care of a mother–

Q: Pero nabasa ko sa isang write-up tungkol sa iyo na naghirap din kayo, naghirap ka nung bata ka?

A: Dahil ako, Cheche, pagkamatay ng nanay ko, hindi nagtagal, hindi nagtagal, kakukuha lang namin ng GSIS retirement niya, ‘no, nasunog yung nabili naming tinitirhan naming bahay, ah, nasunog yung bahay na yun. At the time, sa Pasay pa kami nakatira eh sa may bandang Harrison. Nasunugan nga kami, wala kaming nakuha, kaming dalawa lang ng tatay ko napwersa kaming pumunta dito sa Makati. At nung mga panahon na yun, ang tawag dun sa tinirhan namin, Kuli-kuli. And you’ll know (CLL: Kuli-kuli) pagkasinabing “Kuli-kuli,” mga red houses yun, ‘no? (CLL: Yes.) At mga karitelas, sira-sira ang kalye. Pagkaumulan, bumabaha hanggang dibdib pero pagka yung tipong ihi ng daga na sinasabi, eh dala nalang siguro ng panahon yun kasi nung sa tiyo ko, pagkabumabaha na, ang trabaho namin eh nililipat namin yung mga baboy, kambing sa mataas na lugar tapos pagdating ng mga alas-sais, alas-siete, nangunguha kami ng kangkong, muntik pa kong malunod dun, o, sa lalim ng tubig eh. Ah, sumisisid kami nun sa baha. Pagkawala na yung baha, naku ang daming bulate. Meron pang nalalaman na istep, ano (CLL: Leptospirosis) leptospirosis, wala akong naririnig na leptospirosis. In the same way, wala akong, Cheche, naririnig na yung mga, ano ba itong kagat ng lamok? (CLL: Ah, dengue) Dengue! (CLL: Wala rin) Eh pagkanamamalengke ‘ko, makikita mo yung mga bata, hanggang ngayon, may natutulog pang bata sa palengke. Naku, tadtad ng kagat ng lamok; wala namang dengue-dengue nun. Kaya tumataas ang antas ng sakit ng tao eh, sabi ko nga eh.

Q: Pero sabi mo, namalengke ka, sumisisid ka–

A: Naglalaba ako ng damit ko–

Q: Naglalaba ka ng damit mo.

A: Yun yung nami-miss ko yung nanay ko.

Q: Dahil ba yun sa kahirapan o dahil sa ginusto mo yun?

A: Ah, kasi may kaugalian, ewan ko kung masasabi kong kaugalian ng katagalugan ‘to o sa Batangas, ang tatay ko kasi tiga-Batangas eh. Ang nanay ko, tiga-Isabela. Eh, minsan nga, nakakalungkot kung babalikan ko yung sinasabi-sabi lagi nun na, “Mas maigi pang mag-alaga ng matsing kesa sa pamangkin.” So, nakatutuwa ang buhay ko. Double personality ako eh. Double personality in the sense that pagkakakumakain kami ng tanghalian at hapunan, kasama ako ng buong pamilya ng tiyo ko. Kasama ko yung mga pinsang buo ko, et cetera. Pero pagkatapos ng pagkain, katulong ako dun sa bahay, ‘no? Nangunguha ako ng kaning baboy, namamalengke ako, gumigising ako, Cheche, ng alas-singko ng umaga.

Q: Ikaw lang, pero yung mga pinsan mo hindi?

A: Wala. Kasi, yung isa kong pinsang buo na nagpulis, bata sakin yun, mga three to four years eh. Yung halos kasabay ko sa edad who is a doctor of medicine eh anak yun nung pangalawang asawa ng tiyo ko, ‘no? So, my uncle got married for the second time at may anak yun. Ito yung kasabay kong lumaki, ang deperensya namin isang taon lang eh. (CLL: Okay) So, ayun. Sila natutulog, ako nagwawalis.

Q: Nakaramdam ka ba ng diskriminasyon?

A: Ah, kuwan yun, matingkad yung diskriminasyon na yun dahil sa yung pinsan kong doktor, actually, hindi ko naman pinsan yun. Kung tutuusin mo eh, kasi iba yung pamilya niya. Pero lumaki na kami, pinsan-pinsan. Ang diskriminasyon, maliwanag yun sa mga pananamit, sa pambili ng gamit, at saka yung bang habang kumakain ka, lagi kang napapagalitan ng tiyo ko kasi yung tiyo ko, yung lahat ng inaasam-asam niya sa kanyang mga anak, eh yun ang hinahanap-hanap niyang mangyari sa akin. Ginusto niya ako’y maging abogado, ginusto niya ako’y makatapos, kailangan eh ako eh talagang yung lumalaki ka sa hirap ano, hindi pwede, kasi ang mga, ang tatay ko tsaka tiyuhin ko eh, ah, yun, medyo hirap yung mga pamilya ng tatay ko (CLL: Okay). So, yung pag-aaral, kaya ako, nagdaan pa nga ako, magaling ako makinilya, Cheche, ha, kasi ang pangarap earlier ng tiyo ko, maging clerk of court ako, magtrabaho ako sa husgado. So yun ang mga pinagdaanan ko na nakalulungkot kasi nagdaan naman ako sa sarap ng buhay. Sabi ko nga sayo, naliligo ako ng may alcohol ang tubig, may pulbos pagkaligo, pero wala na yun nung mamatay ang nanay ko (CLL: Nawala) tsaka nang masunog ang bahay namin. Nawalang lahat yun, yun lang.

Q: Hindi ba nakaapekto sa’yo yung naka–well, nakatikim ka ng ginhawa nung buhay ang nanay mo, biglang nawala, tapos nakatikim ka pa ng diskriminasyon. Ano’ng naging epekto nun sa pagkatao mo?

A: Alam mo, hindi ko itatanggi sa’yo ha, may mga pagkakataon, umiiyak ako, eh, ha? Pero sinasabi ko, hindi bale, pansamantala lang ito eh. Aasenso rin ako.

Q: Mas naging matindi, mas matindi?

A: Oo, at sabi ko, aasenso rin ako. Yung pagkuha ko lang ng pagkaabogado, palaging sinasabi, marami nang abogado eh. Ah, yung katre ko nilagyan ko dun, “There’s always room at the top.”

Q: Talaga? Ginawa mong motto yun.

A: Ah, oo. Kaya naman nung naging abogado ako, hindi naman ako yung kahina (CLL Overlaps)

Q: Ginusto mo ba yun dahil sa yun ang ambisyon ng tiyo mo para sa’yo?

A: Ay, hindi. Ah, alam mo, nung una, gusto ko sanang mag-engineering kasi sa kagustuhan ko lang magkaroon ako ng hanapbuhay, makaalis na ko dun sa hirap ko, sabi ko, pagkatapos sa isang kurso, halimbawa, chemical engineering, after a year or two, pwede kang mag-mechanical engineering, civil engineering, pero hindi ko linya talaga yung numbers eh, yung mga problem-solving ba? Magaling ako pagkanandun na yung numbers, pero yung problem solving, mahina ako dun. So, napunta na ko sa pagkaabogado, impluwensya na ito ng tiyo ko kasi my uncle was a lawyer.

Q: Lawyer siya?

A: Lawyer siya.

Q: Okay. Pagkatapos nun, kailan ka nakaahon? Pumunta ka sa public school, di ba?

A: Sa Philippine Normal College training department ako eh, grade school, tapos nag-aral ako sa, nag-graduate ako ng UP Preparatory High School, dun ako nakaunahan si Del, Junior ko yun. Secretary Lazaro.
Q: Ang UP Prep, kilala sa pagpili talaga ng mga piling-piling mga utak ano? Inambisyon mo ba yun o talaga bang pinuntirya mo makapasok ka dun?

A: Hindi, ang tatay ko ang nagpasok sakin dun eh.

Q: Ang tatay mo.

A: Oo, basta’t ang nakita ko, dun ako sa UP Prep mag-aaral at kasi that was an experimental school.

Q: Yes.

A: Experimental in the sense na, yung mga bagong mga subjects, dun muna inaano samin. I think we were the first na, nakapag-experience kami ng semestral vacation. High school palang, may semestral vacation na kami. And then, we go to different provinces, presented as students of UP Prep, et cetera, et cetera. Ang subject namin, malayo dun sa normal subjects. For one, in addition to biology, meron kaming zoology. And I know, I think, we were the first to have a class in chemistry. Meron pa kaming trigonometry.

Q: In high school.

A: In high school. Ah, meron kaming isang course na, kasi tiyak na tiyak na kami ay magkacollege, yung meron kaming subject ng arts appreciation. Ang teacher pa namin ay yung nanay ni Senator Kiko Pangilinan. (CLL: Ah, yes) Si Emma Pangilinan. So, yun ang teacher namin. Yun, kahit na ano’ng gusto mo, ako ang trabaho ko nun eh nagkukwerta ng paintings-paintings. Meron kaming isang kaeskwela na umasenso, na national awardee yun eh. Si Ildefonso Marcelo. Ang galing talaga nun sa sculpture. So, yung ang isang magandang subject.

Q: Tapos, pagkatapos nun, nakapasok ka sa UP?

A: Pagkatapos ng UP Prep, nagpunta na kami sa UP Diliman at hindi na kami nag-entrance exams dun eh (CLL: Wow, talaga namang–) eh kasi UP Prep (CLL: Sobra namang VIP kayo). Oo. Kaya lang–

Q: Alam mo ba, nung panahon na yun nung pumasok sa UP Prep na espesyal ka?
A: Ah, alam ko dahil sa pagdating nga ng semestral vacation, pinipresenta kami sa mga ibang public schools eh. “These are the cream of the crop,” et cetera, et cetera.

Q: So ano’ng nararamdaman mo nun?

A: Aba, it’s very challenging at nakatutuwa naman dahil sa every time na masabi, “San ka ba graduate?” “Ah, ako ho,” sabi ko, ay, “Sa isang building ng UP.” Eh, sa’kin na nanggaling, why not, UP Prep High School, tapos AB Political Science ako. Tapos meron pa akong L.LB. Kumuha pa ng Masters sa Public Administration. Kumuha ako ng Urban Planning. Meron pa akong environment and natural resources. Ang dami kong courses sa UP.

Q: O, eh di dalawang poste na yun.

A: Marami na yun (laughs).

Q: Baka meron ka ng building dun.

A: Pero, all levity aside, if there’s anything that I always would like to say, yung nakuha ko naman sa gobyerno, I was able to go to school almost every year, it gave me an opportunity to take three military courses. I graduated from the National Defense College, then meron kaming GSCSC, meron kaming GISCSC. Three courses yun. It gave me an opportunity to go to Bali and attend a course AIM. Tapos I even went to CRC, ngayon eh, University of Asia and Pacific. I even went to Harvard, I took up a Senior Executive Fellow Course, all through the courtesy of my office.

Q: Of your–

A: Office.

Binay w CLL.jpg

Q: Okay. Yung pagkapasok mo sa UP, ‘no? Alam natin yung mga pumapasok sa UP, mga rebelde (JB laughs), mga kakaibang mag-isip, ano’ng nagawang impact nung pagpasok mo sa UP?

A: Ah, kasagsagan yun ng, AB palang ako nun, inabot kami nung “Hey, hey LBJ.” Inabutan ko yung mga panahon nila Joma Sison, ito si Jose David Lapus kaeskwela ko pa ito. Dun na nag-uumpisa yun, sila Pesorio Topascual, umpisa palang yun.

Q: First quarter storm din?

A: First quarter storm, miyembro ako ng first quarter storm. Nung mga nahagisan ng ataul si President Marcos sa Congress, nandun ako sa tabi nung ataul na yun. Nung pinasok yung Malacanang, kasama ako sa pumasok sa Malacanang noon eh.

Q: So, nun palang, meron ka nang rebellious streak?

A: Ah, hindi naman rebellious, pero, well, naeexpose ka sa, yung mga realities ba. Panahon pa yun nung mga Reynato Constantino, mga series, di ba? Miseducation of the Filipinos, et cetera. Tsaka nun, libre lang yung libro sa mga Arts and Sciences, nun. Yung mga libro ni Apolinario Mabini, kasi inabot ko si Dean Majul nun eh.

Q: Yes, Dean Majul. Naging defining mome–uh, defining experience ba yung pagaral mo sa UP?

A: Oo naman. Dun na nag-umpisa. Unang-una, yung pagkamakabayan ko siguro, ‘no? Talagang lagi kong sinasabi, mahal na mahal ko ang Pilipinas kasi yung mga teacher namin nun, talagang kung anu-anong pinababasa sayo. Political Science major pa naman ako, ang dami-daming assignments sa University Library. Punta ka sa Archives dun, dun mo nababasa na ganito pala yung ginawa ng America sa atin, si Col. Smith, et cetera, wow! Ganito pala ang kasaysayan ng Pilipinas.

Q: So naging, you became more Filipino. Did you become anti-American?
A: Ah, hindi naman, siguro eh, nabubukas lang ang kaisipan mo na hindi tama ang relasyon ng America at saka ng Pilipinas, no? Na medyo lugi tayo sa relasyon, yung mga imperialism, and what have you.

Q: Pasismo–

A: Naging–pasismo, pyudalismo, o yung mga (CLL: Mga –ismo) tamang-tama lumabas yung libro ni Joma nun eh.

Q: Yeah. Okay. Pagkatapos nun, gumrad–bakit ka, well, maliban sa yun yung gusto ng tiyo mo na pumasok ka sa law, ba’t mo nagustuhan ang law?

A: Alam mo, nung matapos ako ng AB, nakapagtrabaho na ko. Nag-iba na yung buhay ko nun.

Q: Bakit?
A: Nag-iba in the sense na may hanapbuhay na ko, hindi na ko namamalengke, pagdating ko sa buhay, nakaposketero na yung katre ko.

Q: (overlaps) Pero dun ka pa rin sa tiyo mo nakatira?

A: Dun pa rin sa tiyo, hanggang sa makasal ako kay Dra. Binay, tumira pa kami for a time (CLL overlaps: Sa tiyo mo) after our marriage sa bahay ng tiyo ko.

Q: Pero hindi ka na–

A: Ay, hindi na ako– (CLL overlaps: Nagwawalis) katulong nun.

Q: Pano ka umasenso?
A: Eh kasi nagtatrabaho na nga ko. I worked sa Insular Life, ‘no?

Q: As a what?

A: And for a time–Claims Clerk for four years.

Q: Habang nag-aaral ka?

A: Habang nag-aaral ako sa UP College of Law.

Q: Bakit, ba’t ka nagtrabaho?

A: Ah, eh, unang-una nag-apply ako ng trabaho, sabi ko, “Panahon nang magkatrabaho.” Merong kumuha ng bar exams na pinalitan ko, eh buti marunong akong mag-type so nakapasa naman ako dun. So, I worked there initially for three months, for all the time na kumuha ng eksamin yung pinalitan ko. Three months to six months. Nagbakasyon ako ng mga tatlong linggo, tinawagan ako ng Claims department, “O, may bakante na rito, baka gusto mo nang bumalik para maging permanent ka na.” So, naging permanent ako. So, I worked with Insular Life from ‘63 to ‘67.

Q: Habang nag-aaral ka?

A: Habang nag-aaral ako. Alam mo, Cheche, yung pag-aaral ko, for four years, ha? Monday to Friday, gigising ako ng alas-kwatro ng umaga. Mag-aaral ako hanggang alas-sais ng umaga. Tapos magsisimba ako ng (CLL overlaps: Magsisimba?) Oo, simbahan ng alas-sais. Alas-siete, punta na ako sa opisina. Ah, ang opisina namin starts at 7:30, okay? Pagdating ko sa opisina, yung mga dapat kong memorize-in, eh pinapa-photostop ko, photostop pa yun eh, para naisisingit ko dun sa mga folder kong tinatrabaho. Ang isa kong trabaho kasi nun, magpapirma. Tuwang-tuwa ako ‘pag nagpapapirma ako.

Q: Bakit?

A: Eh kasi habang naghihintay ako ng elevator at magpapirma, memorya ako ng memorya.

Q: Ng law?

A: Ng law. Dun ko naging propesor, yan si Professor Estelito Mendoza. Wow, word-for-word yun, pati footnotes, kailangan memoryahin mo yun (CLL whistles). So–
Q: Nahasa ka?

A: For four years, kailan matulog–see, I wake up at four o’clock, four o’clock talaga gising ako. Four o’clock, nagtatrabaho ako. Mabuti nalang pagdating ng mga quarter to twelve, ume-escape na ko nun, pupunta ko sa canteen, kumakain ako dun sa kitchen para–
Q: Bakit dun?

A: Eh, kasi, pagdating ng alas-dose, eh lunchtime eh, noonbreak. Sinasabayan ko ng tulog yun. “Sige, sige, nakakain na ‘ko eh.” Noonbreak. Pagdating ng alas-kwatro, nag-aano na ko, minsan nagpupunta pa ako sa kubeta para mag-aral ako dun. Pagdating ng eksakto four-thirty, buti nalang four-thirty. Kaya at that time, yung evening class dito sa Padre Faura eh. So, aabot ako sa klase ko ng 5:30. Five-thirty to eight-thirty, nasa klase ka, Monday to Friday yun. So, mag-iintay ako ng bus, minsan, naiiwan ako ng bus dahil sa kailangan mag-bus ako nun eh. Eksakto lang yung mga pera ko nun eh. Minsan, paggising ko, nasa Baclaran na nga ako eh. (laughs)

Q: Sumobra?

A: Sumobra. So, pero eksaktong alas-diyes, ke busog, ke gutom, kailangan humiga ako. Kasi gigising ako ng alas-kwatro eh. Pagkanapalampas yun, wala na, mahihirapan na akong gumising eh. Tsaka sa College of Law, meron kaming sinasabing kailangan at the least, second reading. Hindi pwedeng isang basahan lang. Kailangan second reading. On the third reading, nagmememorya ka na. Four years yun, Cheche. Pagdating ng Biyernes, eh nagpapaka-teenager ka, inuman, nasa brown derby, brown derby pa nun eh.

Q: Si Judy (inaudible).

A: Oo. So, a tsaka, sino ba ‘to, yung babaeng ang ganda ng boses, yung habang nag-aaral ako, nagmememorya ako nun eh. Si Jo San Diego, remember?
Q: Ah, midnight?

A: Midnight.

Q: Midnight with Jo San Diego.
A: So yung mga tiyo ko, tiya ko, hindi makapaniwala na nakikinig ka ng radyo, nag-aaral ka.

Q: O, ako rin. Pa’no mo ginawa yun?

A: Pero, yung mga, well, eh, at least (CLL: Nasanay ka na?) nasanay ka na.

Q: Nadisiplina ka na?

A: So, pagdating ng Biyernes, gu-good time, inuman, tapos–

Q: Nameet mo na si Doktora nun?

A: Ah, hindi. Niligawan ako kaagad ni Doktora nung ako ay maging abogado, nung makita (CLL overlaps: Matanong nga si Doktora kung sino bang nanligaw) laughs)

Q: She disagrees! She does not agree!

A: So, Sabado, walang trabaho, kaya naman ako nakakapagbarka-barkada kasi walang trabaho. Pagdating ng–

Q: Dun sa klase niyo, ikaw lang ang nagtatrabaho?
A: Siguro, mga tatlo lang kami. Alam mo ba, ang sabi ko nun, pagka-ako eh gumanda ang buhay, magtatayo ako ng foundation at paiimbestigahan ko lahat yung mga nag-aaral sa evening na class, kasi yung mga ibang ka-scholar ko, by name lang tapos yung time ko talaga, from 7:30 to 4:30, private pa yun, so hindi ka pwedeng maglalakwatsa nun. So, sabi ko, ang daya naman nito, yung mga kaeskwela ko, tanghali palang nag-aaral na sa library. Ako naman sa madaling araw kung mag-aral. Nung ngang Sabado, sapagkat walang trabaho, pwede naman akong mag-aral pagdating ng ala-una. So, nag-aaral ako hanggang–mula ala-una hanggang alas-kwatro. Four years yun.

Q: Hindi ka napagod?

A: Ah, hindi, mag-eenjoy ka naman eh kasi laging sinasabi, basta’t ako’y magiging abogado. Kasama na yun dito. Aaminin ko sayo, bata pa ako, talagang alam kong mamumulitika ako pagtanda ko. (CLL: Ganun?) At nangarap akong talaga, bata pa ako, na maging presidente ako ng Pilipinas.

Q: Yun yung childhood ambition mo?

A: Yan ang childhood ambition ko.

Q: Okay. Pero nung, I mean, nagtrabaho ka para makakuha ka ng pera, para ma–hindi ka na magwawalis dun, ano, pero nung naggraduate ka, sumali ka sa FLAG, sumali ka sa MABINI.

A: Ah, tama yun.
Q: Na walang bayad at walang pera. Bakit mo ginawa yun?
A: Ah, eh kasi, kasama na yun dun sa natutuhan mong patriotism, tumulong sa mahirap, basta’t nung nag-rally-rally na, naromanticize ka na, nakita mo yung hirap sa mga lalawigan. May disparity between the rich and the poor na kung bakit may mahirap at bakit may sobrang yaman. Pinahihirapan ka ng mga mayayamang bansa, yun, agricultural, mga–eh natututunan mo rin naman sa classroom na nako-complement ng nakikita mo sa labas. So, pagka-graduate ko, nakapagturo ako sa, nakapagturo ako sa Women’s. Nagturo ako sa PCC. Ah, dun sa PCC (CLL overlaps)

Q: Ano’ng tinuro mo?

A: Law at saka Public Administration. (CLL: Okay) So lalong tumingkad sa PCC kasi mga rally-rally eh. Meron kaming grupo ng mga abogado dun, yung Lupon ng mga Manananggol ng Bansa, LUMABAN kung tawagin. Pero yung FLAG, kami nila Ka Pepe yun. Kaya nung (CLL: Diokno?) oo, naging tagabuhat kami ng portfolio nun eh. Si President Cory, nagsisilbi lang samin ng kape-kape yun pagkakatapos ng mga vista, ‘no? (CLL: Meeting) Yung meeting, naglo-lawyers’ meeting dun sa bahay nila sa Dasmarinas. Yung mga–

Q: Sino yung mga naging idol mo sa larangan ng law?

A: Ah, si Ka Pepe, magaling, talagang nag-aaral eh. Si, ang swerte ko nga, kasabay ko sila Senator Tanada eh, eh mga junior lawyers kami. Minsan, may pagkakataon ako to be involved in the trial, so yung, ano ba itong kay Jo Burgos, yung dyaryo ni Jo Burgos?

Q: Ah, We Forum.
A: We Forum. Nung ni-raid yun, kami tumakbo dun eh, nadun pa si Abadilla nun eh. Naku, nung lumabas kami dahil sa nag-iimbentaryo ng mga kinukuha dun sa opisina nila eh. Paglabas namin, talagang binabayo-bayo ng MISG yun. Pagkalabas mo, nandun si Abadilla, galit na galit (CLL: Sa inyo) Oo, galit na galit sa amin yun eh. So, sabi niya, “May oras din kayo.” Eh, “May araw ka rin.”

Q: Kayo? So, para sayo, Jo–ah, Mayor, nung time na yun, nung nagpa-FLAG at MABINI ka, ano yung pinakamatingkad na naaalala mo tungkol sa pagdepensa niyo dun sa mahihirap? O dun sa mga taong–
A: Ah, banggitin ko nalang muna sayo yung mga rally eh, so uma-attend kami. May 1st yun, diba? Sinalubong kami (CLL: Mayo Uno?) ng mga dun sa sunken garden sa may golf course, mga helicopter, namamaril yung dun sa ibaba (makes gunshot sounds) pagkatapos nun, pauwi na kami, kami nila Mary (?) Nicolas, sinalubong kami ng mga bus ng mga pulis, naku, tumatakbo ka, parang naninigas ang paa mo, para yatang hindi ka tumatakbo eh. Nakapunta kami sa Manila Bulletin building, ayaw pa kami papasukin nung security guard, tinulak ko nalang, talagang ano na ako, eh. Dun ko nakita yung dalawa o tatlong estudyante, yung sila Santo Brigida (?), naalala mo yung pinalu-palo yun, nangamatay yun eh. So, yung mga dangers that you encounter pagkatapos ng rally, pupunta ako sa prisinto, tinutulungan yung mga nahuli. Pupunta ka sa mga bahay ng piskal para baka pwedeng palabasin. Pupunta ka sa punerarya para puntahan yung mga namatay. Yung isa dun, tandang-tanda ko nun, maliit lang yung babaeng yun pero ano’ng tapang nun, ha? Siya yung leader ng union sa Caloocan. Eh napatay yun. Pinuntahan namin sa punerarya ano. So, masaya na mahirap, dahil sa (CLL overlaps)

Q: Tumindi ang paninindigan mo?

A: Oo naman dahil sa kitang-kita mo naman yung kahirapang dinadanas. Naniniwala ka talaga na kawawa ang mahirap.

Q: Pero yung landas mo talaga, talagang tinuon mo dun sa pulitika?

A: Ah, alam ko mapupunta ako sa gobyerno, maglilingkod sa pamahalaan.
Q: Pano ka napunta naman, okay. Dito naman sa City of Makati, pano mo unang  pinasok ang pulitika? Sa Makati ka ba unang pumasok sa pulitika?

A: Ah, pagka-graduate ko, ‘no? Pero yun bang pagka-Mayor ko, ay istoryang malaki ‘to siguro, it will take you five to ten minutes (CLL: Yeah, go ahead) kasi at that time, yung pinsan kong, sabi ko mga younger to me (sic), mga three to four years, pulis yun eh. Natutulog na eh, may nasumbong na yung pamangkin niyang buo, yung anak ng kapatid niya, nagwawala. High sa drugs, hindi pa siya nakakalapit, sinumpak siya eh. Sa madaling salita, namatay ‘to. Ako, kaya ako galit dyan sa drugs eh. Meron pa akong isang pamangkin, nasira ang ulo dyan eh dahil sa drugs. Kaya isang policy ko nung mag-mayor ako, walang aregluhan dyan sa drugs eh. So, anyway, wake, yung isang pinsan naming doktor eh nagpunta na sa America yun eh. Umuwi because dun sa pagkapatay. Yung isang pinsan ko, siga-siga yun eh. Sabi, “Mag-goodtime muna tayo.” ‘Di, magu-good time. Eh nung sinabi, walang pupuntahan eh sabi ko, “Sige, pupunta nalang ako sa EDSA.” Eh kaalis-alis lang ni President Marcos nun eh. Sabi ko, yung kahirapan kong dinaanan dun, maski madaling araw, tinatawagan ka kasi nagkakagulo, nilulusob ng pulis, naghahagis ng mga teargas. Eh di kahit na papano, dumadating ka dun. Nung umalis siya, gusto ko naman makita. Nang makapunta na ko dun, eh alam ko naman kung nasaan si Pangulong Cory eh, kasi nung si President Cory eh nasa Cebu, kami naman ni Noynoy, kaya si Noynoy kahit na papano may pinagsamahan kami niyan eh. Nagpapasalamat kami sa Makati. Eh nagkakagulo na, narinig ko sa radyo, eh si Noynoy hindi ko pa naman masyadong kabatakan. Kung kabatakan ko yun, unang-una kami nakaabot dun sa Crame eh. Eh kaya lang, nangingilag ako at anak ni Cory. Pero sinabi ni, eh di pinatawag siya ni Cory sa Cebu, sabi sa kanya, “Eh kunin mo yung mga kapatid mo.” So, ako, si Budet, si John (?) Conrado, si Noynoy, nagpunta kami dun sa Times. Dinala namin yan sila Pinky, sila Ballsy. Dinala namin sa Wack-Wack, bahay yun ng kapatid ni Cory eh. So nung nawala na si President Marcos, nagpunta ako dun sa bahay ni President Cory which I usually didn’t, nung kasagsagan ng EDSA. Eto na ang storya ng destiny ko.

Q: Ng?

A: Ng destiny ng pagiging mayor ko. (CLL: Okay) Kasi there was a time, nung nagkakampanya si President Cory, nandun kami sa Calatagan, dun sa bahay nila Ayala, “O, Jojo, pagka tayo nanalo, ano’ng gusto mo?” Sabi ko, “Ma’am, eh siga-siga po yung si Mayor Yabut eh. Dun nalang ho ako sa social welfare o kaya sa education. Gawin mo nalang akong undersecretary dun, whatever.” End of the story. Eh nung nagpunta ako sa bahay nila President Cory, she was in conference with somebody kasi sa kwarto, katabi ko yan, si Nene. He was on my right.

Q: Nene Pimentel?

A: Nene Pimentel. Sabi niya, “Eto na yun.” Yung Visayan accent niya, sabi niya, “Jojo, mag-mayor ka na ng Makati.” “Ha?” Sabi ko naman. Sabi niya, “Ako na magiging minister of local government. The following day, you’ll come to know if you read it in the papers, you’ll see me on TV na nag-oath ako. The following day, pumunta ka dun at iaappoint kita.” ‘Di sabi ko, “Salamat naman.”

Q: Nagulat ka?

A: ‘Ba’y nagulat ako. Biro mo, hindi ko naman sukat akalain. Umiiwas nga ako dito sa Makati eh.

Q: Bakit?

A: Eh siga-siga nga, yung aids ni Mayor Yabut (CLL: Yabut), eh namatay pa si Mayor Yabut nun. Namatay si Mayor Yabut, mga 27, 27 ba o 26. Anyway, so, umuwi na ‘ko. Magti-three o’clock. Naku, nagdaan muna ako sa Ayala. Tiningnan ko yung Insular Life. “Wow, clerk ka dyan, four years! Ngayon, Mayor na ‘ko nitong Makati!” Tiningnan ko. Did you ever experience ano’ng ganda ng Ayala Avenue sa madaling araw? It’s just like Roxas Boulevard. Kasi I used to run there. Pagkamadaling araw, ang ganda-ganda. Yan, Ayala, ang ganda-ganda kasi dun sa pagdating mo sa may Buendia building, sabi ko, “Wow, para akong New York, Mayor na ako ng lahat nitong building na ito!” Nung dumating ako sa bahay, ginising ko si Ellen. Sabi ko, “Ling, ling, gumising ka! Mayor na ‘ko!” Alam mo ang sinagot sa akin nito, “Oy, matulog ka na, alas-tres na ng umaga.” “Oy, wag mong sinisigawan si Mayor, excuse me.” (laughs) Pumunta ako sa CR. Ginanyan-ganyan ko yung mukha ko. Parang nananaginip ako eh. So, nakita ko si (CLL: Nene) Senator Pimentel. Sumumpa ng 27. So as per agreement, on the 28th, nandun na ko sa opisina niya. Wala pa siya, eh wala pa siya, tinype ko na yung appointment ko, marunong akong magmakinilya eh. Pagdating niya, “Ne, I hope you don’t mind, tinype ko na,” kako, yung–kasi kasama kami sa PDP-Laban, hanggang ngayon naman, kami lang yung PDP-Laban eh.

Q: Kayo nalang yung natitira?

A: Kami lang ang natitira–pero dumadami na naman kami ulit. So, pagdating niya, binigay ko na, “Ne, I hope you don’t mind, ginawa ko na yung appointment ko.” Two paragraphs yan, inabot yata ng mga kinse minutos, hindi niya malaman, eh magkasama kami sa saya, magkasama kami sa mga trial-trial eh. “Tsk, tsk,” sabi niya. “Okay na ito, pero–” Uy, may pero pa, sabi niya, “Tawagan natin si Johnny Wilson.” Kasi si Johnny Wilson was the Vice Mayor eh. Eh namatay na nga si Mayor Yabut, tinawagan niya, sabi ko, “Pwede ba pakinggan ko yung extension?” Sabi niya, “O sige, pakinggan mo.” “O, Johnny!” “Yes sir!” Yes, sir na, eh secretary na yun eh. “O, pwede bang pumasyal ka lang dito sa opisina ko para makapag-usap tayo, at pag-usapan nating itong sa Makati.” “Yes, sir!” Eh di binaba ko yung extension. Sabi ni Nene, “O, Jojo, bumalik ka ng alas-onse.” Tiningnan ko relos ko, alas-nueve palang. Two hours akong maghihintay. San kaya ako pupunta, eh kung masagasaan ako, di pa ko naging mayor (laughs). So, ginawa ko, akyat-akyat-baba dun sa building, pagdating ng eleven o’clock, nandun na yung appointment ko. And that made me the first appointee as a local government official. That’s why I usually say, “Ngayon po, mga kababayan, eh ako ho ang pinaka-senior, starting from the governors down to the baranggay officials.”

Q: Ikaw ang first appointee?

A: As a first appointee. Kaya pa nga minsan, yung, sometimes, may iba dyan, magtatanong sakin, “Mayor, pang-ilang term mo na ito?” Sabi ko, “Pang-third term.” Sasabihin naman niya sakin, “Pareho pala tayo.” “Hindi, hindi tayo pareho, kasi ikaw, third term in the first batch. Ako, third term sa second batch. Sa madaling salita, pang-anim na term ko na ito.” So more than twenty years na ako.

Q: Ikaw ba ang longest–

A: I think so.

Q: Serving mayor? Ano, 19 years, 20 years?

A: 20 years ’cause I started–

Q: Thirty?

A: 20.

Q: 20

A: Because I started in ‘86. There was of course, a gap, from ‘98 to ‘01, because under our constitution, ah pagdating (CLL overlaps: Hindi ka pwedeng magserve) ng third term, eh magpapahinga ka muna at dun na nag-umpisa yung mga asawa, mga ano, ang nagiging kapalit pero binoboto naman yun sa malinis at marangal na halalan. Kaya wala naman akong, alam kong ikaw ay malaking kontra mo dyan, pero lagi kong sinasabi, Salus populi–gusto naman ng tao. Ang masama yung nanakot or yung namimilit. (CLL: Okay) May qualification naman yun.
Q: Pero sinasabi ng mga tao na dinastiya? Binay dinastiya ang nangyayari.

A: Eh bakit naman ho, hindi naman nagagalit ang mga tao eh dahil sa yung aming performance eh hindi naman ho matatawaran yung paglilingkod namin (CLL: Oo nga, sabi nga) at you know, probably in the first term, eh yung pagiging anak ko o asawa eh may impluwensya yun kasi tinitingnan yung performance nung asawa o nung magulang. Pero pagkapangalawang term na, you’ll be on your own. May nagawa ka ba? Kaakit-akit ba yung performance mo? So you’ll be on your own.

Q: Well, lahat nga, including Winnie Monsod, ‘no, who once said, grudgingly said na magaling, marami kang nagawa sa Makati. Ano yung nakikitang pinakamalaki kong kontribusyon sa Makati?
A: Ah, kung titingnan natin sa kung, if we have to quantify it ‘no, ang isa pang napakalaking kontribusyon, eh, napunta ka naman siguro sa may papuntang Taguig, ano? Yung area kung tawagin eh, “enlisted men’s barrio” kung tawagin yun, Pembo, Asembo, West Rembo. Yung buong area’ng yun, nainasam-asam ng mga nakatira dun, they have been in possession for several years, sinuportahan ako ni Pangulong Cory. Binenta namin yun sa mga in possession, thirty pesos per square meter. Now it’s selling mga 20-30 thousand per square meter yun, ha? Isa yun. Pangalawa, sa hanay ng edukasyon. Alam po yun ng mga kababayan. Eh kung hindi ho kami ang pinakamagaling sa serbisyo sa edukasyon, eh isa na ho kami sa pinakamagaling. Bakit? One is to one ang textbook namin. One is to one ang aming workbook. One is to one ang computer namin. Yung mga eskwelahan namin eh pwede mong itabi dun sa mga private schools, ‘no? Kasi talagang konkreto, four and a half incidentally, kaya four and a half yun eh pagkafive floors, na, kailangan maglagay ka ng elevator. Eh siguro si Mayor Binay, eh Attorney, four and a half, so wala pa kaming elevator requirement (CLL laughs). Pero functionally, functionally, five floors yun. Lahat kami, panay four and a half, wala na kaming mga two floors or whatever. Minaximize namin.  Ah, so, yun bang per classroom na pupil, eh mababa kami dun sa national experience. Libre pa kami ng drinking water, ha? Lagi kong sinasabi, “Whoever thought of making us believe na kung gusto mong malinis na maiinom na tubig eh bottled water?” So one time, meron kasi akong isang project dito na kung tawagin namin ay lakbay-aral, so siguro, kung hindi naman ako naging lawyer, hindi ko sana nalaman ang hangganan ng aming mga boundaries. Hindi ko alam yung mga prusisyon dito. Eh ngayon, yung prusisyon sa poblacion, kultura yun eh, maganda talaga. So, yung mga bata namin, meron kaming lakbay-aral, at ang isang pinupuntahan nun, sa City Hall. Ito yung isa kong naging karanasan nung nag-aaral ako, nung abogado palang ako, na by the time, Martial Law na yun eh, matagal-tagal din akong nakulong, ‘no? Nakatikim ako ng maraming kulong nung Martial Law eh. So napupuntahan lang namin, socialist countries. Ah, yung mga socialist countries, iba talaga yung mga bata. Yung patriotism umiiral, bata pa, pinapapunta sa museum, historical places, buhay sa kasaysayan. So, ako, isa kong ginawa, yun nga, so meron silang pagkakataon na makita si Mayor. Sa isang dialogue, naitanong ko, “Magkano ba ang baon ninyo, mga anak?” Sabi, “Sampung piso po, Mayor.” “Wow, nung panahon namin, diyes sentimos lang, meron ka nang salsaparilla, may monay ka na, may mamon ka na, may hopiang hapon ka pa,” diba? So, sabi niya, “Nung panahon niyo yan, Mayor. Kami naman po, yung sampung piso, eh bottled water lang yan.” So then and there I decided, lahat ng eskwelahan namin, meron kaming purified water. Meron kaming equipment. So libreng tubig for more than fifty thousand pupils. I think, wala pang nakagaya nun. At, kasama na sa benepisyo yung mga teacher. Kasi yung mga teacher, pag papasok, yun nga yung biro ko, wag silang magagalit, biru-biro naman, sabagay, totoo. Eh pagpasok, may mga container sila, (CLL: May mga dala) pagkatapos ng klase, o, added benefit, libre tubig.

Q: Okay, okay.

A: So, sa larangan ng health. Kami sa Makati, nandun na kami sa category na kung tawagin ng PhilHealth ng Universal Health Insurance. Why? Kasi 85 percent ng aming constituents, merong health insurance. They can go to the provinces, there are a lot of clinics and hospitals that are accredited by PhilHealth. Papasok lang niya yan, at kami ang magbabayad ng premiums ng who cannot afford that. And that costs us mga as high as 85 million pesos yun. So, meron kaming dalawang ospital. I think kami lang ang merong emergency hospital. Alam n’yo ba yun, mga kababayan, meron akong bagong departamento sa medicine, yung Emergency Department Doctors or yung ospital namin, pang-emergency lang yung isa. After three to five days of confinement, dadalhin ka na dun sa principal hospital. At yung principal hospital namin, ah yun will cater to the needs of the patient. Pero dito sa acute care center, kung tawagin namin, kung kaya rin lang ng tao, mabubuhay ka dun. Kompletong gamit talaga lahat. Ang health centers namin, panay accredited yan ng PhilHealth. Yung mga bata namin, may mga bakuna, et cetera, et cetera. So, mataas ang rating namin sa health. Naging champion kami sa nutrition. Ayaw na kaming isali dun kasi lagi kaming topnotcher.

Binay solo.jpg

Q: Tsaka you were named one of the world’s best mayors, diba?

A: Yeah. Kasi–
Q: For what? Ano yung–

A: Ah, yung top three kasi eh mga caucasians yun eh.

Q: Yeah, but anong batayan nung best mayor?

A: Ah, may mga pinasagut-sagot lang, tapos humingi ng mga programs, ano yung nagawa mo? As it turned out, pang-apat ako, pero number one ako sa Asia at that time.

Q: Wow, galing. Okay. Dahil sa dami-dami mong inaning mga awards at mga napansin na kakaiba dito sa Makati, marami ka ding inaning mga batikos.

A: Ah. Kasama yun, sabagay, sabi nung mga matatanda, eh alam mo, pagkamaraming bunga ang isang puno, eh binabato. Okay lang, pero maiging sabihin ano, pero masakit yan kasi nasanay ako, ako nagdedepensa. Nung napunta ako dito sa pamahalaan, paligo ako sa kaso. Ang biro ko nga dyan eh, sako-sakong kaso. Sabagay.

Q: Ano? Sako-sakong kaso?

A: Sako-sakong kaso. Ang dami kong nagiging kaso at etong interview ‘to baka buhayin pa yung iba kong kaso dyan. Awa ng Diyos, andun lang yung kaso ko sa Ombudsman pa. O biro mo naman, ang biro po ninyo, mga kababayan. Ito kasi nagtrabaho ako sa private sector, nakita yung talagang you pay for every centavo that is paid to you, ‘no, as part of your salary. So, yung isang–

Q: Magkano pala sweldo mo nun?

A: 460–I was being promoted, ‘no, I was to be promoted as supervisor, but as part of the qualification na requirement, mahirap yung written exams tapos magkakaroon kami kasi meron kami yun bang group kayo, group discussion as part of the exams. Eh before I was allowed to participate in that group discussion. They required me to stop studying. Kaso ang sabi ko, I was second year, ano, sabi ko, “Alam mo, hindi ako tatagal dito kasi mahirap sa akin yun bang wala akong nakakausap. Mabuti nang mabuti yung departamento namin, may mga tenants, may makakausap kang tao. Pero pag andun lang ako sa desk, wala. Tsaka, pagdating ng alas-singko, uuwi na ko sa bahay namin, naku, mahirap na trabaho yun.” Pangatlo, gusto kong maging abogado. At pagka naging abogado ako, kailangan mag-practise ako, which means, pagkapasang-pagkapasa ko, which I did, as soon sa I came to know that I passed the bar, nag-tender na kagad ako ng resignation para makapag-practise. Kasi (CLL: You really wanted law) sa mga professionals, yung mga nagsa-succeed sa profession, unang-una na yung mga anak mayaman. Kahit na walang sweldo, kahit na ano, family foundation. Yun namang iba, eh tumaas ang sweldo nung magpractice sila. Yung pangatlo, mga suicide na katulad ko. Basta umalis nalang ako sa opisina from a 460, ang naging sweldo ko, 200. O, pero, ang sabi sa Batangas, pagkamaiksi ang kumot, marunong kang mamaluktot. (CLL: Korek!) So, magtiyaga ka.

Q: Okay. Balik tayo dun sa mga kontrobersya. Karamihan ng mga nakalista dun sa mga research na ginawa namin is, ang lalaki ng mga kaso against you regarding corruption, including a thousand ghost employees (JB: Six hundred lang yun, ah, 500) ha?

A: 500.

Q: Five hundred lang ba? Bakit 8000 nakalagay dun?

A: Five hundred ghost employees allegedly. Yun yung October incident.

Q: Okay. Yung ano, padding, tapos–

A: Overpricing. O, maraming, eh meron pa akong kaso na there is no law that allows you na, I’m a true believer that the only thing that does not change is change itself. And that in any organization, if that organization won’t innovate, that’s the start of the decay of that organization. So, ang dami-dami kong naging innovations, natutuwa naman ako, yung ibang local governments, ginagaya, yung mga free bags, free uniforms, ang mga pamasko sa mga taga (CLL overlaps)

Q: Sa’n mo kinukuha yung perang pampondo dun?

A: Ay may pera naman kami. Mayaman ang Makati eh.

Q: Sabi nga eh, nung pumasok ka, you were able make it grow by 30 times yung budget, yung income ng Makati.

A: Sobra-sobra, kasi when I came in, ang revenue noon was 270 million and 86. May utang pang 200 million. Every year, I was able to increase that revenue ano. Nakapagcomputerization kami. Alam mo ba, may nahuli pa kaming isang kompanya na hindi nagbabayad ng taxes. 450 million, ha? Because of computerization. So from a 270 million and 86, last year ang aming revenue, 10.6 billion pesos.

Q: So kayo ang pinakamayaman?

A: Ah, in the sense na on a per capita, o kaya kung aalisin mo yung tinatawag na internal revenue allotment, o yung IRA, kasi yung IRA is not considered as revenue eh. Kung kukunin natin yung revenue, pinakamayaman kami, ah yung local revenue. Pero may iba, sa laki ng teritoryo nila, sa laki ng population nila, mataas yung kanilang internal revenue allotment, in that sense, yung total budget, ang deperensya samin, mga 400 million. Pero pagka-inalis mo yun, parepareho kaming magtanggal ng IRA, number one kami sa local revenue. (CLL: So san–) Pero on a per capita, maliit lang ang population namin, maliit pa yung area namin.

Q: Right. Pero ang yaman niyo naman.

A: Marami kaming pera.

Q: Okay. Dun sa mga batikos na nagpayaman ka sa opisina mo, yumaman ka, personally, on a personal basis, you acquired a lot of wealth, ano’ng sagot mo dun?

A: (laughs) Ah, pero suriin muna nila yung kaso, ha? Ang unang-una kong naging kaso nga sapagkat ako’y galing sa private sector, meron akong napuntahan sa United Drugs as part of the in-service training, nagbibigay ng libreng tanghalian at hapunan. Nung maging mayor ako, eh alam ko na magka, may kakayahan kami at ang tingin sa mga taong gobyerno, mga nanghihingi ng pangkape. O, nagbigay ako ng libreng meryenda, ha? O ano’ng charge sa akin? Graft and corruption. Punta ko dun sa COA. Sabi ko, “Ba’t naman ako tsina-charge, Mr. Commissioner, ng graft and corruption? Ano naman ang graft and corruption dito?” Sabi niya, “There is no law that allows it.” Ang sabi ko naman sa kanya, “Mr. Commissioner, there is no law that prohibits it.” O ayun, inihabla ako. “See you in court.” Eh di see you in court. Alam mo ba hanggang ngayon, pending pa yun. There was even a time, during sa panahon ni President Ramos, na talagang pinipilit akong masuspinde, yung karamihan ng kasong yun, dinidismiss lang. May kopya kami nung recommendation ng Ombudsman to dismiss, eh kalaban ka sa pulitika, hindi dinismiss yun. Mga siguro, kung mga thirty cases yun, lahat yun dismissible na eh. Hindi naman dinismiss.

Q: Hindi ka ba nawawalan ng gana pag binabatikos kung hindi totoo at nadedepensahan mo, hindi ka ba nawawalan ng gana sa sistema?

A: Ah, lalo akong lumalaban ako talaga dyan. Mabuti nalang kayo pong mga gustong pumasok sa pulitika sa Pilipinas, maigi sana kung kayo ho ay nag-aaral ng law at maigi pa siguro kung nakakapagpractice kayo. Kanina, Cheche, binanggit mo yung ghost employees. Alam mo ba, yun yung October incident. Ah, 2006. Tsina-charge kami ng ghost employees. 500 yun, 500 or 600. I think, it’s 500. Eh, ito, 500 ghost employees daw. Eto yung nakahabla, labingwalo kami. Si Mayor, si Vice Mayor, lahat ng aking konsehal, okay? Eh, hindi namin alam kung pano samin nakahabla kami dun sa limang daan, hindi naman 500 against 18, ha? So merong tinatawag sa law, yung mga abogado nalalaman ‘to, ang tawag ‘to, Bill of Particulars. You can ask the prosecution, “Ano ba ang kaso ko? Yun bang sasagutin ko, limang daan o iilan, et cetera, et cetera. During the pendancy, para bang clarification yan eh. Ang sabi nga dyan sa mga decision, eh, yung bill of particulars will help the respondent prepare an intelligent answer to the complaint. Aba, eh nakapending pa yung aking bill of particulars, sinususpinde na ‘ko. Ang isang ground pa naman, bago ka masuspend ang isang ground dyan is the evidence of guilt is strong. Kaya ba nung nagkaharapan kami ni Senator (?) Puno, “Mr. Secretary, hindi naman kita sa aabusihin eh, nangyaring abogado ako eh pano mo naman ako sususpindihin, eh may pending pa akong bill of particulars, asan yung the evidence of guilt mo, eh wala pang nagpipresentang ebidensya. Kaya nga lang, sinasabi lang, the issues must be joined, the complaint as well as the answerer on the basis of those kuwan issues, issues have been joint. Pwede mo lang sabihin, the evidence of guilt is strong. Eh hindi pa ako nakakapagfile ng answer ko because I wanted clarification. In fact, at the end of the day, yung 500 or 600 na yun, tatlo lang pala ang sasagutin ko dun.
Q: So itong mga batikos tungkol sa mga kaso na finile ni Brillantes, nung mga ibang mga kalab–I mean, yung mga ibang kumakalaban sayo, bakit nabubuhay yung mga ganun?

A: Eh, alam mo, pulitika por pulitika, ito nga yung isa sa mga sinasabi namin sa pamunuan ni Mrs. Arroyo, eh namimili ang hustisya dito, yun bang mga oposisyon, ‘no? Yung mga sinasabi mo kanina, mga cases ng overpricing, et cetera, et cetera. Natatawa nga ako dyan eh. Kapag ikaw ay maka-administrasyon, ang sasabihin sayo, yung pagkakapirma mo ng voucher is ministerial in nature. Pero kapag ikaw ang opposition, yung pagkakapirma mo yun ay in conspiracy with. O, biro mo naman yun, ha? Makikita mo yung disparity’ng yun. Pano ba naman, Cheche, ang trabaho ko, lalo na yung Makati yan, madalas dyan eh sabay-sabay yung mga purchase requests, mga invoices, vouchers. Eh yan, pinipirmahan mo lang. Nirerequire ka, sinasabi ko na noon pa eh, “Bakit ba kami pipirma pa dyan, eh nandun na hong lahat yan, ha?” Before it goes to you for your signature, nakadaan na yan sa bids and awards, nakadaan na yun kung saan-saan na ang pinagdaanan nun. Eh, kailangan lang pumirma yung head of agency. Eh mabuti na nga lang ngayon, yung mga bids and awards na yun, kahit na hindi ka na pumirma, eh meron ngang mga ibang mayor na nalaman ko, hindi na nga pumipirma ng voucher kaya hindi sila nagkakakaso eh. So–

Q: Sa takot?

A: Oo, eh kasi, hindi sila nahahabla. Sabagay, yang mapahabla ba, isang biro ko dyan, red muds of courage, courage yun ‘no. Hindi sa isa, kung hindi ka nag-innovate, kung hindi ka nagkaroon ng pagbabago, eh hindi ka mahahabla. And that’s the reason why when you’re about to retire, ayaw mo nang magrereinnovate, ayaw mo ng change, kasi mapapahabla ka. Kawawa ka naman ‘pag napahabla ka ‘no?

Q: Okay. Punta naman tayo sa plano mo ngayon ano? Ba’t ka nagdecide tumakbo for VP?

A: Ah, unang-una nagdeklara akong magkakandidato pang presidente (CLL: Yes). Kasi ang tingin ko, eh, sabi nga nung isang kolumnista, “Ang isyu ngayon hindi na globalization. Ang isyu ngayon ay governance.”

Q: Governance.

A: Okay. Itong governance na ito, aba, eh ang ibig sabihin na niyan, karanasan at kakayahan. Ako naman, since 1986 pa. Ang trabaho naman ng Mayor at Governor, halos pareho na rin yang trabaho ng presidente. Obviously, ang kaibahan nun eh yung, yung presidente is, presidente ka ng buong bansa, ‘no? Yung magnitude nun, ‘no? Ako, local government official nga ako, pero ang aking population, night times, 600, 000. Daytime, aabot ng 4 million yan. Ang perang pinamamahalaan ko, billions of pesos. Ang aking empleyado, libu-libo yan.

Q: So, why not president?

A: O, eh, later on, eh dumating si Noynoy naman, ha? Ako naman, Cheche, mga kababayan, kung meron man, pagkatinatanong ako, “Mayor, bakit ba ang tingkad ng benepisyo ng senior citizen?” Kasi ako po, palibhasa lumaki nga ho ako sa tiyo ko, eh hanggang sa ngayon ginagawa ko ang paraan para makapagbayad ako ng utang na loob sa tiyo ko. Kahit na sa–

Q: Kami naman ang nakakabenepisyo dun?

A: Kaya naman ho mga kababayan, meron ho akong scholarship program, nagbukas ho ako ng scholarship programs sa UP, College of Law, sa AS, nagbukas pa ko ng mga scholarship program sa Philippine Normal College, kasi kokonti yung mga teacher, ganun-ganun ba, talagang payback time eh. Tutal yung mga senior citizen naman, nandun na sa pre-departure area yan, so bago mag-boarding, kailangan mapasaya mo naman (CLL laughs) so, eh ngayon yung kandidato (CLL: May ganun), kandidato si Noynoy Aquino. Hindi naman ako magiging ganito, naku, masusumbatan naman ako na hindi ako marunong tumanaw ng utang na loob. Eh yung aking pinagmulan eh dahil kay Pangulong Cory. Isa pa nga–

Q: Pero tumatakbo kang kasama mo si Erap? Bakit naman si Erap?
A: Eh kasi hindi naman ako kinuha ni Noynoy (CLL laughs). So (CLL tries to interrupt) alam mo yun bang, just (inaudible) yung kay, yung sa Aquino family, ha? Isang karangalan yun, mapili kang magparticipate dun sa necrological services. Dalawampung pinili yun ng mga magkakapatid, ‘no, ha? So karangalan rin. O, ganun, eh lahat naman ng coup kasama naman ako. Kaya laging, yun nga ang sinasabi, eh ano, “The mayor is part of the civilian government (CLL tries to interrupt) but he is close to the president.”

Q: Right. But do you want to be vice president when you are practically behaving like a president?

A: Well, but then you make mention of President Erap, ano? O, isa pang dahilan yan kaya naman ako nag-vice president. Si Erap naman, isa sa natutunan ko sa UP, among others, yung hindi ka marunong mang-iwan ng kasama, o yun nga sa mga kasagsagan ng mga rally, ang dami kong tinatakbo para matulungan, et cetera. Hindi ako marunong mang-iwan ng kasama. O, nagdaan ako sa mga gangs-gangs. Mangyari nang mangyari, basta’t magkaibigan tayo. So, Noynoy na, may Erap pa, eh sabi ko, mag-vice president nalang ako, after all–

Q: What kind of a vice president will you be?

A: I will be a vice president, na hoping na I will be given an opportunity by the president to be of help in his administration. Kung sino man siya, kung saan mang partido siya mapunta, batay dun sa karanasan ko at kasi I firmly believe na, mga kababayan, aasenso po itong bansa natin, basta’t mabigyan lamang ho ng tamang decentralization. Magkaroon lang ng more power to the local government for after all, I’m willing to debate with anybody here, when you have a progressive baranggay, it will lead to a progressive city or town. And when the city or town would be progressive, consequently, you will have a progressive province. And when the provinces are progressive, we have a progressive Philippines. And that’s why, we solve the disparity compared to, mga local government sa abroad, yung mga local government sa abroad, nagtatamasa yan from 60 to 70 of the total expenditure. Eh dito, sa aming pag-aaral, 82 percent eh national government ang gumagastos– Public Works, DOTC, Department of Health. Eh, naku, kung sa’n pang probinsya, pero, makikita mo sa probinsya, yung mga provincial hospitals, luma na, tumutulo, pero nalaman, kung talagang ginagawan ng paraan yung mga, yung governor. Eh kasi, yung sabi nilang decentralization na binigay, ospital lang. Lahat ng problema ng ospital kay governor–gamot, equipment, lahat. Eh mahirap nga ito. Kita mo, may mga probinsya na IRA-dependent, Catanduanes for one. I was there two weeks ago. I didn’t expect to find na pati provinces, 98 percent, IRA-dependent which means, yung 98 percent, yung 98 percent na ginagastos niya, pambayad lang yun sa salaries and wages. Two percent nalang for growth and development.

Q: Correct. Sabi mo, sa inyong mga announcements, ang plataporma niyo is anti-corruption, pro-poor, tama ba yun?

A: Aha. Oo. Kasi si Erap eh, di ba, sinasabi niya, pagtulong sa masa, pagtulong sa mahirap. Si Erap, champion sa mahirap. Kapareho din yun ng programa namin yun. Pero po, administratively, malaki ang naitutulong ko, sabi ko nga, dahil sa, alam mo ba Cheche, na ang pinakamayamang baranggay eh tila nandito sa Makati, ‘no? In the sense na ang pinakamayamang baranggay dito, ang budget niyan, two hundred forty million pesos. Ang pangalawa diyan is two hundred million pesos. Ang pinakapobreng baranggay dito sa Makati, mga forty million pesos. Budget na ng isang town yan all over the Philippines. Progresibo ang Makati in that sense.

Q: Okay. Masasabi niyo ba that walang korupsyon dito sa Makati?
A: Ah, dito ho eh meron, magiging hipokrito ka naman ho ano. Pero yung corruption na yan eh nakocontrol mo naman yan eh, ha? Nababantayan mo yan. Paminsan-minsan, nangyayari yan. Yun lang, alam po ninyo mga kababayan, eh, pagka kami ho ay binabatikos sa pamahalaan, pagka may mga empleyadong nabibigyan ng mga napapagserbisyuhan nila ng pera sa katuwaan, eh kinakategorya din ho na graft and corruption yan eh. Eh, ang ugaling Pilipino, sa katuwaan sa serbisyong nagawa mo, nagbibigay ng regalo, nagbibigay ng kung anu-ano. Yan ang tinatawag nilang graft and corruption. Ang magiging graft and corruption dun kapag it is (inaudible), it is demanded before the service is done.

Q: Sa, kasi ang laki nung issue nung corruption dito sa ating bansa, ‘no? Sa inyong pananaw at sa habang, sa haba ng pagserbisyo niyo, will corruption ever be eradicated from this country?

A: It will be minimized, there is no government in the whole world, Cheche, na walang corruption, c’mon, we’re kidding each other, yun lang, meron sinasabing mga controlled corruptions, ha? Sana natama pa ang figures ko, ha? Kasi ang sinasabi nun, pag ang corruption daw is about ten to twelve of the GNP–tolerable corruption yun, ha? Pero pagka ang corruption, tulad ng corruption dito sa administrasyon na ito, na 50 percent, eh, hindi na kuwan yun, hindi na–(CLL overlaps)

Q: Ano para sa inyo ang tole–tolerable level of corruption?

A: Ay, siguro, mga 3-4 percent, hindi naman okay, corruption pa rin yun, ha, condemnable pa rin yun, pero sabi ko nga sayo, tell me, saan, I mean, let’s just be frank with each other, wala po, mga kababayan, I’m not defending it, but I’m just telling it. It does exist, ha, all over the world.

Q: Okay.

A: The only difference would be the magnitude. I’m telling you, sobra-sobra na that it affects the economy, it affects the moral fibers of the people, et cetera. Yun ang masamang korupsyon.

Q: Finally, who’s the man to beat for vice president?

A: Ah, nakakahiya naman yun. Basta I’ll just present myself as one who, mero akong karanasan, meron po akong kakayahan upang maging pangalawang pangulo po. Hopefully, mga kababayan, sana pagdating po ng halalan, uy, dun ko sa may programa ho sa TV, mga kababayan, palagay ko, marami sa inyo ang nanonood, yun bang kay Santino, sabi ni Santino, ah, “Bro, Bro, may bukas pa.” May bukas pa po, mga kababayan. Wag po nating itanggi, wag po nating ikahiya ang pagka-Pilipino po natin. May bukas pa, ha? At basta pagdating ho ng oras, tayo po lamang ay maghalal ng mga kandidatong may karanasan at kakayahan, isa pa, Cheche, ha? Ako, pinipresenta ko kasi executive department ako eh. Diba sabi sa private sector, a square peg for a square hole. Kung ano’ng kakayanan mo, kung ano’ng karanasan mo, eh as part of the legislative department, eh doon ka, ha? Kaya kung pupunta ka sa executive department, o sabi sa academe, kung pupunta ka sa executive department ng wala ka namang karanasan, eh di mag-o-OJT ka pa. Eh, we cannot afford to have OJTs in the executive department, especially, is this on-the-job training? Kami, ako, lalo na. Dalawampung taon ako sa executive department, panahon ng krisis, hindi ako tumatakbo dyan. Hinarap ko ang lahat ng problema sa Makati.
Q: So, kung maging bise-presidente ka, ano’ng posisyon sa kabinete ang iyong gustong pamunuan?

A: Ang hihingin ko po sa aking magiging pangulo, eh yun hong DILG, gawin mo akong secretary ng DILG kasi, ang akin ngang paniwala, eh yung magiging progresibo po ang bansa kung talagang magiging makatotohanan po ang decentralization.

Q: Okay. Kung ma-disqualify si Erap, ano’ng gagawin mo?

A: Ba’y ipagpapatuloy ko po yun at (CLL: Ipagpapatuloy mo?) magkakandidato pa rin ako, sapagkat ako ho ay naniniwala na yung mga kasamahan ko, mga local government officials, eh tutulungan ako, susuportahan ako sapagkat iisa ho ang aming paniwala, progresibong bansa dahil sa progresibo ang local government.

Q: Okay. Yung ads na nakikita namin sa inyo ‘no?

A: (Laughs)

Q: Yung kasabihan na “Ganito kami sa Makati, sana sa buong bansa,” kaya bang gawin yan sa buong bansa?

A: Kaya po yan. Minsan, ano, dinivide namin yung aming income by population. Ano’ng lumabas, seventeen thousand. Dinivide namin yung income ng Pilipinas by its population, ang lumabas din po, seventeen thousand. So, theoretical yun, it’s, hindi naman talagang eksaktong-eksakto yun eh. But you see, yung magagawa pala eh. Tig-se-seventeen thousand. Ang kaibahan ngayon, may armed forces, merong foreign affairs yan, basta’t kunin mo lang yung seventeen thousand, magagawa po yan. Tsaka, alam po ninyo, nung nagsabi akong ako ho eh naghayag ng pagkagustong maging pangulo, yung mga tinatanong sakin, “Ano’ng gagawin mo pagkaikaw ay magiging pangulo,” o ngayon, “Ano’ng gagawin mo pagkaikaw ay magiging pangalawang pangulo?” Yan din po ang mga tinatanong sa akin, yun din po ang mga hamon sa akin nung ako ho ay maging mayor. “Ano’ng magagawa mo sa revenue ng Makati? Paano mo maitataas ang antas ng mga mag-aaral, pa’no mo mababago ang kahirapan?” Aba, nagawa ko pong lahat yun. Kaya nga kako, ang sinasabi ko, ako, may ituturo ho akong nagawa. Ewan ko po sa kanila, yung sa iba. Meron ba silang ituturo sa kanilang pinanggalingan at meron ba silang ituturo na nagawa ko na po yan?

Q: Okay. I’ll just move back to this corruption issue kasi this is a big issue eh. Ah–

A: By the way, wala na akong kaso sa Sandiganbayan, ha?

Q: Tapos na. Na-dismiss na?

A: Na-dismiss na yun, pautay-utay, sabi nga, pakonti-konti. Kinatatakot ko lang ngayon, pagkatapos ng interview’ng ito, uy, baka mabuhay nanaman yung ibang mga kaso (laughs).

Q: Masasabi niyo ho ba na kayo ay hindi corrupt?

A: Aba, opo, sa Diyos at sa tao, ha? Makakatingin po ako ng derecho. Ang hirap po kasi, ito naman ho ang malungkot sa nagtatrabaho sa pamahalaan. Kapag ikaw ay nasa tama yan, hindi ka dapat maging ___ sa maganda, hindi ka dapat makapagbaro ng magara, hindi ka pwede magkaroon ng americana, kailangan mahirap ka, pobre ka. Hindi naman ho ganun, kasi kami naman ho, ako, nagbabuyan ako, yung aking pinanggalingan, nag-negosyo naman po ako. Eh meron din naman akong namana sa tatay ko, so ah, hindi naman ho ako pobreng-pobre na masasabi. Dapat nga eh isang kahig, isang tuka kayo. Hindi naman ho ako dumaan sa ganyan.

Q: pwede niyo po bang i-concretize yung ganito kayo sa Makati, pa’no magiging kagaya sa buong bansa? Sa Makati ho kasi, marami talagang pera, dito yung sentro ng negosyo, pero it’s not the same thing with the whole country, so pa’no niyo ho payayamin din o patataasin din yung kita ng buong bansa para maging parehas yung Makati at buong Pilipinas?

A: Okay. Alam po ninyo kasi mga kababayan, eh kaya ho kami nagsasabing ganito kami sa Makati, ang Makati, mayaman na noon pa, ha? Ang Makati, mayaman na noon pa. Kaya lang ay hindi ho napupunta sa serbisyo eh. At that time, two is to one palang ang exchange rate, o, eh ngayon, forty-seven na naman. So, kung ire-reduce mo yung pera namin ngayon, eh halos pareho na rin naman ng yaman nun. Sa madaling salita, maling pamamahala sa tamang pamamahala, okay? Ngayon, sa buong bansa, kaya nga sinasabi ko, lahat ng local governments eh meron kaming annual development plan. Yung mga mahihirap, yung mga dependent sa IRA, two percent nalang ho for growth and development. And dapat, kako, eh magkaroon tayo ng tunay at totoong decentralization, dapat ho ay binibigyan ng financial support ang mga local governments, ang daming potential na mga local governments; tourism, meron silang mga natural water, et cetera, et cetera. After all, ang mga local governments, we are allowed to engage in business, yung sinasabing proprietary function. So, ano ba naman yung suportahan ang mga local governments in their annual development plan. Ang nangyayari po kasi, para magkaroon ka ng project, pupunta ka sa Malacanang. Ipinamumukha sayo, “Oy, utang na loob mo ito ha, binigyan kita ng project.” Bakit ganun? Bakit laging political mileage, bakit utang na loob? Trabaho mo yun na mapaasenso itong bansang ito. Wala yung political mileage. So, ano pang nangyayari? Pagkakuha na, nabigyan ng biyaya ng Malacanang, bago mapunta yung biyayang yun sa local government, ang dami pong pinagdadaanan niyan. Pagdating po dun sa local government nung project na yun, thirty percent na lamang ang worth. Pa’no aasenso itong ating bansa?

END OF TRANSCRIPT

Leave a Reply

Enjoy using ProbeTV.com by having access to all videos, comment and by sharing your own creations. Join ProbeTV today or login to begin.
Do you need video for a documentary, film, commercial or project you are making? Or want a copy of your favorite Probe Production show or documentary? ProbeTV may have what you need. Browse and buy from Probe’s 14,000 hours of video.